Two

53.7K 1.1K 22
                                    

"Iwan na kita dito ha. Nasa kabilang kwarto lang naman si Sir Ferris, he will be with you shortly raw." Paalam sa akin ni Suzanna nang nakabalik na siya para tawagin ang magiging boss ko. "Tip lang Miss Timbresa, 'wag mo siyang sasagutin ng pabalang o titigan ng diretso sa mata."

"Bakit po?" Tanong ko. But she just smiled and excused herself, leaving me alone inside a very huge office. I looked around and studied the place. There's not much inside of it. Mga gamit lang na talagang mahahanap mo sa isang opisina, ang boring naman ng buhay ng taong ito.

Napalingon ako sa pinto ng nakarinig ako ng taong sumisagaw, mga mabibigat na yabag ng paa. Bigla akng kinabahan, sana hindi siya ang boss ko. Kung sino naman ang parang dragon na humihiyaw sa labas, sana hindi siya.

"No. You're fired. Call Suzanna!" I heard a deep voice shouting before the door banged open. I saw a man well-dressed in a gray suit with a matching dark tie. He almost looked attractive, except for the fact that he's wearing an ugly frown.

"Why are you here?!" He menacingly asked, his eyes squinting in serious terror. Wait a minute I know that look. I know that face!

"Pinatawag mo ako dito." Lakas loob kong sagot. He narrowed his eyes even more, closing the door with excessive force.

"Who are you again?!" He bellowed once more. My eardrums will probably hurt once I get out here. He stalked his way until he was standing in front of me. "Anong karapatan mong sumagot habang nakatapak ka sa teritoryo ko?!" He simpered his words, it was faint but very venomous.

"Nagtanong ka, malamang sasagot ako." Sambit ko.

Aya, 'yang bibig mo please. My inner thoughts reminded me. Kakasabi lang ni Suzanna wag ko siyang sagutin at titigan sa mata. Kung ganito ba naman kasi kasama talaga ang ugali niya, aba'y hindi ko talaga maiiwasan 'yun.

Then the door creaked open, the both of us looking at it. Suzanna appeared from behind it, holding the resume I gave her a while ago. "Sir Ferris, si Miss Diamong nga pala, bago niyong secretary. She was recommended by your father and-"

"Hindi ko siya gusto. Paalisin mo na siya dito Suzanna bago ko pa siya ipakaladkad palabas." Putol niya sa sinasabi ng HR manager niya.

I rasied my eyebrow at him, his face souring even more. "Hindi mo ako kailangan ipakaladkad dahil aalis na ako. Sana lamunin ka mismo ng sama ng ugali mo." I seethed before I walked out of his office.

Ano sa tingin niya ikukusinti ko ang kasamaan ng ugali niya? Leche siya. Di bale na lang, mas matitiis ko pang matengga sa carinderia kesa naman makasama ko ang taong 'yun. "Ferris mo mukha mo, paikutin kita sa Ferris wheel nang mahilo ka at maisuka mo lahat ng sama ng ugali mo. Bwisit ka." Inis kong bulong ng nakasakay na ako ng taxi pauwi.

Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan at mabigat na humakbang papunta sa bahay. Agad naman akong sinalubong ni mama, "Oh anak ang aga mong umuwi ha tapos na ang interview mo? Kelan ang simula mo sa trabaho?" Sunod-sunod niya na tanong.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa, agad naman niya akong tinabihan. "Ma! Ang sama ng ugali niya! Hindi niya deserve ang outfit ko. Nakakainis siya ma!" Halinghing ko sabay maktol.

Napakunot noo si mama sa akin bago niya ako inakap. "I didn't get the job. Pagkakita ko pa lang kay Boy Sungit alam ko ng hindi ko makukuha ang trabaho. Ma, sobrang pangit ng ugali niya, natatabunan na n'un 'yung kagwapuhan niya! Sana naging mukha na lang siya, sana pipi na lang siya." Pagrereklamo ko.

Napahagod si mama sa buhok ko. "Di bale, magtingin ka na lang muna sa internet ng iba pang trabaho. Alam ko namang may iba ka pang makukuha."

Napalingon ako sa kanya, not quite sure if I heard it right. "Pumapayag ka na magtrabaho ako ma? Kahit hindi under kay Sir Mateo?"

She nodded her head, forcing a smile with it. "Wala naman akong magagawa anak. Hindi naman kita pwedeng ikulong dito." So hindi naman pala ako totally talo sa sitwasyon na ito. I smiled at her before I hugged her tight. "Basta kasama mo si Bryce maghanap ng trabaho, panatag ako."

Tumulong na lang ako sa carinderia para maalis ko sa isip ko si Boy Sungit. Once again, her ruined my perfect mood. In-outfit ko pa man din ang araw na 'yun tapos siya lang pala ang makikita ko. Asa siya kung inisip niya na matatakot ako sa kanya. Sakit ko lang ang kinatatakutan ko, hindi mga taong tulad niya.

"Huy, anong iniisip mo at parang mababali mo na yang lapis na hawak mo." Sambit ni Bryce sabay pitik sa noo ko. My thoughts about Boy Sungit got lost.

Napailing ako bago ko siya inaya tumabi sa akin sa likod ng cashier counter. "Wala... Sabi ko ang baduy ng suot mo." Patawang tugon ko. Napatingin siya sa Nick Automatic niyang tshirt, paborito niya talaga 'yun.

"Hoy, bagong bili ko 'to. Makapintas ka jan." Depensa niya. Napatawa ako bago ako sumandal sa balikat niya. "Thank you Bryce dahil pumayag ka na ihatid at sundo ako. Alam ko namang busy ka rin."

Inakbayan niya ako sabay yugyog ng kaunti sa akin. "Drama mo Aya, alam ko naman kung gaano mo gusto magtrabaho. Ano lang naman ang gagawin ko para matupad natin 'yang pangarap mo."

I rested my chin on his shoulder, taking a closer look of his handsome face. His facial features are very mature and manly though he's only a year older than me. Siguro kung hindi ko lang siya bestfriend tinalo ko na siya. "Aya alam mong hindi ko gustong tinititigan mo ako." Bulong niya bago niya ako itinulak ng mahina.

Napatawa ako may sasabihin sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi registered ang number, napatingin din si Bryce doon bago niya kinuha sa akin. "Ako na muna ang sasagot." Tugon niya. Hindi naman ako tumanggi at inabot ko sa kanya.

"Hello? Yes, she's here. Pwede kong malaman kung sino itong tumatawag?" Saka niya ako nilingon sabay takip sa receiver ng phone. "Suzanna De Guzman daw ng Pedrialva Corporate Offices." Bulong niya.

I looked at him, bewildered. Why would Suzanna call me? Kinuha ko sa kanya 'yung cellphone para makausap ko mismo ang HR manager ni Boy Sungit. "Miss Suzanna? Diamong na po ito."

"Ay yes. Miss Timbresa, can you report at work tomorrow at 8 am?"

"Akala ko hindi ko nakuha yung trabaho Ma'am?"

She laughed nervously before choking her reply. "Bukas ko na lang ipapaliwanag. Basta pumasok ka ha, see you tomorrow."

Stonehearts 4: DiamondМесто, где живут истории. Откройте их для себя