Three

51.3K 1K 45
                                    

"Good luck Aya! Kayang-kaya mo yan." Ani ni Bryce ng huminto na siya sa harap ng mataas na building ng Pedrialva. Sinilip ko mula sa bintana ng sasakyan niya ang matayog na building bago ako napalunok.

Gugustuhin ko pa bang pumasok? Baka naman pahirapan lang ako ni Boy Sungit dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya kahapon.

Biglang tinapik ni Bryce ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. "Huy, sabi ko 'wag mong kalimutan 'yung gamot mo sa tanghalian." Tango lang ang tangi kong nasagot. "Halika na dito, ito ang good luck hug mo." Nakangiting dagdag niya.

Nahawa na rin ako sa ngisi na 'yun bago ako pumaloob sa akap na aya niya. He hugged me tight before planting a soft kiss on my platinum hair. "Good luck and God Bless baby." He whispered.

I again nodded before getting out of his car. I huffed some air, reciting a mantra inside my head. No, hindi ako natatakot sa iyo Boy Sungit. At lalong-lalong hindi ko ipapasira sa iyo ang mood ko araw-araw.

Sinalubong ako muli ni Suzanna ng nakarating ako sa floor ng opisina niya. "Sa HR office muna tayo Miss Timbresa. Few reminders lang bago kita ihatid sa magiging opisina mo." Nakangiting tugon niya habang sinasabayan ko ang yapak niya.

She immediately sat down on her chair before bringing out a folder. "Anong nickname mo? Ang elegante naman ng pinangalan sa iyo ng magulang mo." Pabirong aniya habang naglilipat sa folder na hawak niya.

Pasimple akong sumisilip. "Birth stone ko po kasi. But people call me Aya po." Magalang na sagot ko habang pinapanood siya.

Then she stopped flipping pages. "Aya, you're 22 ano? First job mo?" I nodded my head. "Paano mo kilala si Sir Mateo?"

"Umm, private driver po niya 'yung Papa ko for 14 years." Siya naman ngayon ang napatango.

"Aya, magiging makatotohanan na ako sa iyo ha. Ikaw na ang pang-labing walo na secretary ni Sir Ferris ngayong buwan lang na ito. Wala kasing nakakatagal sa kanya. I'm sure nagka-idea ka na kung anong ugali niya mula sa nangyari kahapon."

Napalunok ako habang nagtititigan kaming dalawa. "Kaya ngayon pa lang gusto ko ng malaman mo lahat bago kita papirmahin ng kontrata. Pinakamatagal na secretary ni Sir Ferris three months, lahat sila nag-AAWOL, may mga ilan na nagpapaalam naman."

Napahawi ako sa buhok ko saka ko inipit iyon sa tenga ko. I wanted a job, God must've think I'm strong because He led me to work for one terrifying man.

"Sumasakit na nga ang ulo ko minsan kakahanap ng secretary na magtatagal sa kanya. Pero sana ikaw na 'yun. I hope your spirit is unbreakable just like your name depicts."

I clutched my bag while I think deeply. Kapag pumayag na ako, wala ng urungan ito. Ayoko naman ding magalala si mama sa akin, pero ayoko rin namang ma-stuck forever sa carinderia. Kaya ko 'to. Kakayanin ko.

"San po ako pipirma?" I said with enthusiasm. Suzanna smiled at me before putting the contract in front of me.

Sa totoo lang, iba ang kaba ko habang pumipirma ako. Yung ugali lang naman ni Boy Sungit ang problema diba? Kung 'yung trabaho sa tingin ko naman kakayanin ko.

"Here are some pointers Aya since you're Sir Ferris' official secretary. He gets here at 9am sharp." She said while I again follow her footsteps. "Kaya dapat hindi ka malilate, he hates late comers. Hindi din siya nagka-kape. He only drinks Milo, three spoonful of it plus hot water. He expects his cup of hot chocolate placed on top of his desk every morning, then another at 2pm and 6pm. Favorite niya ang Pork Chao Fan with steamed siomai ng Chowking, kaya kung wala siyang sinabing lunch niya 'yun ang bibilhin mo."

Naalala ko nanaman 'yung kabastusan niya grocery. I almost rolled my eyes. Nanahimik na lang ako at tumatango habang pinapakinggan ang tunog na ginagawa ng pin heel ng sapatos ni Miss Suzanna.

"Ayaw niya ng mabagal gumalaw at ayaw niya rin ng magulong opisina. Gusto niya kapag naghanap siya hindi siya mahihirapan. Kaya dapat maayos ka rin sa mga papeles niya. And he often shouts, baka magulat ka pero normal niya 'yun."

We rode the elevator up to his floor. Suzanna kept on reminding me things while we walk towards a big door. "Ito ang opisina mo. May connecting door sa loob papunta sa opisina niya. And Aya, please 'wag mo siyang sinasagot kapag pinagalitan ka niya kahit kasalanan niya, padaanin mo na lang sa tenga mo saka mo palabasin sa kabila. Sana ikaw na ang hinahanap kong makakatagal sa amin."

Binaba ko ang bago ko sa mesa ko bago niya ako tinawag sa harap nung connecting door na sinasabi niya. Gawa naman sa salamin ang dingding na naghihiwalay sa opisina naming dalawa kaya nakikita ko siya sa loob. At sa ngayon busy siyang magbasa ng kung ano sa laptop niya habang umiinom ng Milo niya.

Napalingon ako sa orasan, alas-nuebe kinse. "Sinong nagtimpla ng Milo niya?"

Tanong ko bago kumatok si Suzanna sa pinto. She turned to me with a smile. "Ako."

Mahina siyang kumatok bago binukasn ang pinto. Boy Sungit immediately levelled his gaze to us. "Sir Ferris, nandito na si Aya 'yung bago mong secretary." She said.

He set his mug down before he looked at me. "You again. I told you I don't want her Suzanna, hindi ka ba nakakaintindi?" Tugon niya sabay taas ng kilay.

Suzanna cleared her throat before stuttering a reply. "S-sabi ng daddy mo-"

"Blah. Blah. Blah. Sabi ni daddy." He cut short, mocking Suzanna's words. I clenched my fist, kaonti na lang susungalngalin ko na itong lalakeng ito! "Ayoko siya." He shortly muttered before gazing back at me. "Now get out of my fucking office."

"Ferris makinig ka naman." Suzanna said in constrained exasperation. Napatingin ako sa kanya, ngayon ko lang kasi narinig na tawagin niya sa pangalan si Boy Sungit. "Kailangan mo ng secretary at sa ngayon si Aya lang ang aplikante, ikaw rin ang mahihirapan dito hindi naman ako."

Matagal silang nagtitigan dalawa, bago bumawi si Boy Sungit. He raised his brow in irritation before leaning back on his big shrivel chair. "Fine, but one wrong move and you have to get rid of her." He seethed before he turned his back on us.

"Thank you Sir Ferris." Suzanna said, smiling again before we headed out of his office.

"Ayusin mo na lang ang gamit mo, wala namang problema kung gusto mong maglagay ng kung ano dito. This is your office anyway. If you have problems, 'wag kang magatubiling magsabi sa akin. I'm just a few floors down you naman, but you can also call me at local number 6. I hope papasok ka pa sa mga sumunod na araw. Thank you Miss Timbresa, catch you around."

And with that she left. Napasilip ako ulit sa mga espasyo sa pagitan ng frosted design ng glass wall na namamagitan sa aming dalawa. Kaya ko ba siyang tagalan?

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now