Seven

46.4K 1K 36
                                    

To: Mr. Pedrialva

Sir, may lagnat po ba kayo?

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko siya nireplay-an ng ganun kagabi. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Umakyat ata 'yung tensyon sa ulo ko kaya ang sakit-sakit n'un. Ayaw ko namang idaing dahil baka mag-alala lang sila Mama at hindi ako papasukin sa trabaho. Jusko, baka masisante na ako mamaya. 'Wag naman po sana Lord.

"Aya, bilisan mo anak. Nasa labas na si Bryce." Narinig kong sigaw ni mama. Natigil ako sa paglagay ng foot socks ko.Tama ba pagkakarinig ko? Nasa labas si Bryce? Nagmadali akong tumayo para sumilip sana sa bintana, baka kasi ginu-good time lang namana ako ng nanay ko. Pero hindi nga siya nagbibiro, dahil nasa labas na ang itim na Range Rover ng bestfriend ko.

Tumakbo ako palabas saka ko siya sinalubong ng akap. "Bryce pangeeeeeeeet!"

He welcomed me with open arms. He even took a few steps back because of the inertia I created. "Oofff." I heard him huff before he enclosed me inside his soothing hug. "Well, someone's too excited to see me."

"Inaway mo kaya ako!" Biglang kong naalala yung ginawa niya kagabi kaya kumalas ako ng akap. But he just chuckled, ruffling my neatly tucked hair.

"Kaya nga sorry na. Halika na, malilate na tayo." Tugon niya sabay hatak sa akin papasok sa kotse niya. Parang wala nga lang 'yung nangyari kagabi, pero hindi ko pa rin maintindihan ang ugali niyang 'yun. Sana sinasabi niya sa akin ang rason para alam ko naman ang gagawin.

"Aya baby, masakit ba ang ulo mo?" Bigla niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya.

"H-ha? H-hindi naman.." Pagtatanggi ko sabay tingin ulit sa daan. I heard him sigh. Sa tagal naming magkakilala ang hirap ng magsinungaling sa kanya.

"Lumalabas lahat ng ugat mo sa ulo. May nararamdaman ka ba?" Muling ulit niya. Napakagat ako sa labi ko, kapag um-oo ako alam kong iikot niya itong sasakyan papunta sa ospital. Kaya kahit medyo nagbabadya ng sakit ang ulo ko, umiling na lang ako.

"Wala naman..." But he doesn't look convinced. "Tatawagan kita kapag may naramdaman ako. Promise." I wagered. I heard him sigh again before he halted infront of the Pedrialva Corporate Offices.

"Call me okay? Stay safe baby." He said before he kissed my forehead and off he went to work. Napabuntong hininga ako, is it just me or Bryce is starting to get awkward with me? Naramdaman ko ang alinlangan niya kanina nung hahalikan na niya ako sa noo. Dati naman walang ganun, parang natural lang sa aming dalawa ang mga gestures na ganoon. But today, there was an unusual spark in his eyes. Winasiwas ko na lang ang mga ideyang iyon, maybe I'm just over analyzing things.

Nagmadali akong umkyat, buti na lang wala pa si Boy Sungit doon. Pero kinakabahan pa rin ako, ang tanga tanga ko naman kasi para reply-an siya nang ganoon. Baka umuusok na ang ilong nun sa galit sa akin.

I made him his freshly poured cup of Milo as soon as I grab a hold of his mug. Siguro paborito niya ito, kulay puti 'yun na may nakasulat. "Dream without fear; love without limits." It read. I never knew he was a quote-type of guy. Natawa na lang ako. He's so broodingly gorgeous then you'll read something like this. Maybe he's a softy too. Maybe there's a part of him that's gentle and kind and caring. Baka tinatago niya lang. Napatigil ako sa pagtimpla ng Milo niya dahil sa mga naiisip ko.

I waved my hands in crazy directions. Bryce was right! I am thinking too much of Boy Sungit. Maybe I got infected with the Sungit Syndrome! I sighed. My rallying heart slowing down its pace. Your getting loony Aya, sinasabi ko na nga ba mababaliw lang talaga ako dito.

Ilalagay ko na sana sa loob ng opisina niya 'yung mug niya pero naisipan ko na magipit muli ng note sa ilalim nun. Pampa-good shot ba. Naisip-isip ko kasi na magpapatay malisya na lang ako, kunwari hindi ko siya tinext ng ganoon. Hangga't hindi siya magtatanong, hindi ako magsasabi.

"Cheer up. Today's a beautiful day :)" Ang labag sa loob na smiley ko na-i-drawing ko nanaman. Mabilis kong ipinatong sa taas ng mesa niya ang baso at nagpaka-busy na muli sa loob ng opisina ko.

Half-way through the contents of the file I was reading I heard his door opening. At ayaw na nga si Boy Sungit. He was wearing a navy blue suit with a matching power tie. He set his suitcase down while he talks to someone over the phone. Hindi ko kasi maintindihan gawa ng glass walls sa pagitan namin. I saw his silhouette stopping by his table, then he dropped his phone down the table and took the mug. Akala ko iinumin niya na iyon, pero ginawa niya lang 'yun para kunin ang inipit kong papel sa ilalim n'un.

Hindi ko nakita ang reaksyon niya dahil natatakpan siya ng frosted na design ng salamin na dingding. Abswelto na kaya ako sa ginawa ko? Napahilot ako sa sentido ko. Gusto ko sanang malaman ang gagawin niya doon pero nagsimula na siyang magtungo sa upuan niya kaya mabilis kong ibinalik ang titig ko sa laptop sa harap ko.

Hinatayin mo, maya-maya sisigaw na 'yan. Parte raw ng routine niya 'yun sabi nila Cath. Siguro, limang minuto na simula nung naupo siya roon wala pa rin akong naririnig sa kanya. Saka ko siya naaninag na tumayo at nagtungo sa salamin na pintong namamagitan sa aming dalawa.

Though he's not smiling, alam ko ring hindi siya galit. But when he looked at me, biglang kumunot ang noo niya at napabalik siya sa loob ng opisina niya. Hindi ko alam kung bakit? May dumi ba ako sa mukha? Mabaho ba pabango ko?

Hindi ko na siya ginawian ng tingin, pero nakikita kong nakatayo siya at nakadungaw sa bintana ng office niya. Maya maya biglang nag-ring ang telephone ko. I gulped down the fear of answering it. Ayaw niya ba akong makita kaya tumatawag na lang siya? Alam kong may kasalanan ako pero OA niya ha.

Napairap ako bago sinagot. "Yes, hello this is Diamond, executive ecretary to the CEO. How can I assist you?"

"Aya, hija Suzanna ito."

"Ay yes po Miss Suzanna?"

"May sakit ka ba?" I creased my brows. Dumbfounded. Ganoon ba kahalata kapag may nararamdaman akong hindi maganda?

"Po?"

"Sabi kasi ni Sir Ferris nanginginig daw ang mga kamay mo at panay ang hilot mo sa ulo mo. May nararamdaman ka ba? Pwede kang magpunta sa clinic ngayon."

Then I literally stopped breathing. How long has he been observing while I was ignoring him? Paano niya napansin lahat ng iyon gayong labing limang minuto palang ang lumilipas simula nung pumasok siya?

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now