Fifteen

43.5K 931 46
                                    

           

Mas tamad na tamad na akong pumasok kumpara dati dahil sa ginawa ni Ferris sa akin. The thought of him makes me want to punch hi hard on the face and I am never the violent person!

"Are you sure gusto mo pa ring pumasok?" Tanong sa akin ni Bryce nang inihatid niya ako. "Kung sasama at sasama rin lang ang loob mo baby, mas magandang-"

"Bryce, not with this conversation again please?" Putol ko agad sa mga pwede pang lumabas sa bibig niya. He sighed in defeat before he placed his hands on the back of my head and pressed kiss on my forehead.

"Very well then. Just call me whenever you need anything okay?" Napatango ako bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Marami paring tumatakbo sa isipan ko hanggang sa nakarating ako sa opisina. Pero lahat ng mga bagay bagay na naisip kong sabihin kay Ferris nawala ng nakita ko siyang nakatayo sa harap ng table ko at hawak ang picture frame na nakalagay doon.

I cleared my throat and secretly checked the time the wall clock displays. It's only 8:30, 9 pa ang pasok ng taong ito. Why is he so early?

Binaba niya ang family picture namin saka niya ako nilingon. "Hi, I umm brought you some breakfast." He said without looking at me. I was waiting for him to say more but he didn't. He just fixed his eyeglasses and hurried back to his office.

I gingerly walked towards my table and saw a breakfast take-out from Jollibee. Napatingin ako sa glass walls at nahuli siyang sumisilip sa pagitan ng frosted designs. Agad naman siyang umupo ng maayos at nagpatay malisya.

I just found myself laughing softly at his awkwardness. Hindi naman ako masamang tao para hindi siya patawarin. I took my seat and opened the box of my meal. May note rin na nakadikit sa taas na bahagi ng packaging.

"I really regret what I did. I'm sorry and I mean it." – F.P.

Napangiti ako at kinuha ang note na 'yun saka ko sinilid sa bag ko. I find sorry Ferris cute. May ugali naman pala siyang ganito na pwede niyang ipakita sa lahat.

Naging tahimik ang buong araw namin sa opisina. Hindi naman siya nagutos pero hindi rin siya lumabasng opisina niya. Ilang beses ko rin siyang nakitang sumisilip at sa lahat ng pagkakataong iyon nahuli ko siya, pero ganoon pa rin naman siya, patay malisya.

Pasado alas-dose ng kumatok ako sa opisina niya para magpaalam mag-lunch. Nagtitext na rin kasi sila Lexy. "Um, sir kakain na po ako. May ipapabili ka?" Mahinang tanong ko habang nakasilip sa pinto niya. Hindi ko magawang pumasok dahil sa kaba ko.

Bakit nga ba ako kinakabahan?

"Ah, may plano ka ba? We can order and eat here?" Diretsong sagot niya habang nag-e-encode sa laptop niya. Bakit parang ako na ang awkward ngayon at hindi siya?

"Umm eh,m-may kasama akong kakain sa cafeteria sir." Sagot ko na panay hangin. Hinga Aya, kailangan mong huminga.

"Ah ganoon ba? Oh sige, mag-lunch ka na." Sambit niya bago niya ako ginawian ng tingin sabay ngiti. Tuluyan ng naputol ang daloy ng hangin sa baga ko. 'Yung puso ko biglang naghuramentado.

Nagmadali akong lumabas at tumakbo papunta sa elevator. Napasandal pa ako sa dingding habang nakahawak ng mahigpit sa dibdib ko. Napakuha ako sa aspirator ko sa sobrang hirap na akong huminga. Aya, hinga. Subukan mong huminga.

Kinalma ko pa muna ang sarili ko bago ako tuluyang nagpunta sa cafeteria. Agad ko naman nakita si Lex na nagsimula ng kumain, siguro nauna sila sa akin ng 15 mins.

"Ba't ang tagal mong bumaba ate girl?" Tanong sa akin ni Aldrin nang nakaupo na ako satabi ni Cath.

"May mga tinapos pa kasi ako." Maikling sagot ko sabay labas ng baon ko. Napatawa si DJ bago sumubo ng kinakain niya. "Sus, tambak ka nanaman sa trabaho ano?"

Napailing ako, "Hindi naman sakto lang." Sagot ko sabay ngiti. Hindi naman nabili ang sinabi ko kahit 'yun ang totoo. Hindi kasi sila naniniwala na medj bumait naman na si Ferris Wheel. Or dahilmay atraso lang siya sa akin.

"Deej, cover mo naman ako sa next Tuesday. May program kasi ang junakis ko." Pag-iiba ni Lexy sa usapan. Napalingon tuloy ako sa kanya.

"M-may anak ka?" I blurted out. Iisipin ko lang talaga 'yun, pero hindi ko napigilan ang bibig ko. But Lex just smiled, "Oo." Then she brought her phone out and flashed a cute picture of a boy with a toothy grin.

"Ang cute naman niya. Laki ng pisngi, tabachingching." Bati ko. Napangiti na lang si Lex bago tinago ang cellphone niya, "Namimiss ko nga siya lagi kapag nasa trabaho ako."

"Sino namang hindi makakamiss sa cute na cute na batang 'yan?" Dagdag naman ni Cath. "Sarap lamutakin sa katabaan eh."

There was a smile of pride on Lex's lips, she opened her mouth to say something but wasn't able to continue when she started gaping pass me. Napalingon ako at nakita ko si Ferris na nakatayo sa likuran ko.

He fixed his glasses while his left hand was resting on his pocket. "It's not hard to see you." Tugon niya habang nakatingin sa akin.

"S-sir? M-may ipapagawa ka ba?" I asked, but my voice so soft I can't even hear it myself.

He smiled before shaking his head. "Wala naman. Sasabay sana akong kumain sa'yo pero mukhang wala na akong lugar sa mesa niyo."

"Ah-eh, p-pupw-wede ka naman po d-dito sir." Tugon ni Deej sabay gawa ng agwat sa pagitan naming dalawa. Pinandilatan ko siya ng patago. Hindi ko gusto makatabi si Ferris, kinakapos ako ng hininga.

"Hindi na, okay lang naman. But anyway, Aya may pupuntahan tayo after lunch. Bye." He said before he smiled and went out of the cafeteria.

Lahat ng mata sa mesa naipako sa akin saka ako biglang tinulak ng mahina ni Deej. "Hoy ate girl anong pinapakain mo sa kanya?" Natatawang biro niya.

"Oo nga! Limang taon na ako dito ngayon lang yan bumaba dito." Dagdag ni Lex.

"At atey, ngumiti pa." Si Cath.

"Sinadya ka pa talaga niyang puntahan dito para lang sabihin namay pupuntahan kayo. 'Yung totoo?" Tukso ni Aldrin.

Lahat ng mga sinabi nila inilingan ko. Wala naman talagang mayroon, malay ko ba sa taong 'yun. "Baka may sakit lang." Mahinang tugon ko pero hindi pa rin naalis ang mapangtukso nilang mga titig.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now