Twenty Nine

37.2K 798 13
                                    

Ferris insisted that I should just stay at home and rest. He gave me one week sick leave kahit wala pa akong anim na buwan sa trabaho.

"Ferris, gusto kong pumasok." I whined while talking to him over the phone. Nakadungaw lang ako sa bintana at nagbibilang ng mga sasakayang dumadaan.

"Aya, sunshine please listen to me. We've talked about this. Kailangan mong magpahinga. And don't worry about missing me, pupuntahan kita mamaya pagkatapos ng mga meetings ko."

Napairap ako sa kayabangan niya saka nagpabuntong hininga. "Akala ko sila mama at papa na ang pinaka-overprotective na taong makikilala ko. May tatalo pa pala."

"You don't know what I will and can do just to protect you sunshine. Mas maganda ng maging overprotective kesa maging pabaya. Mamaya ipagpalit mo pa ako." Natatawang tugon niya. Nahawa ako sa pagtawa niya bago umupo sa dulo ng kama ko.

"Sus! Ikaw pa ipagpapalit ko." Bulong ko ng mahina.

I heard him chuckling, "I miss you sunshine. Gusto ko na lang magpunta diyan sa inyo para naman makasama kita. I'm not used on going to work without you."

Hindi ko mapigilang ang pisngi ko sa pag-init. Buti na lang hindi kami magkaharap kundi lolokohin nanaman niya ako. "OA Ferris."

He laughed again before I heard him sigh. "Sige na. I have to get back inside, be seeing you after a couple of hours. Please 'wag matigas ang ulo Minerva Diamond, magpahinga ka. I miss you." Naramdaman ko ang ngiti niya sa kabilang linya habang binabanggit niya ang mga salitang 'yon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "I miss you too boy sungit." Pabulong kong ani.

I heard him catching his breath. "For a moment I felt my heart stop. God, I want to see you already so I could drown you with my hugs and kisses."

With Ferris everything becomes surreal. Hindi ko alam kung paano ako maglalabas ng kilig. "Bilisan mo na diyan para makapunta ka na dito."

He laughed. "There's my demanding little monster. Yes, I will. Be seeing you later sunshine."

Akala ko ibababa na niya ang linya, pero mukhang hinihintay niya na ako ang unang gumawa. Siyempre hindi na ako nakipagtalo. I cut the line and just lay there staring at the ceiling.

I thought I was doomed to rot until Ferris finishes his meetings but I was suprise to get a mail from Ate Aqui at noon. Napabangon ako agad at napa-reply sa kanya. We eventually agreed on having lunch together, kasama si Ate Amy at Ate Gie.

"Bunso, how are youuu~" Tili ni Ate Aqui pagkapasok ko ng restaurant. Ate Gie laughed softly because all the people there turned around to look at me. They know how I hate attention.

"Ate Q!" I answered with the same intensity before I was locked in her embrace. Grabe, it's been years simula ng huli namin siyang nakita. I'm so glad she's back and better than ever.

"Maputla ka, Aya. Nagpaalam ka ba kila Manang Judy na lalabas ka?" Tanong ni Ate Gie nang nakaupo na ako sa tabi niya. She was running her hand on her pregnant belly. I nodded my head before caressing her bump.

"Ang laki ate." Pag-iiba ko sa usapan. Sa kanilang tatlo kasi si Ate Garnet talaga ang may alam ng estado ng kalusugan ko. She worked at the carinderia before para matustusan niya ang pag-aaral niya at ng mga kapatid niya. Pero isa lang 'yon sa mga naging trabaho niya, buti nga ngayon masaya na siya.

"Kambal eh." She said with a smile.

A few moments later, natanaw na namin ang purple na buhok ni Ate Amy. Tumayo agad si Ate Q at katulad ng ginawa niya sa akin, sinalubong niya rin ng mahigpit na yakap si Ate Amy pagkatapos niyang isigaw ang buong pangalan nito.

"I miss you too Q. Nagpaikli ka na ng buhok." Pansin ni Ate Amy nang kumalas ito sa yakap.

Ate Q smiled at her confidently. "Well, I changed for the better." She answered with a wink.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa accent na nakuha ni Ate Q. Bumeso si Ate Amy kay Ate Gie saka niya ako nilingon. Agad namang kumunot ang noo niya, "Aya, are you okay? Pwede namang kami ang magpunta sa iyo. You don't need to force yourself to see us."

I tried smiling at her. Hindi ko na kailangang sabihin pa na na-ospital ako kumakailan. Ayokong pati sila nag-aalala sa'kin. Tama na sila Mama, Papa at Ferris.

We started our conversation about Ate Q's experience in Italy. Kung paano ang naging buhay niya roon, kung ano nang pinagkakaabalahan niya ngayon. Magtatayo pala siya ng hacienda dito sa Pilipinas kaya siya umuwi. Team-up pa nga sila ni Ate Gie. Saka napunta ang usapan namin sa bagong boyfriend ni Ate Amy.

Na-wrong send kasi siya sa akin kaninang umaga kaya hindi ko sadyang nabasa ang text niya para kay Chance. Kaya ayun, nabisto siya at napakwento ng wala sa oras.

"Sana ma-meet ni Chance si Levi soon. Baka sakaling may maisip siyang business at gusto niya ng partner, 'wag kang magkailang tumawag sa akin Gie." Ate Amy said after retelling her blossoming love story.

"Noted on that Ate. Sasabihan ko ang asawa ko."

Then Ate Q turned to face me. "Eh ikaw bunso. May lovelife ka na ba?" She said, her voice interrogative.

Napalunok ako sabay inom. Hindi pa ko ready i-kwento ang tungkol sa amin ni Ferris, baka kasi mausog. "Umm-"

"Si Bryce, ayaw mo ba kay Bryce?" Dagdag ni Ate Gie.

I laughed nervously, bakit biglang ako na ang nagigisa? Kanina si Ate Amy lang. Karma na ba 'to dahil binuking ko siya?

"Ate naman. Alam mo namang strictly bestfriends lang kami."

Umiling lang si Ate Q, "Baka naman kasi may iba." Hindi na lang ako umimik. Alam naman nilang ayaw ko kapag ako ang nagiging topic ng usapan.

Bandang alas-dos na kami ng hapon nagpaalam sa isa't-isa. May trabaho pa kasi sila Ate Amy at busy rin si Ate Q. Saka tawag na kasi nang tawag si Mama kaya kinailangan ko na ring umuwi.

Ate Gie dropped us all off. Siya lang kasi ang may dalang sasakyan kaya nagprisinta na siya. Ako ang huling inihatid kaya mahaba-haba pa ang naging usapan namin. Nagtatanong siya kung kamusta na raw ang business ni mama at nag-so-sorry rin kasi hindi na raw siya gaanong nakakabisita. Kwinento niya rin na sa carinderia pala raw siya nahanap ng lolo ni Kuya Lev. Kaya malaki raw talaga ang utang na loob niya sa amin.

"I really, really hated my husband at first." She laughingly remarked. I smirked at the thought. I hated Ferris at first too. Yung inis at galit ko sa kanya, umaabot hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko. But here we are now, totoo ata ang sinasabi nila na the more you hate the more you will love.

Malayo pa lang kami, natanaw ko na ang sasakyan ni Ferris, Napalunok ako, buti na lang hindi na bumaba si Ate Gie dahil nagtext na rin naman si Kuya Lev sa kanya, saka na lang daw siya mangangamusta. Kinabahan din kasi ako, hindi pa ako ready na ipakilala sa kanya si Ferris.

Ferris has an ugly scowl written all over his face as he angrily pressed numbers in his phone. But a flood of relief immediately crossed his face when he saw me crossing the street.

"Hi." I murmured.

Basta inakap niya ako ng mahigpit. "Ang tigas ng ulo mo. Sabing magpahinga ka lang muna." He whispered, but it wasn't angry.

I giggled, "Na-bore kasi ako. Saka umuwi yung isa naming kaibigan galing Italy kaya kailangan kong magpunta."

He didn't say a word. He just hugged me tight like his life depended on it. And I plunged deep into his manly scent, I could stay like this forever.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now