One

69.4K 1.1K 17
                                    

Hindi ko nga nakita si Boy Sungit sa grocery pero kailangan talaga na siya ang huli kong makikita bago ako umuwi. Nakasira siya ng magandang mood ha! Gusto niya bang lunurin ko siya sa pool ng Milo? Jusko! Akala mo naman nabawasan kaluluwa niya dahil sa pagkakabangga ko sa kanya.

Napairap nanaman ako sa kawalan habang naiisip ko 'yung itsura niya kanina. Gwapo sana kaso nagmumukha siyang pitbull dahil sa sama ng timpla ng mukha niya. I waved my hands in different directions to clear my thoughts about Boy Sungit. Hindi siya makakatulong sa akin, baka atakehin lang ako sa kabadtripan ko sa kanya.

Binaba ako ng tricycle driver sa harap ng carinderia namin. I huffed some air, before channelling all gods for some courage and strength. Iniluhod ko rin ito kay Poong Nazareno. I really want to work. 'Yung trabahong alam kong pinaghirapan ko. Hindi naman pupwedeng habang buhay na lang ako mag-cashier at mag-manage ng carinderia namin. Don't get me wrong, malaki ang naiambag ng business namin sa pag-aaral ko at nagpapasalamat ako doon. Pero kasi, isang taon na akong tapos sa kolehiyo pero hanggang ngayon house girl pa rin ako.

Dumiretso ako sa eskinita sa gilid ng maliit naming business para marating ko ang bahay namin. Busy na rin ang mga katulong ni mama roon dahil pa-lunch time na at dumarami nanaman ang tao.

"Mano po ma." Bati ko ng nakapasok ako sa bahay at nakita ko si mama na busy maghimay ng gulay sa kusina. "Si papa po?"

Umirap si mama bago ako sinagot. "Nandoon sa labas." Masungit niyang sagot. Umakap ako sa kanya bago ko siya inasar. "Oh, matanda na kayo para mag-LQ ma."

Akala ko sasabayan niya akong tumawa katulad lagi pero hindi, nanatili siyang nakasimangot habang pwinepwersa alisin ang dahon ng malunggay sa tangkay nito.

Mukhang bad timing pa ako, ngayon pa talaga nagkatampuhan magulang ko. Gusto kong mag-face palm. Kasalanan lahat ito ni Boy Sungit! He must've rubbed some of his bad omen on me.

Hinalikan ko na lang si mama sa pisngi bago ko pinuntahan si papa na busy mag-siga ng apoy sa dirty kitchen namin. "Pa, mano po." Ani ko. Napatingin siya sa akin sandali bago binalik ang atensyon niya sa apoy na pasimula pa lang.

"Nakausap ka na ba ng mama mo Aya?"

Umiling lang ako. Inabutan ko siya ng mga kahoy kasabay ng paniningkit ng mata ko sa usok na ginagawa ng munting apoy. "Lumayo ka muna dito anak at baka ka hikain. Susunod ako sa loob."

Agad naman akong napabitaw sa hawak ako at sinunod ang sinabi niya. Naghahati naman na si mama ngayon ng karne pero masama parin ang itsura ng mukha niya. Ano bang pinagkainitan nilang dalawa?

"Anong sabi sa iyo ng papa mo?" Bungad niya sa akin nang naupo ako at nagsimulang maghimay ng bulaklak ng kalabasa. Nagkibit balikat ako kahit nagtataka na ako sa mga kinikilos nila. "Wala po, pumasok na daw po ako dito dahil baka hikain ako sa usok ng sinisiga niya."

Wala naman siyang naging sagot. Tanging tunog lang ng pagtama ng kutsilyo sa chopping board ang naririnig ko. "Ma ano ba kasing pinagawayan niyo ni papa? Ngayon na nga lang day-off ni papa sa trabaho niya LQ pa kayo."

Napahinto siya sa paghihiwa at napahugot ng malalim na hininga. Sakto naman ang pagpasok ni papa, sandali silang nagkatingin mag-asawa. "Dante, ikaw ang magsabi sa anak mo dahil ikaw naman ang may pakana nun." Mama bitterly said.

Kinabahan ako bigla at napatigil sa ginagawa ko. Nako, paktay ka diha! Mukhang purnada nanaman ang mga plano ako. Gusto kong mag-face palm pero pinili kong manahimik at hindi gumalaw.

Papa sighed before sitting right next to me. "Aya, nakausap ko kasi 'yung boss ko kagabi bago ako umuwi. Naghahanap daw ng bagong sekretarya ang anak niya, saktong nabanggit kita. Diba anak gusto mong magtrabaho?"

I stared at him in shock. Is this real life? Or is this fantasy? Napatango ako ng walang anu-ano. "Pero mas gugustuhin ko na dito ka na lang sa carinderia anak para mas nababantayan kita." Bulong ni mama sabay punas ng kamay niya sa apron na suot niya.

I looked at her, I know how she's worried about me getting sick and falling on my feet. Pero kailangan ko rin ito, hindi naman ako pwedeng nakadepende sa kanila habambuhay.

"Ma, magiging okay lang ako. Alam kong nagaalala ka lang dahil 'yung kaisa-isa mong anak sakitin pa. Pero ma, hayaan mo rin ako i-explore ang dapat kong i-explore." Pakiusap ko. Nakita kong nangingilid na ang mga luha niya kaya ako napatayo at dali-dali siyang inakap.

"Wala na akong magagawa. Gusto mo rin eh, hindi ko naman pwedeng patakbuhin ang buhay mo ayon sa gusto ko. Basta Diamond anak, alagaan mo ang sarili mo sa mga oras na nasa trabaho ka okay? Para hindi kami gaanong nagaalala."

Natawa ako sa sinabi niya akala mo kasi mag-a-abroad ako. Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang sabik kong magpunta sa potential job ko. Sabi kasi ni papa kailangan ko pa rin daw magdala ng resume kasi i-interview-hin pa rin daw ako ng anak ng boss niya. Matagal na kasi siyang personal driver ni Mr. Mateo Pedrialva, pero hindi ko alam na may anak pala siya. Sana kasing bait siya ng daddy niya.

My excitement level stayed consistent until I reached the towering corporate office of the Pedrialva Airlines. So secretary ang aaply-an ko diba? Kakayanin ko naman siguro ang trabaho, sure rin naman ako na nasabi na ni papa kay Sir Mateo na hindi ako pupwede sa masyadong mabibigat na trabaho.

I was shifting on my feet until I reached the 18th floor of the building. Agad akong sinalubong ng isang babae naka-uniporme ng itim. "Hi, you must be Miss Timbresa?" Agad na bati niya.

I nodded my head. "Opo."

"You look young. How old are you?" She said with a smile as we stride a hallway full of cubicles.

"22 po." I shyly muttered. She laughed, "Young nga. I'm Suzanna by the way, I'm the HR manager. Actually, kanina pa kita hinihintay. For now, wala pa kasing secretary si Sir Ferris kaya ako lahat gumagawa ng paper works niya."

Sir? So lalake ang anak ni Sir Mateo? Okay no sweat pa rin Aya, I'm sure kaya mo pa rin ito.

"Bakit po ikaw?" I curiously asked. She stopped walking, stared at me before smiling. "Curious as a bee. Well, Sir Ferris is very particular when it comes to work kaya ako muna ang gumagawa. But good thing you're here. Halika na, I'll bring you to him."

I gulped. Medyo natakot ako sa mga sinabi niya. But hey Aya, maybe he was named Ferris for a reason. Ferris wheels are thought to bring happy and exciting feeling right? Maybe he's easy and fun to work with. I secretly crossed my fingers behind me. Sana lang. Sana naman.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now