Nine

43.2K 964 38
                                    

I didn't know what I did but somehow Ferris started to treat me nicely, in contrary with our first meeting. Minsan talaga gusto ko ng itanong sa kanya kung anong nakain niya, o kung nabagok ba ang ulo o 'di kaya naman may sakit lang talaga siya.

"Minerva, I sent you a file. Please do print them out." Tawag niya sa akin mula sa kabilang gawi ng magkadikit naming opisina. Tatlong araw na, Minerva pa rin ang tawag niya sa akin.

I printed the file he requested and strode to his office. Like always, he's busy reading and writing something down. I put the papers in front of him and whispered. "Aya sir."

He stopped reading and met my gaze. "What? I'm sorry I didn't hear clearly?" He answered, adjusting his glasses again. Napansin ko na ugali niya talaga 'yun, lalo na kapag may kausap siya.

"'Yung pangalan ko po. Diamond or Aya Sir. Pangalan ng lola ko 'yung Minerva." Tugon ko.

"But it's a part of your name. Bakit ayaw mong gamitin?" I rolled my eyes at him, parang hindi niya kasi pinakinggang yung sinabi ko. "If I were you I would be extremely cautious at whom I'll be rolling my eyes to." He simpered, deadly enough to make me shake.

Pero kunwari hindi ako affected, I stood my ground. "Hindi ka kasi nakikinig. Hindi ka marunong makinig." I blurted out.

He slammed the papers he was holding on the table, making the newly printed files scatter. "What did I tell you about your smart mouth?!" He gritted through his teeth. Note to self: 'wag magsalita ng hindi tapos. Sabi ko na may hangganan talaga ang kabaitan ng alagad ng impyerno. Asa pa akong tatagal 'yun.

"Ikaw kaya may kasalanan!" Bulyaw ko bago ko siya nilayasan. Akala ko dun na nagtapos ang sagutan namin pero sinundan niya ako hanggang sa opisina ko.

"Do not turn your back on me secretary! Empleyado lang kita at-"

"Ano?! Sisisantehin mo ako? Sure! Mas maganda sa bahay na lang ako kesa naman tiisin ko 'yang sama ng ugali mo!" Putol ko sa kanya. He pursed his lips, I swear I can see smoke out of his nose.

Kinuha ko 'yung bag ko at nagsimulang kunin lahat ng gamit ko na magkakasya sa loob. Bahala na kung may maiwan, "Good, do us both a favour and leave my fucking building! I don't want to see your face here ever again!"

"'Sayo lang building mo! Kasing panget mo ugali mo!" Sagot ko bago ako lumayas. I can still hear him shouting something but the hell I care! Sama ng tabas ng dila, sama ng ugali. Bahala siya sa buhay niya, hindi na ako nagtataka kung bakit walang nagtatagal sa kanya. Para siyang babaeng may forever regla. Ibang klase ang trip ng mood swings niya.

Nagmadali akong lumabas ng building at tinawagan si Bryce. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga empleyado na daanan ko dahil may hawak akong box at halos sumabog na ang bag ko sa dami ng siniksik ko sa loob.

"Aya? May problema ba?" His voice was filled with concern and worry. Naiyak tuloy ako bigla. I wanted the job, like super want the job. Ito yung chance kong ma-experience ang buhay na hindi bantay sarado ng mga magulang ko.

"Bryce, pasundo ako..."

"Ha? Teka. Teka, papunta na ako..May masakit ba sa'yo?" Narinig ko na ang paghabol niya ng hiningi dahil siguro tumatakbo na siya.

Umiling ako at pinunasan ang luhang bumagsak mula sa mata ko. "Wala.. mabilis ka lang ba? Pwede na lang akong kumuha ng taxi pauwi."

"15 mins. Hintayin mo ako.."

Napaupo ako sa labas ng building, nagmumukhang ewan dahil sa dami ng bitbit ko. Saka ko naaninag ang Rover ni Bryce na paparating. He quickly jumped out of the car and hugged me when I stood up. "May nangyari ba?" Tanong niya habang nakaakap sa akin ng mahigpit.

"Wala na akong trabaho..." Bulong ko sabay iyak. Para akong siraulo, sabi ko ayaw ko ng magtrabaho kung si Ferris rin lang boss ko pero para akong gaga na iiyak iiyak dahil nag-volutary exit ako sa trabaho.

Wala naman ng naging comment si Bryce habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Kaya nagboluntaryo na lang akong magkwento. "Inaway ko siya dahil Minerva ang tawag niya sa akin." Sumbong ko.

I was expecting him to just nod his head and listen but he laughed. He freaking laugh. "Uy, ano bang tinatawa mo jan? Nakakainis ka naman Bryce eh." Mapagtampong tugon ko sabay suntok sa braso niya.

"Well, I was hoping na mas malalim ang ugat ng problema mo pero 'yun lang pala. Sana sinabi mo sa kanya na ayaw mong natatawag ng Minerva."

"Sinabi ko! Pero hindi siya nakinig. Sabi niya parte naman daw 'yun ng pangalan ko bakit daw ayaw ko. Doon na nagsimula, nagkasagutan kami tapos sisisantehin niya ako kaya nagvoulunteer na lang akong aalis."

"Well, he's still your boss Aya. Dapat hindi mo siya sinagot ng ganoon. But since this is your first job and I know it's hard dahil sa ugali ng boss mo, I think what you did was forgivable."

Napaisip tuloy ako sa ginawa ko kanina. Tama si Bryce, secretary LANG niya ako. Wala talaga akong karapatang sigawan at sabihan siya ng ganun. Mas lalo tuloy akong nainis. "Nakakainis lang kasi Bryce, ginto na naging bato pa. Wala na akong trabaho, forever stuck na talaga ako sa bahay."

"Not really, may opening sa amin sa may HR Training. Baka pwede ka doon. Ibigay mo na lang sa akin ang resume mo at ako na bahala magbibigay sa human resource." I looked at him in delight before I hugged him. He let out a chuckle.

"Aya baby, nagda-drive ako. You can hug me later." Tugon niya ng patawa. Napabitaw ako sa kanya pero yung excitement ko lagpas ulo na. "Mas maganda rin yun, at least mas mababantayan kita ng mabuti." Dagdag pa niya.

Ha! In your face Boy Sungit! Sa'yo lang ang kompanya mo!

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now