Eight

44.6K 995 36
                                    

Sinabi kong wala akong sakit at baka nasobrahan lang ako sa kape kaya tinigilan ako ni Miss Suzanna. Parang gusto ko tuloy kumatok sa pinto ni Boy Sungit at magtanong kung paano niya napansin ang mga bagay na sinabi sa akin ni Miss Suzanna.

Mag-iisang oras na siguro simula nung tawag ni Miss Suzanna ng bigla akong tawagin ni Boy Sungit, 'yung tensyon umakyat nanaman agad sa ulo ko. "Minerva." He calmly said. Hindi tulad nung pagsigaw niya kahapon. And he actually called me by my name, though Minerva nga lang, pero mas okay na 'yun kesa naman sa 'secretary'.

I tiptoed until I was able to encroach the door slowly adn quietly as possible. He was sitting on his chair while reading, ngayon ko lang napansin na nagsasalamin pala siya and that he has a black earring on his left ear. "This is my schedule for the rest of the week. I expect you to be with me during my meetings, international or local. And I also expect you to remind me of things I might forget. That would be all." Lahat 'yun sinabi niya nang hindi nagtataas ng tingin. Pero sino naman ako para magreklamo? At least hindi niya isinisigaw lahat ng utos niya, marunong naman pala siya ng mabuting usapan.

Napatango na lang ako at bumulong ng 'yes sir' at umakmang lalabas na ng opisina niya pero bago ko pa malapitan 'yung pinto muli siyang nagsalita. "Oh and Minerva."

"Sir?"

"Thank you for the notes." Then he smiled.

HE SMILED.

I was stunned that I wasn't able to walk. Nginitian niya ako?! Marunong pala siyang ngumiti. Hindi niya siguro napansin ang pagkatunganga ko dahil naging abala nanaman siya sa mga papel na hawak niya. I watched him took a sip of his Milo before he rose his gaze to meet mine.

"May gusto ka pa bang sabihin?" He asked. His brows creased. Okay, mag-e-evolve nanaman ata siya into Boy Sungit.

I shook my head and tried my best to offer him a smile. "Wala po. Umm nice earring." I said before I scurried back to my office.

Bakit ko sinabi 'yun? Bakit? Bakit?

"Nako, ang tanga tanga mo Aya. Nice earring? Kagabi tinanong mo siya kung may lagnat siya tapos ngayon babatiin mo 'yun hikaw niya? Nako Aya, may maganda bang lalabas sa bibig mo?"

Napakamot ako ng ulo bago ako bumalik sa upuan ko. Hindi ko nga nakita 'yung reaksyon niya. Galit ba siya? O ano? Nainis? Baka sisantehin na niya ako.

The rest of the morning was busy and slow moving. I studied his schedule. Kinabahan ako sa sinabi niya na kailangan ko siyang samahan kung saan man siya lupalop ng mundo magpunta. Hindi ko sure kung papayagan ako ni mama at papa, lalong-lalo na si Bryce na sumama sa kanya. Hindi naman alam ni Boy Sungit ang kalagayan ko, pero wala rin naman siyag pake kahit sabihin ko.

At lunch time, kumatok ako sa pinto niya para magpaalam at magtanong na rin kung may ipapabili siya. "Sir, kakain na po ako. May gusto ba kayong kainin o ipabili?" I asked as calm and politely as possible. But the truth is my nerves are cracking and I am about to lose it.

He was still reading and flipping pages when he answered. "Wala naman. I'll just take the usual Minerva."

Usual? Ano ang usual?

Oh right! Chao fan ng Chowking.

"Okay po." Sagot ko saka ako umorder. Wala pang 30 mins dumating na ang order niya. Inilipat ko sa plato bago ko pinasok sa opisina niya.

He jerked his head up then he smiled, HE SMILED AGAIN, when he saw me serving his lunch in a tray. "I am most comfortable eating on the box the fast food provided Minerva. Hindi mo na dapat pa inilipat." Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Nagkakaroon na tuloy ako ng duda. Kung sarcastic ba ang mga ngiting 'yun o baka naman may sakit lang talaga siya.

"Sorry Sir." I murmured, placing his food in front of him.

"May kasabay ka bang kumain?" Tanong niya nung palabas nanaman ako ng opisina niya.

"Meron po, mga taga-call center." He nodded his head before he removed his glasses, rubbing his eyes after.

"Tomorrow we'll have lunch out. May kakausapin tayong kliyente, nasa schedule ko ata 'yun. Kaya kung nagbabaon bukas 'wag na muna." Napatango lang ako sa mga utos niya.

Hanggang sa kaharap ko na sila DJ, nagtataka pa rin ako sa mga kinikilos ni Ferris. Baka naman kasi mamaya nagbabait-baitan lang siya, tapos magugulat na lang ako beastmode nanaman sa akin si Boy Sungit.

"Huy Ateng, kausap ka ni Lex." Agaw ni Aldrin sa atensyon ko. Bigla silang natawa lahat.

"Nako baka nabingi na 'yan kakasigaw ni Sir Ferris." Biro ni DJ kaya sila mas lalong natawa. Gusto ko sanang sabihin ang mga kakaibang kinikilos ni Ferris sa kanila kaso ma-chismis kasi ang mga ito kaya minabuti ko na lang na manahimik ang sakyan ang mga biro at pangungutya nila sa boss namin.

Nagmadali akong umakyat pagkatapos ng lunch break dahil kailangan ko pang timplahan ng Milo si Ferris pero pagpasok ko ng opisina nakita ko si Ferris na nakatayo sa harap ng mesa ko.

"S-sir...." I muttered, quite surprised na nasa opisina ko siya.

"Oh you're back. I got you some aspirin for the headache." He said, handing me the medicine. He adjusted his glasses and went inside his office again. Sino bang nagsabi sa kanya na masakit nga ang ulo ko?

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now