Twenty Two

43K 1K 78
                                    

           

Totoo ngang manliligaw si Ferris at hindi siya nagbibiro. Kahit hindi gaanong kumbinsido pa sila papa at mama, napapayag naman niya. Kung paano? Hindi ko alam, basta ngayon napagtanto ko na kapag si Ferris na ang gumagawa, wala siyang hindi napapa-oo.

"I feel so jittery and giddy and exicted for tomorrow and the days yet to come." Ferris muttered when we're standing beside his Rolls Royce. He took my hand and brought it to his lips without breaking eye contact. "I'm serious about this Diamond. I wish you can see past the mistake I did in our past and focus on our future."

Napabuntong hininga ako sabay iling. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti gayong takot at nerbyos ang nararamdaman ko. "Hindi naman 'yon ang inaalala ko. Tulad nga ng sabi nila papa sa'yo, matrabaho akong tao. I will be needing almost all your effort and time at ayoko lang pagsisihan mo ang mga naging desisyon mo."

He chuckled before he pulled me closer to him. "Is this the face that says all the things you worry about? Aya, please know that I never wanted someone so much as you. Just let go of the fears and doubts and leave the rest to me. Just take the first two steps and I'll take care of everything." I melted by his sweet words. Now that I analyze the things he says, nakakawala nga namanng puso. Napatango na lang ako sa mga sinabi niya, nginitian niya ako bago niya ako inakap saka humalik sa noo ko.

Umalis na si Ferris pagkatapos noon pero kahit ganoon, nararamdaman ko pa rin na lumulutang ako sa himpapawid. The euphoria of the things that happened today lifted me to imaginary land and I can't seem to get enough of it.

Bryce dropped by the house at 7:30pm, looking confuse as to why I am home early that day. Papa cleared his throat before muttering, "May nag-akyat kasi ng ligaw kaya umuwi 'yan ng maaga." Papa said jokingly. But Bryce didn't seem to be happy about it, his face contorted into an ugly frown before he faced me. "Tito pwede ko ba munang kausapin si Aya ng kami lang?" Paalam niya.

Lumabas si mama na kasalukuyang nagpupunas ng plato, "Baka mag-away nanaman kayo ha." Pagpapaalala niya bago sumunod sa kanya si papa sa kusina.

Napahugot ng malalim na hininga si Bryce saka siya naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, nalulunod na nga ako. Napahawak ako ng mahigpit sa inhaler sa bulsa ko, dahil nagbabadya nanaman ang baga kong biguin ako. "Totoo ba ang sinabi ni tito?" Bulong niya. Mahina pero malinaw at buo. Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Napapikit siya at napahilamos sa mukha niya bago napasandal sa sofa. "Sino?"

"S-si F-ferris.." Mahinang tugon ko. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghinga bago ako hinarap. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa balikat ko at niyugyog ako ng mahina.

"Aya, boss mo 'yon!" He hissed under his breath. Simula talaga ng nagtrabaho ako, napapadalas na ang mga mood swings ni Bryce.

I shrugged his grips off and moved away, creating a space between us; figuratively and literally. "Alam namin 'yon, pero naayos naman na. Nandito rin si sir Mateo kanina, pumayag na din si mama at papa pero bakit ikaw Bryce? Ano bang mali at ganiyan ka na lang mag-react? Bestfriend kita 'diba? Nangako tayo na susuportahan natin ang isa't-isa."

"Doon na nga ako may mali eh. Pinili kong maging bestfriend mo." He simpered right back. Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot, nagsisisi ba siya? "Diamond, paano ko ba sasabihin sa'yo 'to?" Napalunok ako sa kaba, he only calls me that when things get freaking serious. Then he sighed, "Hindi ko siya gusto para sa'yo. Hindi ka niya kayang alagaan, that guy only thinks about himself. Hindi niya alam ang mga bagay na pwede at hindi pwede sa'yo, hindi niya alam ang oras ng paginom ng gamot mo, hindi niya alam ang araw ng check-ups mo, hindi niya alam ang sakit mo. Hindi niya alam-"

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now