Thirteen

43.4K 843 67
                                    

"Aya, samahan mo ako sa party ng kaibigan ko mamayang gabi. Gusto kitang ipakilala." Biglang tugon ni Ferris nang naipatong ko ang pangalawang mug niya ng Milo ngayong araw na ito.

I looked at him in surprise, not knowing a thing to say. Gusto niya akong sumama sa kanya? Gusto niya akong ipakilala?

"H-ha? B-ba't ako? S-si Bona na lang." I stuttered. Nagpatuloy lang siya sa pagsusulat nang hindi tumitingin sa akin. Pumirma siya sa pinakababa ng papel sa harap niya bago nagbuntong hininga at tumingin sa akin. "I said she's just a friend." He muttered, as if he's tired of repeating the same line over and over again.

"And besides, ikaw ang gusto ko." Then he took his energy drink and gulped down some of it. My heart started a rampage beneath my ribcage. I suddenly found it hard to breathe. Napahawak ako sa upuan sa harap ko para suportahan ang buong katawan ko. Binaba niya ang baso niya at tumingin sa akin ng diretso. "Ang gusto kong kasama, hindi siya."

Napatango na lang ako at umakmang aalis na dahil biglang kumonti ang hangin para sa aming dalawa. Huminga ka Aya, huminga ka. Aatakehin ka ng asthma mo. Please huminga ka. Nasa tapat na ako ng pinto ng dinagdagan niya nanaman ang sasabihin niya, "Oh and Aya. Christian's party is a costume party. Be in your best suit." He said with a smile.

There's something about that smile that gets me everytime. Hindi ko alam pero kasi sa tuwing ngumingiti siya may kakaibang kabog na ginagawa ang puso ko. Siguro dahil sobrang dalang niya lang 'yun gawin kaya siguro ganito ako mag-react.

Iniwan niya kinahapunan ang invitation ko dahil RSVP daw ang party. Excited na excited ako dahil madalang naman akong makadalo ng mga party gawa ng kondisyon ko. Kung makaka-attend man ako maaga akong umuuwi o 'di kaya dapat kasama ko si Bryce o si mama. Let's just say I didn't experience much fun when I was studying, because I was always guarded.

"Costume party? Hindi ba't masyado ng matanda si Sir Ferris para sa mga ganito anak?" Tanong sa akin ni mama habang inaayusan niya ako ng buhok. Sinuot ko ang Hulk costume ng pinsan ko. Buti na lang may paghihiraman ako.

"Eh hindi nga sa kanya ma, sa kaibigan niya raw. Eto oh." Sagot ko sabay pakita ng maliit na papel na may nakasulat na 'RSVP, you're freaking invited!'.

Napabuntong hininga na lang si mama nang natapos niyang ayusin ang buhok ko. Alam kong labag sa kalooban niyang papuntahin ako lalo na't sinabihan ko siya na 'wag sabihin kay Bryce ang mga plano ko ngayong gabi. Baka kasi mapumilit siyang sumama, ayoko naman ng ganun. For once I want to experience life without barriers.

Pinanood pa ako ni mama at papa sumakay sa nirentahan kong sasakyan hangga't sa nawala ako sa paningin nila. Nakailang bilin pa sila na magtext o tumawag lang ako kung nagkaroon ako ng problema.

Nakarating ako sa address na tinext ni Ferris. Ilang beses kong tignan ang mga taong pumapasok sa loob, ni isa sa kanila walang naka-costume. "Kuya sigurado po ba kayong dito 'yun?" I validated.

Tumango naman sa akin ang Uber driver habang nakatingin sa rear view mirror. "Yes ma'am. Postive po." He said with a nod.

Nilunok ko na lang ang kaba ko at naglakas loob na bumaba ng sasakyan. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad ako papalapit sa gate ng magarbong venue. Rinig na rinig ko na ang lakas ng rave music na pinapatugtog kahit nasa labas palang ako.

May bumangga pa nga sa'king tatlong babaeng naka-bikini top bago sila nagtawanan. Napatingin ako sa itsura ko, naka-Hulk costume ako with matching green paint pa samantalang ang mga pumapasok naka swim wear or beach wear. Nasa tamang lugar ba ako?

"Invitation?" Tanong ng guard sa'kin. Pinakita ko ang hawak kong papel. I gulped when he nodded his head and opened the small gate. This can't be right.

I walk gingerly into the party and I saw people in their bikinis and board shorts enjoying the pool. Then the DJ stopped his music, grab his mic and spoke, "Woah! Look who channelled their inner monster!" He jokingly said making the crowd laugh.

Saka ko naaninag si Ferris na papalapit sa akin. He was wearing a blue board shorts and a white muscle shirt. This isn't a costume party. Namuo na ang mga luha sa mga mata ko habang unti-unti akong nilalamon ng kahihiyan.

"Sorry, did I say costume party? I meant swimming party. I'm sorry." He said sarcastically while restricting his laugh. Nililingon ako ng mga dumadaan sabay tawa. Hindi ko na kinaya ang hiya na bumalot sa akin. Napatakbo ako palabas ng venue at pumara ng unang taxi na dumaan sa harap ko.

I cried while inside the car, making the driver stole some glances at me. I told him my address and he did great on arriving at our house in a jiffy.

Agad napatayo si mama na naghihintay sa may carinderia ng nag-park si manong driver. Inabot ko ang bayad ko at nagmadaling bumaba at tumakbo papunta sa bahay namin.

"Aya anak-" Hindi ko na narinig ang buong sinabi ni mama dahil nilagpasan ko siya. I hurriedly locked myself inside my room, tore myself off from the costume and cried my shameful self to sleep.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now