Seventeen

43.8K 1K 45
                                    


Hindi ko mawari kung paano ko bibitbitin si Teddy nang nakarating na kami ni Ferris sa building ng opisina. Napansin niya siguro ang malalim kong pag-iisip kaya bigla siyang napatakip sa balikat ko.

"You don't have to carry him to the office. Kahit jan na muna si Teddy, ihahatid na lang kita pauwi mamaya." He offered. Bigla nanamang tumaas ang init sa pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin, siya naman ang pagtawa niya ng mahina.

"W-wag na Sir. M-may sundo naman po ako." Muling pagtatanggi ko. He sighed before he stepped out of the car, "Then you can say to your sundo na ako ang maghahatid sa iyo mamaya." He muttered before he shut his side of the door.

One thing I learned about him is he hates being contradicted. Ayaw niyang nakokontra siya, hindi ko nga lang matantiya kung kailan 'yung okay na pagsagot niya at kung kailan ang pabalang.

Sinundan ko siya at tinulungan ko siya magbaba ng gamit mula sa likuran ng sasakyan niya. Nakasimangot pa rin siya habang nagbibitbit ng mga paperbags. Aabutin ko sana ang isa sa mga iyon pero parehas kami ng ginawa kaya sandaling nagkahawak ang mga kamay namin. Mabilis siyang bumawi na para bang napaso. He was looking directly at me before he looked away and fixed his eyeglasses.

He murmured something I didn't catch before he turned his heel and walked to the lift. Ibang talaga ang mood swings ng taong ito, kanina ang ayos ng pagtrato niya sa akin, nasabi ko lang naman na may sundo ako ngayon halos isumpa nanaman niya ang buong presensya ko.

Lahat pala ng pinamili naming dalawa ay para lang sa ref niya sa loob ng opisina niya. Hindi naman na niya ako kinibo kaya minabuti ko na lang din manahimik para maiwasan ang isa pang pagkakamali.

Napabuntong hininga na lang ako at napatext kay Bryce na hindi ako magpapasundo sa kanya. Nakukuha lang talaga ni Ferris ang lahat ng gusto niya gamit yang pagsusungit niya.

-

To: Bryce

Bryce 'di ako magpapasundo mamaya. Hahatid daw ako ni Boy Sungit.

Agad naman akong nakatanggap ng sagot mula sa bestfriend ko.

From: Bryce

Ha? Bakit ka daw niya ihahatid?

-

To: Bryce

Basta, mahabang kwento. Saka ko na lang sasabihin.

-

From: Bryce

Okay, hihintayin ko kayo sa tapat ng carinderia. Uwi kayo agad okay baby? Wala ng ibang pupuntahan. Diretso uwi.

Natawa ako sa reply niya, daig niya pa tatay ko kung magpaalala.

To: Bryce

Yes boss!

-

From: Bryce

Good! Sabihin mo sa kanya magmaneho siya maayos. 'Wag kasing pangit ng ugali niya.

I rolled my eyes and chose not to reply. Hahaba lang ang usapan namin at ayaw na ayaw niya pa man din na ako ang huling may sinabi. Kailang siya lagi ang huling may reply o sasabihin.

The day passed fast na halos hindi ko na namalayan. Lumabas si Ferris bandang alas-kwatro. Hindi naman siya nagpaalam, akala ko nga hindi na tuloy ang paghatid niya sa akin pero saktong ala-singko bumalik siya at agad na pumasok sa opisina ko.

Nakasampay na ang coat niya sa braso niya saka ako ginawian ng tingin, "Ready to go?" He asked formally, fixing is eyeglasses again. Ngayon pansn ko ng mannerism niya ang gawain na 'yun. Napatango na lang ako saka sumunod sa kanya palabas at papunta ng elevator. As usual tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig ng elevator music.

Minsan gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa utak niya. Kung ano ang mga bagay na ayaw niya, gusto niya, pati--.Teka nga lang! Am I really thinking deep about him? Gusto kong sampalin ang sarili ko ng mawala ang kahibangan na nananalagi doon. He's your boss Aya, nothing more, nothing less.

Mas lalong nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan niya. 'Yung hangin, nagkukulang nanaman para sa aming dalawa. "Umm, S-sir. Okay lang ba kung i-on ko ang radyo?" Tanong ko ng hindi siya ginagawian ng tingin.

Hindi siya sumagot pero siya na mismo ang nag-on doon. Bigla pa nga akong napangiti dahil kanta ng Salbakuta ang pinapatugtog, kaya bandang chorus sinabayan ko. "(Stupid) love, soft as an easy chair. (Stupid) love, fresh as the morning air."

Napahinto na lang ako nang narinig ko si Ferris na tumatawa, "You know this song?" He asked, a amused smirk plastered on his face. Nahiya ako ng bahagya pero nagawa ko paring sumagot.

"Oo naman Sir. L-lagi kaya 'to sa radyo nang bata ako. Imposibleng hindi mo alam 'to."

"Bakit? Ilang taon ka na ba?"

"22. Ikaw po ba?" Sagot ko sabay lingon sa kanya. Nakangiti pa rin siya pero ang mata niya diretso sa daan.

"I'm 24. I've heard the song but not to the point of memorizing the lyrics." He defensively said. Natawa ako bago ko siya sinuntok ng pabiro na agad ko namang pinagsisihan dahil naramdaman ko ang pag-tense ng buong katawan niya. "S-sorry."

"You give me breathing problems." He murmured under his breath. Maybe I wasn't supposed to hear it but I did and it bothered the hell out of me.

Naging tahimik nanaman kami hanggang sa pagdating namin sa bahay. Nalungkot nga ako dahil hindi ko na tuloy nasabayan hanggang huli 'yung kanta. Agad namang sumalubong si Bryce nang nakita niya ang itim na Ducatti ni Ferris. Akala ko ako lang ang baba pero pati si Ferris bumaba rin, saka niya kinuha si Teddy sa back seat.

"Thank you ulit Sir." Sambit ko nang naiabot na niya sa akin ang malaking bear pero ang titig nanaman niya lagpas sa akin at diretso kay Bryce na nasa likuran ko at nakapatong ang kamay sa balikat ko. "Ay si Bryce po pala, bestfriend ko. Bryce si Sir Ferris." Alam kong hindi ito ang una nilang pagkikita pero kailangan may sabihin lang ako para maistorbo ang talim ng titig nila sa isa't-isa.

Then Ferris smiled before he snickered. "Oh, the bestfriend." He muttered before he fawned his attention to me. "Goodnight Diamond." He muttered, akala 'yunna 'yun. But he took my hand and kissed it before he left. For a moment, my lungs failed and my heart lurched.

Stonehearts 4: DiamondUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum