Eighteen

45.4K 931 46
                                    

"Bakit ka niya binilhan ng teddy bear?" May inis na tanong ni Bryce habag bitbit niya si Teddy papasok ng bahay. Sila mama at papa na nanonood sa sala biglang napalipat sa kusina. Napairap ako, akala mo naman mag-jowa kami ni Bryce at kakailanganin namin ng space.

Inabot ko sa kanya si Teddy at inilapag sa sofa bago ko siya hinarap. "'Wag mo naman akong pagalitan Bryce, wala naman akong ginawang masama." Sambit ko. Pero hindi nawala ang simangot sa mukha niya. Nandito nanaman kasi sa biglang bugso ng mood swings niya na hindi ko maintindihan.

"Hindi kita pinapagalitan Minerva Diamond, tinatanong ko lang kung bakit ka niya binilhan ng teddy bear." He seethed through his teeth. Kulang na lang yugyugin niya ako sa inis niya.

"Ano bang mali dito Bryce? Ano kung binilhan niya ako? Masama ba 'yun? 'Diba hindi naman?!" My voice went a pitch higher than I expected. Bryce's face contorted more into a deep, ugly frown. Bago pa siya makasagot, inawat na kaming dalawa ni mama.

"Nagkakainitan na kayong dalawa.." Tugon ni papa ng pumagitna siya sa aming dalawa. "Pero tama nga naman si Aya, Bryce. Wala naman atang mali kung binilhan siya ng teddy bear. At hindi ko siya kinakampihan dahil anak ko siya."

Tinalikuran ako ni Bryce saka siya umupo sa sofa, "Alam ko naman po 'yun tito. Ayoko lang pong ma-issue siya sa opisina niya. Ayoko pong nagaalala na baka nabu-bully na siya o ano-"

"'Diba sinabi ko naman sa'yo na hindi mo ako responsibilidad. If you want out, you can Bryce. Hindi naman kita pinipilit na gawin ang mga bagay na ginagawa mo-"

"Tama na 'yan." Putol ni mama sa sinasabi ko. Hingal na ako sa dami ng sinabi ko habang si Bryce nakatunganga lang sa'kin. "Bryce hijo, umuwi ka muna. Pagod lang 'tong away niyo, hala sige na. Dante, ihatid mo na ang anak mo sa itaas."

Hindi ko na hinintay pang magpaalam siya sa'kin. Basta umakyat na lang ako at sinunod naman ni papa sa akin si Teddy. Naiiyak ako sa inis ko sa kanya. Kailan pa siya pagod? Kailan pa niya naisip na ayaw na niya akong alagaan? Hindi ko naman siya pinilit 'diba? He swore he would protect me come what may. I didn't force those words out of his mouth.

Hindi ako sinundo ni Bryce kinaumagahan. Ito na ata ang pinakamalalang away namin sa tanan ng pagkakaibigan namin. Kung may problema siya, sana sabihin niya na lang kaysa napagbubuntunan niya ako ng galit.

Nasa loob nanaman si Ferris pagka-akyat ko sa opisina ko. He was again staring at my family picture with his left hand buried to his pocket. "Sir, good morning." Bati ko sa kanya. Maaga pa alas-otso pa lang nasa opisina na siya.

Pinatong niya muli ang picture frame sa mesa ko bago niya ako hinarap. 'Yung ngiti sa mukha niya nawala nang nakita niyang maga ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi.

"A-are you okay?" He asked, moving forward until he was infront of me. He mindlessly rubbed his thumb on the dark circles under my eyes, only to move it suddenly when he realized what he did. Normally, I would freak out because of what he did. But I'm too emotionally drained to react.

Umiling na lang ako bago ako naupo, "Nag-away kasi kami ng bestfriend ko. Sinumpong nanaman ng kasungitan." Paglalathala ko. Hindi ko nga alam kung bakit sa kanya ako nagsasabi.

He just nodded his head, "May baon ka ba ngayon?" He asked out of nowhere. Saka ko naalalang nalimutan ko ang baunan ko, wala na kasi si Bryce na nagpapaalala sa'kin ng mga bagay-bagay.

Napa-face palm na lang ako sa harapan ng boss ko. "Nalimutan ko nga." I said with a tongue click. I heard Ferris chuckling before he leaned on my table and balance his upper body using his palms.

"Buti na lang nakalimutan mo. Book us a lunch out sa Niu. I'm taking you out para sumaya ka naman." He said without any pause or any blink. Saka siya naglaho sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang bawat tibok ng puso ko.

I did what he said and now we're on our way to the restaurant. Tahimik lang siyang nag-da-drive habang ako tahimik lang din na nakikinig sa radyo. He volunteered of turning it on once I hopped inside his car. Nagtxt na nga ako kila Lex na hindi ako sasabay sa kanila, puro panunukso nga ang na-receive kong reply.

He pulled out a chair for me once we arrived at our table. Halata ngang kilalang-kilala na siya dahil panay ang bati sa kanya ng mga staffs doon. We got our food and silence still hovered while we eat, buti na lang naisipan ng basagin ni Ferris iyon.

"So why did you color your hair white?" He suddenly asked before munching down his sweet and sour pork. Napahawak ako sa buhok ko bago ko siya sinagot.

"Kulay platinum sir." Pagtatama ko. "Kasi nang bata ako madalas akong mawala kapag nasa lugar kami ng maraming tao, sa park, simbahan, mall, mga ganoon ba. Pinakulayan nila mama ng platinum ang buhok ko para kung sakaling mawala ako ulit, mabilis nila akong mahahanap. Lalo na noon 'di pa naman uso ang magkulay ng buhok. Naalala ko nga lagi silang nagsusulat ng note sa schools ko para payagan akong pumasok dahil ipagbawal ang buhok ko."

I don't know why I told him that but I have the urge of explaining things to him. Kila Deej nga hindi ko sinabi ang totoong rason. He nodded his head to acknowledge my explanation. "Close kayo ng mga magulang mo? Do you have any siblings?"

"Wala naman po sir. Mag-isa lang ako kaya siguro close kami nila mama. Kami-kami lang naman ang magkakasama."

"Drop the sir, Aya. Kapag tayong dalawa lang you can call me Ferris. I don't mind." Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi niya. Naalala ko kasi ang sinabi nila Aldrin na ayaw niya ng first name basis. Kahit nga si Miss Suzanna sir ang tawag sa kanya. Pero bakit ako? Inuuto nanaman ba niya ako? "Actually I get jealous everytime I see your family photo. Kaya siguro naging ugali ko na ang pagmasdan 'yon tuwing umaga."

"Wala namang problema sa'kin kung gusto mong tignan." I murmured but he didn't seem to hear it.

"I never experience much of the complete family thing. When I was young, daddy was usually out for business trips. Naiiwan lang kami lagi ni mom sa bahay, kaya siguro naging close rin kami. Hindi ko naman ipagkakaila na mama's boy ako because she's all I have when I was young." Lahat 'yun sinabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"S-san na siya ngayon?" I asked even though I knew the answer behind it. He stopped cutting his steak and then he met my gaze.

"She's dead." He said stolid, his face blank. He continued cutting the meat before he spoke again. "Suzanna is my dad's second wife, but not my second mom." May bigat talaga ng emotion ang mga sinabi niya kaya hindi na ako nagtanong ulit. Binalik naman niya sa akin ang topic kaya nakaiwas na kami sa pagsusungit niya. Napansin ko kasing hindi siya komportable kapag pamilya na niya ang nasa usapan.

"Ferris thank you sa lunch." Sambit ko ng nasa parking lot na kami ng building niya. He turned the ignition off before he faced me, he was grinning from ear to ear for unknown reasons. He took my hand and kissed it again just like last night. "Anytime you're short of happiness, I'm here to fill in the gap."

Napabawi ako sa kamay ko at mabilis na humawak sa bandang puso ko. Sa sobrang bilis nun sa tingin ko naririnig na rin ni Ferris ang bawat kalabog na gawa nito. Nagtititigan lang kaming dalawa habang pinapakiramdaman ko ang bawat hampas na ginagawa ng puso ko. Shit, teka. Hindi na normal 'to.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now