Prologue

87.6K 1.3K 57
                                    

Okay, kaya mo ito Aya! Kaya mong sabihin kila Mama na gusto mong magtrabaho at hindi sila pwedeng huminde.

I'm already twenty two, hindi na ako bata para madiktahan. I need growth. Hindi naman nila ako pwedeng ikulong sa bahay. Hindi lang naman doon at sa carinderia umiikot ang buhay ko. The world is a big space and I have to explore it.

I breathed in and out before I took a kilo of sugar and into the cart it went. "Paano ko ba kasi sasabihin kila mama ito? Baka magalit lang sila sa akin." Bulong ko sa sarili ko.

Napapikit ako at napahalinghing bago ko itinulak ulit ang cart ko. Pero mabilis akong napahinto ng may nabangga ako. Bakit ba kasi ako nagtutulak ng cart ng nakapikit?!

The guy I bumped glared at me as if by instinct, it was deadly and dangerous. May isang bag ng Milo na nakahandusay sa sahig. "Can't you fucking see me standing here? Are you blind?!" Galit na tugon niya.

Gusto ko siyang sigawan at piliting magsorry sa sama ng tabas ng dila niya pero nilunok ko na lang dahil ako nga naman ang may kasalalan. "Sor-"

Hindi ko naituloy dahil bigla na lang siyang umalis. Nilayasan ako ng panget na 'yun! "Edi wag mo." Bulong ko sa sarili ko sa inis.

I closed my eyes before calming myself. Hindi mo ipapasira ang mood mo sa panget na 'yun Aya. Tandaan mo, kailangan mo pang magpa-good shot kila Mama para payagan kang magtrabaho. Kaya dapat galingan mo ang pag-gro-grocery okay?

Ilang beses akong umikot sa pamilihan para lang masigurado na nabili ko lahat ng inutos ni Mama. Less mistakes, more chances of winning. Nagpasalamat din ako na hindi ko na nakasalubong si Boy Sungit sa grocery, jusko para lang sa Milo grabeng magalit; akala mo naman ginto.

Napairap ako ng palabas na ako. Okay, inner peace Diamond. Kailangan mong i-practice ang sasabihin mo sa nanay at tatay mo para pagbigyan ka sa gusto mo.

"Ma, Pa, gusto ko pong magtrabaho." I shook my head. Hindi, masyadong strong ang dating.

What if magtanong muna ako kung may ipapagawa sila sa akin? Ligawan ko muna sila ng husto para mas abot-kamay ko ang hiling ko.

I stopped walking when the stoplight by the intersection turned red. Good thing! Kailangan ko pa kasing magformulate ng sasabihin. Nagiisip pa rin ako ng malalim ng napalingon ako sa naka-park na sasakyan sa tabi ko.

Bawal mag-park dito pero ang lakas ng loob ng may-ari nito. I just sighed, bakit ko nga ba prinoproblema 'yun?

I ended up staring at my reflection on the car's tinted window. Great! I can practice here, para ma-obserbahan ko rin ang facial expression ko habang nagsasalita.

"Ma, Pa. I'm 22, I need to grow and learn on my own. I-" Hindi ko naituloy ng biglang bumaba ang bintana ng sasakyan. The guy was sporting an ugly frown, his eyes piercing its way through me. "You again?!"

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now