Twenty-Three

25.4K 334 6
                                    


CHAPTER TWENTY THREE


"Pangit ba ako?"


tumingin ako kila Cheska at Harry. Alam kong wala na ako sa katinuan pero kaya ko pa.


"Ahm sumimangot ka nga." utos ni Cheska


Sumimangot ako habang nakatingin sa kanya.

"Sige pa. Yung mas malungkot."


"Ganito."   mas lalo pa akong sumimangot.

Umiling siya.


"Yung mas malungkot."


this time ay umiyak na ako. Madali lang para sa akin yun dahil nasasaktan na naman ako.


"Ayan mas pangit kana?"   tumawa pa siya kaya mas lalo akong umiyak.
Dumukdok ako sa table at umiyak ng umiyak.


"Bess biro lang. Maganda ka kaya wag ka ngang nega diyan."


"Bakit niya ginawa sakin yun. Akala ko mahal niya ako yun pala gusto niya lang maghiganti."


Inisang lagok ko ang alak na nasa harap ko kahit na parang sinusugat ang lalamunan ko sa tapang nun.

Kahit saglit. Kahit kaunti gusto ko munang makalimutan ang nalaman ko mula kay Jovanni.


"Kasi gago siya, tanga, bobo, walang kwenta kaya hindi mo dapat siya iyakan."


"Babe your mouth."  pinaikutan niya lang ng mata si Harry.


"Gusto ko lang gisingin si Alessia."


"Gising na ako Cheska. Gising na ako sa katotohanang walang totoo sa lahat ng ipinakita niya."

I sobbed. Naging masama siguro akong babae kaya nangyayari sa akin ito. Ang sama niya!  Ang sama sama niya! May nangyari pa samin so ano yun, gusto niya lang maglabas ng init ng katawan. Fuck you Maddox.

Impit akong umiyak ng maalala ang sinabi sakin ni Jovanni.


*Flashback*

"Ano ba talaga kasing pinag usapan niyo? Jovanni naman, I need to know."

Tumingin siya sa malayo and began to talk.

"It's all about revenge."   he said silently.

Revenge?  What revenge?

"Revenge? Saan? Bakit?"
naguguluhan kong tanong. Wala akong kaalam alam. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Talagang hindi mo alam kung para kanino"

His forehead wrinkled na parang nagtataka dahil sa inasta ko. Hindi naman na sana ako magtatanong kung alam ko diba.

"Hindi naman ako maguguluhan nang ganito kung alam ko Jovanni."

"I see but promise me na hindi ka masasaktan."

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now