Twenty-One

25.2K 372 1
                                    


CHAPTER TWENTY ONE

Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising . Mahapdi ang mga mata ko at kumikirot ang ulo. Dumako ang tingin ko sa suot kong damit. Yun parin ang suot ko kahapon. My eyes widened in realization. Isa lang ang sumigaw sa isip ko.

Maddox

Bumalik sakin lahat ng nangyari kahapon. Lahat ng masasakit na nangyari. Bumalikwas ako ng bangon para tawagan siya. Nanlumo ako ng hindi magring ang cellphone niya. Nanghihina akong napaupo sa sahig.
Then I saw a notes. Nakaipit ito sa table na nasa tabi ko. Kahit ayaw kong kunin ay sinisigaw ng isip ko na kailangan.
Dahan dahan kong binuksan ang maliit na puting papel.

Goodbye!

Nalukot ko ang papel. My tears started to come out at malayang naglandas sa mga pisngi ko. The handwritten, Im really sure that it was him. Napahagulgol ako. Bakit niya nagagawa sakin 'to.
Naging masama ba akong babae kaya hindi niya magawang pakinggan ang side ko.
In second time, umalis na naman siya. Naiwan na naman ako. Naninikip ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung kaya ko pa. Pinilit ko paring kontakin siya kahit na para na akong sirang plaka ngayon. I really hate him dahil lagi niya nalang ginagawa sakin ito but I hate it that Im still into him kahit na wasak na wasak na ako.

"Bess, si Cheska 'to. Nasan ka?"

Narinig ko si Cheska mula sa labas pero hindi ko magawang magsalita. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Oh my god bess! What happened?"
tinakbo niya ang pagitan namin at agad akong ginawaran ng yakap. Mas napahagulgol ako at niyakap pabalik si Cheska.

she even tapped my back at pinatahan ako sa pag iyak.

"What happen Alessia. Bess please sabihin mo sa akin."

"Maddox left me. Iniwan niya na naman ako."

Mas napahagulgol ako. Iniwan niya na naman ako. Iniwan niya na naman ako. Iniwan niya na naman ako. Yun ang paulit ulit na rumerehistro sa utak ko.

"Sshhh baka naman nag away lang kayo. Baka naman nagpapalamig lang siya ng ulo."

Paliwanag niya pero mabilis akong umiling. I dont think so kung simpleng away lang ba yun. He even called me bitch at yun ang masakit.

"Baka naman kakausapin ka din niya sa Monday. Bess naman wag ka kasi magisip isip ng kung ano ano."

"Im not idiot Cheska. Alam ko kung ayaw niya na *sobs* o kung gusto pa niya."

I said between my sobbed. Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa kama.

"Maybe may hindi siya naintindihan. Mag usap kayo."

"Can't you understand Cheska. He hate me. Ayaw niya akong pakinggan. Itinaboy niya na ako kaya sabihin mo kung ano pa ang dapat naming pagusapan!"  I yelled at nakita ko sa mukha niya ang gulat. Napapasabunot nalang ako. Pati tuloy siya nasisigawan ko.

"Sorry. It just that hindi ko na talaga kaya yung sakit bess." 

I cover my face. Fuck this tears, bakit ba ayaw niyo pang tumigil.

Naramdaman ko nalang ang yakap niya sakin.

"Its okay. Let it out hanggang sa gumaan kahit unti ang pakiramdam mo. "

I nodded.

Ipinagluto niya ako ng soup ng malaman niyang hindi maganda ang pakiramdam ko. Naalala ko si Maddox na ipinagluluto ako sa mismong kusina ko pero alam kong hindi na mangyayari yun. Ipinagsalin ako ni Cheska ng soup pagkaluto niya.

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon