Fourteen

24.5K 370 2
                                    

Gao Yuan Yuan  as  Maeve

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.


Gao Yuan Yuan  as  Maeve

CHAPTER  FOURTEEN

THIRD PERSON POV

"Ate Alessia kayo na pala ulit ni kuya."

Narinig niya na naman ang boses ng kapatid na si Maeve kahit na nasa loob na siya ng kanyang opisina. Hindi niya kasi naisarado ang pinto kaya malinaw na malinaw niyang nalalaman ang pinaguusapan ng dalawa. Sumilay sa mga labi niya ang ngisi. Sigurado na siyang malapit na siyang magtagumpay sa plano niya sa dalaga.

"Slow down your voice Maeve, nakakahiya." narinig niyang sabi ni Alessia. Umiling iling naman siya. Masyado talaga itong mapagpanggap. Kunyari pa itong ayaw niyang ipaalam sa iba na may relasyon sila samantalagang alam niya namang nagdidiwang ang loob nito dahil nagkabalikan sila. She's still the gold digger Alessia he knew. Yeah! he left the girl without saying goodbyes dahil sa natanggap niyang notes mula sa dalaga 2 years ago. Nakalagay dito lahat ng plano niyang perahan lang siya without loving him back. Hindi na sana siya maniniwala pero sa dulo ng sulat ay nandoon ang pirma ng dalaga. Fuck! And it's her handwriting and signature . 

Binalak pa niyang kausapin ang dalaga pagkatapos ng rebelasyong natanggap niya but in second time around mas nasaktan siya sa naabutan. Alessia under the blanket, wearing nothing but a brassier at hindi niya alam kung nakasuot paba ito ng pambaba.May nakayakap ditong lalaki na hindi makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kanya. Doon na pumasok sa kanya ang galit lalo na ng pumasok sa isip na pineperahan nga lang talaga siya ng dalaga. He didnt let himself na sumugod at magwala dahil sa panggagago sa kanya ng babaeng sineryoso niya at halos pagbigyan niya na ng kanyang buhay instead umalis na siya doon na wasak ang puso.

Then he come back for his revenge at sasabihin sa kanya ng babae na hindi nito alam kung bakit siya umalis. For fuck sake! talagang tinanong pa nito



"Kuya kakain kami sa labas ni ate Alessia."

pumasok sa pinto ang kapatid niya, wearing her smile. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto parin nito kay Alessia pagkatapos niyang sabihin sa pamilya niya ang totoong nangyari sa pagitan nilang dalawa.

"You can go."  inip niyang sabi

"Eh bakit parang naiirita ka?" mataman siyang tinignan ng kapatid.

Itinuon niya na lamang ang pansin sa trabaho.

"Im not. You can go basta bumalik din kayo."

"Hindi kuya eh, bakit parang galit ka ata." 

Ano bang galit na sinasabi nito! naiinis lang siya dahil nadagdagan na naman ang gusto niyang makaganti sa dalaga dahil sa mga naalala niyang dapat ay ibinaon niya na.

"Wala ka namang period pero ang sungit sungit mo." hindi parin tumitigil ang kapatid sa pagi inspect ng reaksyon niya.

"I said hindi ako galit. Wag mo na nga akong abalahin Maeve, kumain na kayo."

My Heartless Ex (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum