Thirty Seven

23.6K 318 0
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

Alessia naiwan ni Cheska yung laptop niya sa kuwarto mo. Pakidala naman dito sa kompanya oh.

Naibalik niya agad sa ibabaw ng mesa ang phone pagkatapos mabasa ang mensahe galing kay Harry.
Magku kunwari nalang sana siyang hindi nabasa ang text at hahayaan nalang ito ng bigla na namang tumunog ang phone hudyat na may tunatawag.
Hindi niya alam ang gagawin habang nakatitig sa screen ng cellphone.
Paano niyang idadala ang laptop kung nandoon sa kompanya ang taong iniiwasan niya.

Pikit mata niyang sinagot ang tawag.

"Alessia naiwan kasi ni Cheska-----

"No! Ayoko!"  tanggi niya na agad kahit hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Harry sa kabilang linya.

"Pero naka save kasi sa laptop yung documents na kailangan naming ipasa ngayon."

"Harry naman alam mo namang hindi mo ako mapapapunta diyan."

"I know Alessia pero kailangan kasi talaga namin ngayon. Pwede kaming matanggal kapag hindi namin napasa ngayon yan."

Her hear beat fast more than its normal rate. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Ayaw niya pumunta ng kompanya pero pwedeng matanggal sa trabaho ang mga kaibigan kapag hindi naman siya pumunta.

She sighed and place her hand onto her chest.

"Okay fine."

Nang magpasalamat na si Harry ay pinatay niya na ang tawag at tinungo ang kuwarto. Nakita niya ang laptop sa ibabaw ng cabinet .

Nag ayos siya ng suot bago umalis sa bahay at ihatid ang laptop.

.

.

.
Pagdating sa kompanya ay sinadya ni Alessia na huwag ng pumasok.
Inilabas niya ang cellphone para tawagan si Harry na kunin nalang sa labas ang laptop.

Nakailang tawag na ito ay wala pang sumasagot sa tawag kaya nagpasiya na siyang pumasok.
Good thing ay may dala siyang scarf kaya matatakpan niya ang mukha. Nagsuot din siya ng loose shirt para hindi mahalata ang umbok niyang tiyan.
Pagpasok ay parang nanibago siya kahit magda dalawang linggo palang siyang umalis ng trabaho.
Nakahinga pa siya ng maluwag ng hindi siya mapansin ng ibang mga empleyado dahil tila busy ang mga ito sa kanya kanyang ginagawa.

Pagdating sa floor kung saan ang puwesto nila Cheska ay walang lingon likod niyang nilakad ang cubicle ng mga ito.

.

.

ALESSIA's POV

"Ano ba Alessia ginulat mo pa ako,"

Napaikot nalang ako ng mata at inilapag na ang laptop sa desk niya.

"Sige aalis na ako. "

"Wait lang."  natigil ako sa pagtalikod ng hilain niya ang kamay ko.
Nagsimula ng tumambol sa bilis ang puso ko dahil sa ginagawa ni Cheska. Paano kung dumating si Maddox. My ghad hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ano ba Cheska aalis na ako."  mahina pero diin kong sabi.

"Dito ka muna, sabay na tayong-----


"Andiyan naba ang mga documents?".

Napatalikod ako at napamura ng bigla nalang siyang dumating sa harap namin. Naku naman! Pahamak talaga!

"Ahm andito na po sir Maddox. Ipo photo copy ko nalang ho."

"Okay. I need that until 2 pm."

"Yes sir copy."

"Ok. Go back to work."

Nakaramdam ako ng sakit ng maramdaman kong umalis na ito. Talaga bang hindi niya ako pinansin o hindi niya lang ako nakilala? Talaga bang wala na siyang pakealam.

Hinila ako ni Cheska paalis dun.

"Nasasaktan ka?"

itinuro pa niya ang bandang puso ko. Tumango ako dahil yun naman ang totoo. Akala ko magiging masaya ako dahil finally wala na talaga siyang pakealam sakin kagaya ng gusto kong mangyari pero iba ang gustong iakto ng puso ko at malayong malayo iyon sa gusto kong maramdaman.

"Good thing."

"Anong good thing dun?"

"Ah...I..mean buti nga sayo."

Hinampas ko siya ng mahina pero tumawa lang ito.
Gustong gusto talaga niyang nasasaktan ako.

"Bakit ka namamalo? Yan naman gusto mo eh diba, yung hindi kana niya pansinin."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa Cheska."

I warned but she just shrugged her shoulders.

"Killjoy mo bess. Diba ikaw pa nga ang nagsabi na masasaktan lang kayo kung ipagpapatuloy niyo pa eh bakit parang nasasaktan ka naman ngayon. "

Napasimagot ako sa sinabi niya.

"Hindi kaba talaga titigil huh?"

"Nope not until aminin mo sa akin na mahal mo parin si sir Maddox."

Lumingon ako sa paligid at wala namang ibang tao kung hindi kami lang. I crossed my arms.

"Bakit ko naman gagawin yun huh Cheska. Tapos na ang lahat sa amin."


"Tapos na nga ba? Liers go to hell bess sige ka. Sasagutin mo lang naman kung mahal mo paba siya."

Napapadyak na ako sa paa sa sobrang kulit ni Cheska.

"Kahit naman ano isagot ko ay wala na ding saysay dahil tapos na ang lahat sa amin."

"Mahal mo ba siya? Yun lang naman bess ang tanong ko."

"Oo na.,Oo mahal ko pa siya. Hindi naman ganun kadaling mawala iyon eh."

"Okay gora kana at magpahinga kana sa apartment mo."

Napapailing nalang akong umalis at iniwan siya dun. Such a weirdo.
Nang malapit na ako sa elevator ay napatigil ako at natuod ng mapansin kung papalapit si Maddox sakin.
Balak ko sanang ngumiti pero hindi ko na nagawa ng lagpasan niya lang ako.
Ugh! Ano bang nangyayari sakin. Diba ito naman ang gusto mo Alessia? Na hindi kana niya pansinin.

Bakit ka nasasaktan?


A/N: Sorry if lame. Hope you'll understand.

***Sorry sa typos and grammatical error. Please do COMMENT/VOTE/FOLLOW. thank you<3***

twistytwixxx

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon