Thirty Four

23.9K 356 4
                                    


CHAPTER THIRTY FOUR

ALESSIA's POV

Tulala lang ako habang nakatanaw sa malayo. Wala akong ibang iniisip kung paano ko kakausapin si Maddox tungkol sa amin. Kung sila man ni Misty kailangan ko siyang makausap. Ewan pero gusto ko na namang maiyak kapag naaalala ko yung balita na yun.
Hinanap ko ng tingin si Maddox pero wala parin siya. Tinignan ko ang oras sa wallclock ng office.

10 am na pero bakit wala parin siya?

Galit parin ba siya dahil sa mga kagagahang ginawa ko o baka naman nasa piling siya ni Misty. Wahh no Alessia! Hindi! Huwag mong iisipin yun.

Kinuha ko ang phone at nagtype ng message para kay Maddox pero binura ko din yun. Maybe hihintayin ko nalang siya atsaka kami maguusap.

"Bess bibili kami ng ice cream ni Harry sasama kaba?"

Umiling ako kay Cheska.

"Bilhan nyo nalang ako, gusto ko ng chocolate ice cream."

"Sige basta babayaran mo ako huh."

"Oo na."   nakangiti kong sabi kahit alam ko namang nagbibiro lang ito. Paglakad nila palayo ay naalis na ang ngiti sa labi ko.

Itutuloy ko na sana ang pagtext kay Maddox pero nakita ko na siyang naglalakad papunta sa puwesto namin. Tumayo ako para salubungin siya pero napahinto ako ng mapansin kong hindi lang pala siya nagiisa, nasa likod niya si Misty na hinabol siya at kumapit sa braso ni Maddox.

"Mag lunch tayo Maddox."  

Lalo pa itong kumapit sa braso ni Maddox. Ito na naman ang pakiramdam na parang may milyon milyong karayom ang tumutusok sa aking dibdib.

Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa ng makita kong ngumiti sa kanya si Maddox. Does this mean pumayag siyang mag lunch sila?
Pero paano ako. Akala ko ba gusto niyang ayusin ang problema namin.

"Alessia."

Natigil siya ng makita ako. So what now? Talagang hindi niya ako tinawag na baby dahil andiyan si Misty.
Nilakasan ko ang loob ko at pilit na ngumiti ng mapang asar.

Lumapit ako sa kanila.

"Ito ba ang tinatawag mong aayusin natin Maddox?"

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Lalakasan ko na ang loob ko.

Nakita kong tinanggal niya ang pagkakakapit ni Misty sa braso niya .

"Its not what you think Alessia."

"So sinasabi mong mali ang nakita ko sa balita."

"Totoo ang nakita mo sa balita Ale---

"Hindi kita kinakausap pwede ba."   putol ko sa sasabihin ni Misty.
Binalingan ko ng masamang tingin si Maddox.

"Hindi kapa ba nagsasawa Maddox sa paulit ulit mong ginagawa sakin."

He pulled my hand pero binawi ko din agad yun.

"No Alessia! Wala kaming relasyon ni Misty. The news are all lies. Naghahanap na ako ng paraan para maayos yun."

"Pwede ba Maddox, sinasabi mong naghahanap ka na ng paraan para maayos yun pero kasama mo parin siya."

Ako ba talaga ginagawa niyang tanga?

"Magka trabaho kami baby. Diba naiintindihan mo naman yun. Nung sinabi kung gusto ko ng maayos tayo ay seryoso ako."

Again, he held my hands.

"Sa totoo lang Maddox hindi ko talaga maintindihan

Huminto ako sa pagsasalita at binalingan ng tingin si Misty. The schocked register all over her face.

My Heartless Ex (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora