Special Chapter IV

26.4K 454 15
                                    

[4]

A/N: This is gonna be the last Special Chapter.
I hope na hindi kayo mabitin.

______

Ano na nga ba ang mga nangyari makalipas ang limang taon?

______

"MOMMY SI CHESTER ANDITO NA NAMAN SA KUWARTO KO!"

Narinig ko na naman ang sigaw ng panganay kong anak na si Zinnia mula sa taas. Itinigil ko ang pagluluto at siniguradong napatay ko muna ang stove bago ako umakyat para suwayin ang dalawa kong anak. Malamang ay walang paalam na namang pumasok ang bunso kong anak sa kuwarto ng ate niya at nangungulit doon.

Pagka akyat ko ay doon ko nakumpirma na tama ako. Pilyong tinutusok ng tatlong taong gulang kong anak na lalaki ang ate niya.
Nakangiti akong lumapit sa kanila at nang madako ang pansin nila ay kaagad tumakbo papalapit sa akin si Chester.

"Away ako ate Zinnia."

Kahit tatlong taong gulang palang si Chester ay hindi na ito bulol magsalita. Tinuro pa nito si Zinnia pero sinimangutan lang siya at itinuloy ang paglalaro sa laptop.

"Ano na naman ba ito Zinnia?"

tanong ko at ibinaba sa kama si Chester.

"Mom naman, ayang si Chester kasi eh. Pumasok dito tapos nanggugulo."

Nginitian ko si Chester pero umiling iling ito. Hay naku!

"Gusto ko lang kalaro ate Zinnia mommy."

"Pero ginugulo niya ako mom."

Lumapit ako kay Zinnia at hinaplos ang buhok niya. Shes turning 5 last year at masasabi kong mature na mag isip ang anak ko. Alam niya na ang tama sa mali at kung minsan ay siya na ang nagtuturo sa nakababata niyang kapatid.

"Laruin mo naman kasi ang kapatid mo. Wag puro internet baby."  paalala ko. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango.

"Naiintindihan ko mom."

"Magsimula ngayon, intindihin mo muna si Chester at mas bata siya sayo."

"Opo mom. Sorry na Chester, halika na dito."

Gumapang papunta ang bunso kong anak palapit sa ate niya at ikiniss pa ito sa pisngi. Lagi niya iyong ginagawa kahit kaninong miyembro ng pamilya.

"Love you ate."

"Love you din Chester."

Seeing my two angels makes me satisfied at hindi na humiling ng kahit ano. Makita ko lang silang sweet sa isat isa ay buo na ang araw ko.

"Promise me na hindi na kayo mag aaway."

Sabay silang tumango at nagtaas ng kanang kamay tanda na nangangako sila.

"ANONG NANGYAYARI DITO!"

Sabay sabay kaming napalingon kay Maddox na nasa hamba ng pintuan. May dala dala itong paper bag na sigurado na naman akong pasalubong niya sa mga anak.

"Daddy! Pasalubong ko ba yan?"

Binuhat niya si Chester at inilapag sa kama ang mga paper bag. Napapailing nalang ako. Talagang ini spoiled niya ang mga bata.

"Pasalubong ko yan sa inyong tatlo."

"Teka bakit kasama pa ako baby?"   tanong ko kay Maddox.
Kinuha niya ang isang paper bag at iniabot sa akin.

"Diba sabi mo gusto mo ng kwintas."

"Oo gusto ko pero hindi ko sinabing bilhan mo ako."

"Just keep it. Regalo ko na yan sayo dahil sa pag aalaga mo sa anak natin."

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now