Ten

28.4K 428 7
                                    

Tinulak ko siya palayo sakin pero hinila niya din ako pabalik sa kanya. My heart seems not normal right now.

"Let go now Maddox. Pinag uusapan na tayo." pilit kong hinihila ang kamay kong hawak niya pero hindi niya iyon pinakakawalan.

Umalis na din yung lalaki sa harap ko.

"San kaba nagpupunta. Kanina pa kami naghihintay dun." irita niyang sabi. Akala ko pa naman nagalala siya pero umasa na naman ako. Hinila niya na ang kamay ko pero binawi ko din yun. Binigyan niya ako ng madilim na ekspresyon.

"Teka lang!" sabi ko dito.

"What now? Sinabing naghihintay na dun si Maeve." If I know pinipigilan niya nalang wag sumabog dahil sikat siya at ang daming nakatingin samin. Hindi ko siya pinansin at tumalikod na.

"So uuwi kana? I said naghihintay na-----

"Bibili lang ako ng waffle. "

Mahina itong napamura at hinila na naman ako but this time ay papunta na sa stall ng waffle. Oorder na sana ako nang bigla siyang nagsalita at umorder ng limang waffle. Teka! bakit lima? Kakain din ba siya.?

Inabot niya kay kuya yung isang libong piso. Kukunin ko na sana yung sukli pero hinila na naman niya ako palayo dun. Gusto niya bang matanggal ang kamay ko sa kakahila niya.

"Bitawan mo na nga ako!" mahina pero madiin kong sabi sa kanya. Sinunod naman niya at nauna nang naglakad sakin. Bastos talaga! pero atleast may waffle ako. Bahala siya!

Pagdating namin sa may entrance ng sinehan ay nandoon na si Maeve na naghihintay. Hawak na nito yung mga ticket.

"Where have you been ate Alessia?"

bungad niyang tanong sakin.

"Bumili lang ako ng waffle. Sorry kung naghintay kayo."

"Okay lang yun. Ito lang namang si kuya ang nag-alala---

"Shut Up Maeve! Pumasok na tayo."

Naglakad na ito papasok pero natulala ako sa sinabi ni Maeve. Tama ba yung narinig kong nag-alala sakin si Maddox. Ugh! Nalilito na talaga ako.

...

Dumating ako sa opisina ng maaga dahil itnxt ako ni Maddox na maagang pumasok. Kinuha niya ang number ko para maitext niya agad ako kapag may emergency sa kompanya since ako naman ang assistant niya.

Wala pang masyadong empleyado akong naabutan pagpasok ko sa building. Kahit si Cheska at Harry ay wala parin. Tumunog na naman ang phone ko at this time ay si Desmond ang tumatawag. I feel sorry for them dahil hindi ako nakasama sa bar dahil nga isinama ako nila Maeve para maglibot.

"Naging busy ka ata these days?" nahihimigan ko sa boses niya ang lungkot.

"Sorry madami lang ginagawa sa trabaho Desmond."

"Pinapahirapan kaba ni Maddox diyan. Just tell me kukuhanin kita sa kanya."

Ewan ko, pero piling ko ay double meaning ang sinabi niyang yun sakin.

"No. Ofcourse not. Madami lang talaga kasi kaming inaasikaso ngayong buwan na ito."

"Basta kapag ayaw mo na diyan welcome na welcome ka dito sa kompanya ko."

"Sige tatandaan ko yan."

"Balita ko kay Cheska kaya ka hindi nakasama samin dahil sinamahan mo si Maeve, Maddox's sister."

"Ah oo. Gusto niya daw ako makasama saglit dahil antagal na naming hindi nagkikita."

"It's okay. Susunduin kita mamaya, dont take a cab." paalala nito sakin.

"Wag na kasi Desmond. Nahihiya na talaga ako sayo."

Tumawa ito sa kabilang linya. Pero yung hindi naman OA na tawa.

"Masanay kana dahil gagawin ko 'to lagi.Bye."

I ended the call. Gusto kong konprontahin si Desmond about sa feelings niya sakin pero ayoko namang mag assume baka mapahiya lang ako.

"Who's that?"

"AY TOKNENENG!"

"Ano kaba naman sir. Wag nga kayo nanggugulat."

"Im not. Im just asking kung sino yang katawagan mo kanina."

bossy nitong tanong.

"A friend."

"Guy?"

I nodd. Akala ko magre react siya dun pero naglakad na siya papasok ng office nito kaya sumunod na din ako. Kunot noo niya na namang hinarap ang laptop niya.

"Sit." utos nito habang nasa laptop parin ang tingin. nakapatong ang isang paa nito sa isa pang upuan. He's a Greek God. No doubt!

May ibinaba siyang diyaryo sa mesa. My eyes literally open wide. Oh my God? Ako to at..

siya? yung nasa mall kami habang hila hila niya ako. That scene. May nanguha samin ng litrato at ngayon ay kalat na iyon.

"What the heck sir. Bakit hindi niyo gawan ng paraan 'to?" padabog kong reklamo at nilukot ang dyaryo sa mumunti kong kamay. Pero ang gago ay naglabas pa ng madaming diyaryo na andun lahat ng picture namin.

"Eh bakit kalmado kalang diyan. Gawan mo yan ng paraan?"

asik ko dito pero umiling siya. "Bakit hindi?"

Hindi niya ako sinagot. Tumayo siya at lumapit sakin. Hindi ko napaghandaan ang pagluhod niya sa harap ko.What the!? Ano bang ginagawa niya.

"Ano bang ginagawa mo sir. Baka may makakita diyan sa ginagawa mo. Tumayo ka nga."

Pilit ko itong inaalalayang tumayo pero ayaw niya. Ano ba talagang problema niya?

"Alessia I know Im such an idiot para saktan ka pero pinagsisisihan ko na yun."

Natameme ako. "Huh?"

"Alessia just give me another chance. Lets make things worked. Ulitin ulit natin. I promise I will loved you again."

My tears started to fall. Kung nananaginip lang ako ay ayoko ng magising pa. Please Lord wag niyo na po akong gisingin sa magandang panaginip kong ito. Okay na po ako dito.

Pasimple kong kinurot ang sarili ko para masiguro na hindi ito panaginip at totoo nga. Hindi ito panaginip lang. Ngumiti siya sakin. Yung ngiting antagal ko ng hinihintay.

"Nabibingi lang ba ako sir."

"No. Im serious. Mag umpisa ulit tayo."

At doon na ako nakakasigurado. Totoo nga lahat!

***maikli lang po ito kaya sorry but I promise next UD ay babawi po ako. Need ko po ng comment. Thank You<3 ***

...

BRANDON ROUTH as MADDOX

A/N: Sorry for typos ang grammatical error

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

A/N: Sorry for typos ang grammatical error

©CINTA-GAIRAH

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now