Thirty Three

23.1K 307 5
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

ALESSIA's POV

"Baby anong gusto mo?"

Itinaas niya ang chocolate ice cream at vanilla ice cream sa mukha ko.

Nabibwisit na naman ako sa mukha niya.

Umisod ako ng upo para dumistansiya dito.

"Baby come on, pumili kana."

Pilit parin niyang tanong.

"Wala akong gusto."   singhal ko at itinuon ang ginagawa sa binabasang magazine.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Baby naman! Ikaw ang nagpabili sakin ng ice cream tapos sasabihin mong wala kang gusto."

"Eh wala akong gustong flavor sa mga yan eh. Gusto ko ng cookies and cream."

Tinitigan ko ang mukha niya. Alam kong ngumingiti lang siya pero deep inside naiinis na siya sakin. Tss! You deserve that Asshole!

"Bibili nalang ulit ako baby."

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko na siya.

"Di bale nalang, hindi na pala ako nagugutom. Umuwi kana lang, naaantok na ako."

These days ay mas gusto ko nalang kumain at matulog at alam kong dahil sa pagbubuntis ko iyon. Kumunot ang noo niya.

"Weekends naman baby eh."

Tinanggal ko ang kamay niyang pumupulupot sa kamay ko.
He's really clingy and I hate it.

"I dont care! Gusto kong matulog."

Napasimangot siya at ipinatong ang hawak na ice cream sa mesa. Ano bang sinisimangot simangot niya eh hindi ko naman siya pinilit na ibili ako ng ice cream. Sinabi ko lang na gusto ko pero hindi ko siya pinilit.

"Why are you doing this to me baby?"

Nagtaas ako ng kilay at nagkibit balikat.

"Naiintindihan naman kita baby na nagtatampo ka sa akin pero gusto kitang makasama. Just this weekends."

he blurted out. Tss napaka arte.
Hindi parin ako nagpatinag sa pagsu sungit ko. Kung pagod na siya eh di umalis na siya.

"So napapagod kana? Go on, umalis kana."

"Tss."

Walang pasabi itong lumabas ng pinto. Napatayo naman ako sa gulat at napamaang ng bibig. Talagang umalis ang gago. Wahhhh! Akala ko pa naman hindi siya magpapaapekto sa sinabi ko. Akala ko naman, lalambingin niya ako.

Napapadyak nalang ako sa inis. Tinawagan ko si Cheska.

"Oh bakit?"   bungad niyang sabi.

"Nakakainis siya."   I spitted out dahil frustrated talaga ako kay Maddox. Ni hindi man lang siya nagpilit.
Paniguradong pupuntahan niya na naman yung Misty na yun.

Akala ko matutuwa ako sa sasabihin ni Cheska pero mas maiinis pa pala ako.

"Ano na naman bang ginawa mo?"

Like duhh, ako talaga ang may kasalanan.

"Cheska naman ako pa talaga tinanong mo niyan?"  bwisit kong sabi.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakasimangot ito.

"Sino ba dapat bess. Ikaw lang naman itong nagpapahirap sa inyong dalawa."

"Tss. I'll end this. Akala ko pa naman matutulungan mo ako."

"Hindi ako ang makakatulong sayo kundi yang sarili mo."

Pinatay ko na ang tawag at dumiretso nalang sa kuwarto para matulog. Nawalan narin ako ng gana sa pagkain dahil sa nangyari. Nakakainis lang dahil bakit hindi nila ako maintindihan. Gusto ko lang namang iparamdam kay Maddox ang hirap na dinanas ko. Wala pa nga yung pagutos utos ko sa kanya sa isang linggo kumpara sa pang iiwan niya sakin.

Muli kong sinalat ang tiyan ko.

"Your father is really a jerk baby. Ni hindi niya maintindihan si mommy." 


----××-----

Nagising ako dahil sa gutom. Hindi ko namalayan na ang haba na pala ng itinulog ko at masyado ng madilim sa labas.
Bago ako lumabas at kumain ay kinuha ko muna ang cellphone ko dahil tiyak na marami ng text o  tawag sa akin si Maddox.

When I turned my phone on, my smile fade away. Really? Hindi man lang ba niya ako naalala at kahit ni isang text wala. Napasabunot ako sa sarili at hinagis ang cellphone sa kama.

Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina para maghalungkat ng makakain. Magmula ng matulog ako kanina ay hindi na ako nakakain. Naalala ko ang ice cream na inilagay ko sa freezer. Kinuha ko iyon at agad na pumunta sa sala para manuod.

Kahit na sobrang lamig para kumain ng ice cream sa gabi ay hindi iyon alintana sa akin dahil frustrated ako at gusto kong kumain nalang.

Naglipat ako ng tsanel dahil walang magandang palabas hanggang sa madako ang tingin ko sa isang balita. Napamaang ang bibig ko at tila gusto ko nalang maiyak.

Is Maddox Grey and Misty Joo are really an item. Some people say they start dating and we confirmed the truth when Misty speak out.

Nabitawan ko ang hawak na kutsara at napaluha nalang. Gago ka Maddox!  May nalalaman kapang babawi ka tapos kayo na pala.
Parang tinutusok ang dibdib ko dahil sa balitang yun.
For pete sake! Umaasa na naman ba ako.

Hindi ko alam kung paano ko pa naibalik ang natira kong ice cream sa fridge at nagkulong sa kuwarto.
Alam kong hindi ko dapat inistress ang sarili lalo na ngayong buntis ako pero hindi ko maiwasan.
Kinuha ko ang cellphone at umaasang may text na manggagaling sa kanya pero wala parin. Mas lalo akong napahagulgol habang yakap yakap ang life size teddy bear na binigay niya sakin nung isang araw.

I cried my tears hanggang sa kaya ko.


"Youre really liar, Asshole, jerk, dumbass.!"   inis kong sabi habang humihikbi.

Nang maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko ay hindi ko na yun pinalagpas, itutulog ko nalang ang sakit kahit alam kong bukas ay masasaktan na naman ako.



***Sorry sa typos and grammatical errors. Please do COMMENT/VOTE/FOLLOW. thank you<3***

twistytwixxx

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon