Special Chapter I

23.8K 279 1
                                    

[1]

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!"

Pinaghahampas ni Alessia ang asawa ng umuwi na ito ng 4:30 pm. He promised na uuwi ito ng saktong 4 pero nang hindi ito natupad ay nag alburuto siya at inis na binungaran ng hampas si Maddox.

"Baby ahhh wag ang tenga ko!"

Hindi niya pinakinggan ang sabi nito at mas lalong inangat ang tenga pagkatapos ay kinurot pa nito ang ilong.

"Sinabi mo saktong 4 ka uuwi. Tignan mo nga ang oras, 4:30 na."

Tumingin ito sa itinuturo ng asawa sa wallclock. Napakamot siya ng ulo, paanong hindi siya male late ng uwi kung pinabili pa siya nito ng chicken sa Jollibee.

"Sorry na baby. Here, ito na ang pinabili mong chicken."

Sabi niya. Hindi nalang nito idinahilan ang paguutos nito sa kanya dahil alam niyang mas kukulo ang dugo ng asawa. Walong buwan na ang tiyan ng asawa kaya naiintindihan niya lahat ng inaakto nito. Nagtitiis na lamang siya sa lahat ng hampas,kurot at sabunot dahil mahal niya ang babae at hinding hindi siya magsasawa dito kahit kelan.

Alessia rolled  her eyes pero inabot din ang bucket ng Chickenjoy.

"Nagtatampo parin ako sayo. Wag kang tatabi sakin mamaya."

mukhang kailangan niya na namang magtiis ng isang gabi na hindi kayakap ang asawa. They used to do that routine kapag sumumpong si Alessia.

Kahit labag sa loob ay tumango siya dito.

"Naiintindihan ko baby."  

"Hindi ka man lang nag reklamo. Sabihin mo nga Maddox, may babae ka noh!"

Nang sugurin na naman siya nito ng hampas ay nailagan niya na iyon at tumakbo papunta sa likod ng sofa.
Nag pameywang ang huli at sinamaan siya ng tingin.

"May babae ka noh kaya okay lang sayo na wag na tayo mag tabi."

"Baby naman eh, diba sabi mo wag akong tumabi. Sinusunod lang naman kita para hindi kana lalong magalit. And wala akong babae, ikaw lang."

"Wag mo akong maloko loko at talagang tatamaan ka sakin. Sige na kumain na tayo."

Umalis na siya sa likod ng sofa at niyakap patalikod ang nakasimangot na misis. Isiniksik pa niya ang mukha sa leeg nito ng hindi siya magawang ipagtulakan.
Smelling her wife's scent makes him hard down there pero kailangan niyang magtiis hanggat hindi ang asawa ang humihingi ng Romantic time nila.
Tama nga siguro ang iba na kaya mong magtiis para sa taong espesyal sayo.

"Wag kana magalit baby. Promise susunod na ako sa mismong oras."

paglalambing na sabi ni Maddox. Tumikhim lang ang huli pero nakikinita niyang nakangiti na ito kapag ganoon. Hindi talaga siya matitiis ng asawa. Alam niya yun!

"Diba nangako ako baby na hindi kita lolokohin."

Humarap ito sa kanya atsaka tumango.

"Alam ko, baka lang naman baby. Natatakot lang ako."

He handed her hands at mahinang pinisil ito. Inipit niya din sa gilid ng tenga ang iilang hibla na tumatakip sa mata ng asawa.
Natatakot ito na mawala siya at sa isipin palang yun ay paano niya pa magagawang ipagpalit ang kaisa isahang babaeng pumukaw na sa atensiyon niya nang una palang niya itong makita - si Alessia.

"Naiintindihan kita baby pero heto ako oh. Nasa harap mo ako. Suot mo ang singsing na tanda ng pagmamahalan natin kaya wag kana matakot."

"Pero kasi ewan ko, dahil lang siguro ito sa pagbubuntis ko kaya nagiging emosyonal ako kaya wag mo nalang akong pansinin baby."

"Nandito lang ako baby, aalalayan kita pati ang baby girl natin."

He caress her tummy at marahang idinikit ang tenga sa umbok niyang tiyan.

"Baby girl wag mo masyadong pahihirapan ang mommy ah. Magpakalusog ka diyan para kapag lumabas ka ay magiging healthy at maganda ka gaya ng mommy mo."

"Baliw ka talaga hindi naman magsasalita pabalik sayo si baby."

Umiling iling siya.

"Sabi sa information na nakuha ko ay may tendency daw na naririnig ng isang sanggol na nasa sinapupunan ang mga ibinubulong sa kanya ng mga magulang kaya sigurado ako baby na narinig niya ang sinabi ko."

walang pakundangan niyang sabi at nagtaas baba pa ng kilay. Napangiti naman si Alessia sa inakto niya. Talagang pursigido ito na maging ama.

"Ready kana talagang maging ama."  she said.

"Ako paba baby, magiging cool,guwapo at responsable akong ama."

"Ang conceited mo talaga Maddox. Halika na nga at nagugutom na ako."

"Masusunod boss."

Pumihit siya paharap dahil sa sinabi ni Maddox.

"Don't call me boss."

"Why not? Youre my boss now but also my baby." he reasoned out.

"Hindi ka mahihiya na malaman ng iba na ina under kita?"  

Hindi niya makapaniwalang tanong kay Maddox. Seryoso ba ito na handa nitong sundin lahat ng gusto niya.

"Bakit ako mahihiya. Ipagmamalaki ko pa baby kung gusto mo."

"Ang bading mo Maddox!"  natatawa siya.

"Kung bakla ako hindi kita mabubuntis baby."

Pinamulahan siya ng pisngi pero ng makahuma ay pinalo niya ang asawa at hinila na ito papasok ng kusina para kumain bago pa kung saan mapunta ang pinaguusapan nilang mag asawa.



Cintagairah

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon