Three

38.4K 532 5
                                    


ALLESIA's  POV

"Bes gising.!" 

Eh...ako ba yun? Sino ba 'tong maingay na 'to?

tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko na marinig kung sinoman yung nambubulabog na yun. 

"Uy anong oras na, gumising kana bes!" 

takte naman bakit ba lagi nalang akong pinaparusahan. Kailangan ko lang ng tulog bakit hindi pa yun maibigay. Padabog akong bumangon at tinignan ng masama si Cheska na alam kong kanina pa nage eskandalo sa apartment ko.

"Yung mata mo bes---

huli na para maitago ko sa kanya ang maga kong mata. Damn! bakit nakalimutan kong magdamag pala akong umiyak kaya malamang na mamamaga ang mata ko.  Nangunot ang noo niya kaya inunahan ko na siyang magsalita.

"Wala lang ito."  I lied .

"Wala? Pero ganyan kamaga yang mata mo." tumabi siya sakin at ipinag krus ang mga braso.

"Don't lie to me Alessia, kilala kita."

"Wala nga lang ito, nanuod lang ako ng Kdrama kagabi tapos nakakaiyak naman pala." kung nakakamatay lang talaga ang pagsisinungaling ay kanina pa ako nangisay sa sahig dahil sa mga kagagahan na pinagsasabi ko.

"Still, I dont believe you. Alam kong may ibang rason." tinitigan niya ako sa mga mata. Umisod ako ng kaunti palayo dito,. Paano ba ito.?

"Ano ba kasing gusto mong malaman, yun nga lang kasi yun."

"No..No..No.Youre lying Alessia."

"Hindi ah, bakit naman ako magsisinungaling sayo?"

"Bakit nga ba Alessia." 

"Para ka namang baliw Cheska eh, wala naman akong tinatago sayo."

nagkibit balikat siya. "Kung wala, paano mo maipapaliwanag yang OA mong magang mata with matching eyebags pa.?"  

"Nanuod nga kasi ako ng nakakaiyak na ------

nahinto ako sa pagsasalita ng tumili siya

"WAHHHH I KNEW IT ALESSIA MAY BOYFRIEND KA NOH?"

halos lumabas ang puso ko sa katawan dahil sa lakas ng sigaw niya and at the same time dahil sa tanong niya. Lumapit siya sakin at niyugyog ang mga balikat ko. "I knew it, nag away kayo ng boyfriend mo kaya umiyak ka."

Napatanga ako. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong babae na 'to ay kanina ko pa siya binatukan dahil sa kung anu anong sinasabi .

Pero hindi naman talaga ako umiyak dahil sa boyfriend ko diba. Iniwan niya ako, wala kaming closure. Ugh ano bang itatawag ko sa kanya. 

"Tumigil kana nga!Wala akong boyfriend.Sinabi ko naman sayo diba na wala pa akong oras sa mga ganung bagay."

"Bakit ba kasi ayaw mong mag boyfriend.Ang saya kaya ng may inspirasyon." kinikilig ito habang sinasabi iyon. Bumaling ako sa kanya. 

"Don't tell me bess may boyfriend kana?" this time ay ako naman ang nagtukso dito. Sila naba ni Harry? hindi narin naman ako magtataka kapag naging sila eh dahil itong maldita kong kaibigan ay halata namang may gusto din sa torpeng si Harry.

Hinampas niya ako sa kamay "Wala ah.!" kagaya ni Harry, ang defensive niya. Tumawa nalang ako.

"Bess wala talaga akong boyfriend ah." pilit niyang sabi pero tawa lang ang binibitawan ko .

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon