Twenty Eight

26.7K 369 12
                                    

CHAPTER  TWENTY EIGHT

THIRD PERSON POV

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Maddox pagkakita palang niya kay Desmond. He punched him with all his strenght. Gusto niyang patayin ito dahil ito ang may kagagawan kung bakit nagkamalas malas ang buhay niya.

"YOU FUCKING ASSH*LE!"

Isa pang suntok ang ibinigay niya sa binata. Nanghihinang sinapo ni Desmond ang mukha. He just spit the blood out of his mouth. Hindi siya lumaban sa bawat suntok na ibinigay sa kanya ni Maddox.

"IKAW ANG GUMAWA NG LAHAT. IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAHIWALAY KAMI!"

Kinuwelyuhan niya ito.

"Nagmahal lang din ako Maddox."  mahina pero may sinseridad sa bawat salita na binitawan nito. Mas nag igiting ang panga niya at mas humigpit ang paghawak sa kwelyo ng binata.

"Tangina nagmahal ka sa babaeng akin na!"

"Alam ko kaya nga ginawa ko yun para------

"HINDING HINDI KO HAHAYAANG MAPUNTA SIYA SAYO! F*CK YOU."

Muli niya na namang pinatikim ito ng suntok. Kahit gusto niya itong patayin ay hindi niya magawa dahil nagkakagulo na sa panunuod ang mga empleyado nito.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang huli.

"That was before Maddox. Itatama ko na lahat ng mali ko."

Tumawa siya ng pagak. Ang lakas ng loob nitong sirain silang dalawa tapos yun lang ang sasabihin niya. For fuck sake 2 years niyang itinatak sa utak na masamang tao si Alessia kaya hinding hindi niya mapapatawad ang kasalanan nito.

"Talagang yan lang ang sasabihin mo ah. Eh gago ka pala eh, alam mo ba kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa mo sakin, sa amin ni Alessia."

Tumingin ito sa kawalan.

"I know how much Alessia hurt when youre gone. Dahil mahal ko siya ay nagsisi ako sa ginawa ko but I know its too late dahil nasaktan ko na siya."

Mas nanggigil siya.

"Go to hell Asshole! Huwag na huwag ka ng lalapit kay Alessia kung gusto mo pang mabuhay."

Itinulak niya ito bago padabog na umalis sa kompanya ni Desmond.
That guy! Siya ang dapat sisihin sa lahat. He get his phone and touch the screen of it where the picture of Alessia displayed.
His heart ached.

"I'll promise baby. I'll make it up to you."

he sincerely whisper and kissed the screen. Kahit gusto niyang puntahan ngayon na ang dalaga ay hindi muna dahil kailangan niya munang ipunin lahat ng rason bago siya magpaliwanag at magmakaawa sa dalaga. Gusto niya munang pagsisihan lahat ng maling akala at pagiging mahina niya.

Pagdating niya sa kompanya ay nasalubong niya ang kaibigan, kasama nito ang lalaking umamin sa katotohanan. 

"Oh dude napatay mo na ba?"

tinutukoy nito si Desmond. Ngumisi siya.

"Gago! Kahit gusto ko siyang patayin hindi puwede. Kailangan ko siya para magpaliwanag kay Alessia at ikaw!"

tinuro niya ang lalaking nasa tabi ng kaibigan. Nagulat naman ito at napaturo pa sa sarili.

"OO ikaw. Akala mo ba ligtas kana, tutulungan mo akong magpaliwanag kay Alessia."

Sunod sunod naman ang ginawa nitong pagtango.
Aalis na sana si Maddox nang makitang may hawak na paper bag ang kaibigan. Nagtataka niya itong tinignan.

"Ano yan?"  Turo niya sa paper bag

"Pagkain. Ibinalot ko yung pagkaing nasa table mo. mukhang masarap eh."

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now