Twenty

24.9K 340 3
                                    


CHAPTER TWENTY

"Sabi ko naman sayong wag mo na akong ihatid. Gabing gabi na oh."

Nakonsensiya ako dahil alas diyes na ng gabi pero pinilit pa akong ihatid ni Desmond. Kahit anong tanggi ko ay hindi niya ako tinigilan dahil masyado na daw late. I texted Maddox first para magpasundo dito pero ng hindi ito magreply sakin ay inisip kong busy na naman siya.

"It's okay basta ligtas kang makauwi ." 
Desmond is really caring and gentle guy. Kahit sinong babae ang pakitaan niya ng ganitong attitude siguradong magugustuhan siya except sakin dahil mahal na mahal ko si Maddox.

I gave him a smile. "Salamat talaga pero hindi mo naman na kasi kailangang gawin. "

Umiling siya. "I insisted kaya wag ka ng makonsensiya. Sabado naman bukas kaya pwede akong hindi gumising ng maaga."

Napasimangot ako. Sabado na naman pala bukas, hindi ko na naman makikita si Maddox.

"Okay kalang ba Alessia, bakit ang lungkot mo?"

"Okay lang, may naalala lang kasi ako."

Napaupo ako sa kalapit na bangkong kahoy. Tumabi siya sakin.

"Care to share."  Nagkibit balikat siya.

Napahinga ako ng malalim. "May problema na naman kami ni Maddox."

Hindi siya nag react. Tumatango lang ang ginawa niya.

"Nararamdaman ko kasing parang ang layo layo niya na sa akin these days."  I continued.

"Are you happy?"

.
Ngumiti ako pero nasasaktan

"Oo kasi yung lalaking mahal ko nasa akin na ulit pero alam mo yung feeling na parang may kulang."

"Parang may kulang kahit na magkasama naman kami. Yung feeling na kailangan kong iadjust ang sarili ko dahil andami nang nagbago sa kanya."

He handed me his handkerchief.

"Ano kaba hindi ako iiyak. Sayo na yan."

Tumango siya. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil feeling ko unting unti nalang mababaliw na ako.

Tumingin ako sa kawalan.

"Humingi siya ng chance sakin, akala ko maibabalik na namin yung dating kami pero andami pa palang pagsubok. Gusto kong isipin na madami lang siyang priority kaya nagiging busy siya lately pero ramdam kong hindi ako kasali sa priority niyang yun."

I clenched my fist. Kahit ano talagang gawin ko ay tatraydurin ako ng mga luha ko sa ganitong pagkakataon.
Tinignan ko siya ng may pilit na ngiti. Nakita ko sa kanya na naaawa siya sakin sa paraan ng pagtingin niya pero umiling ako.

"Im okay."  I stated pero hindi parin nawawala sa itsura niya ang bahid ng lungkot at awa.

"Youre not Alessia."

"I'm okay." I lied kahit ang sakit sakit na.

Hindi naman talaga kasi ako okay.
Gusto kong sumigaw dahil sa sakit.

"Kung mahal kapa niya Alessia hindi mo kailangang mag adjust."

Napayuko ako. My tears started to come out. Kung mahal niya ako bakit ako nag aadjust kung pwede namang ganun parin kami sa dati. Does it mean hindi niya ako mahal? My curiousity hits me. Kaya ba ni hindi niya ako masabihan ni isang I love you simula ng maging kami ulit. Ni hindi ko narinig mula sa bibig niya ang salitang mahal kita.

My Heartless Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon