One

56.2K 655 3
                                    

...

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin na nakasabit sa luma kong closet. I smiled, hindi ko na kailangan pa ng kung ano anong arte sa katawan dahil okay na ako sa sarili ko hindi gaya ng iba na hindi mabubuhay kapag wala ang ibat ibang cosmetics.

Kinuha ko ang mumurahin kong cologne at inispray iyon sa aking uniform. Done!

I just need to prepare for my breakfast para makapasok na ako sa trabaho. Nakakita ako ng isang lata ng corned beef sa kusina kaya sinimulan ko ng maghiwa ng madaming sibuyas na ipanghahalo doon. It takes minutes para maluto ko ang paborito kong ulam at nagsimula na akong kumain,.

Pagkatapos kumain ay inayos ko na ulit ang sarili ko.

Lumabas na ako para makakuha ng dyip na masasakyan papunta sa tinatrabahuhan ko. Ugh! as usual matagal akong maghihintay bago makasakay.

"Alessia hatid na kita ."

"Oo nga naman Alessia at ng hindi ka malate."

Nalukot ang ilong ko. Ito ang mahirap eh, and daming adik sa mga kalye and worst kilala pa ako. Humarap ako sa mga lalaki na nagsalita at pilit na ngumiti sabay iling.

Paghinto ng isang dyip ay dali dali na akong sumakay at nakipagsiksikan sa mga pasahero doon. Sanayan na din siguro dahil sa tagal ko ba namang gawi na ganito ay hindi paba ako masasanay.

"ALESSIAAAAAAA!!!!!!!!!"

Isang malakas na sigaw ang sumalubong sakin. I giggle, hindi ko na kailangan pang manghula kung sinoman yun.

I rolled my eyes to her. "Aga aga naman Cheska." I joked pero hinampas niya lang ako sa braso ko. kahit kailan talaga napaka sadista ng babaeng ito.

"Anong maaga ka diyan, late kana kaya."

Late..? I looked to my watch. 8:03 am palang naman ah. "8:03 palang ah,panong late na sinasabi mo dyang babae ka!"

tumawa siya. "Oo nga late ka ng 3 minutes."

"Baliw ka talaga , halika na nga!"

habang naglalakad kami ay panay ang bati samin ng mga kasamahan namin. Pagdating sa office ay napansin kong wala pa ang boss sa kanyang office dahil ako nga ang secretary niya.

Nakakapagtaka naman...

Hindi naman nalalate si sir Mike eh..kadalasan nga 7 palang andito na siya.

"Cheska psst..."

tawag ko..huminto siya sa tinatype niyang papers at kunot noong tumingin sakin...agad akong lumapit at umupo sa katabing upuan niya.

"Bakit wala pa si sir.?" I asked curiously.

napaatras ako ng kaunti ng ituro niya ako ng daliri niya. "Oh bakit!?" sabi ko

"Sabihin mo nga Alessia, may gusto kaba kay sir Mike?"

"What..?Of Course Not!" I hissed..pinagsasabi nito..masama na bang magtanong ngayon dahil nagtataka ka. She laughed kaya hinampas ko siya...hindi naman kasi magandang biro yung sinabi niya..kung alam niya lang kung sino ang mahal ko----

Ugh wag na ngang pagusapan.

"Eh bakit mo kasi tinatanong."

"Nagtataka lang naman ako dahil laging siya ang nauuna dito sa office eh...ngayon lang ata siya pumalya." she shrugged. "Ikaw ang secretary kaya dapat alam mo."

May punto siya pero walang naitxt sakin si sir Mike na pagkakaabalahan niya ngayong araw na 'to.

Tumigil na ako sa pangungulit kay Cheska at bumalik na sa upuan ko. Tatapusin ko nalang ng advanced yung trabaho ko.

***

Nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretso na ako sa canteen after kong magpa photo copy. Hindi parin pumapasok si sir and tahimik din ang emails at phone ko kaya medyo maginhawa ang pakiramdam ko dahil ang mga advanced work ko nalang ang dapat kong asikasuhin.

"Manang Sally isa nga pong adobong kangkong at pakisamahan na din po ng soup." order ko sa matagal ng tindera dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

"Drinks mo ganda?"

"Magtutubig nalang po ako manang."

sumangayon nalang ito kaya naghanap na ako ng mauupuan. wala namang gaanong customer kaya nakaupo din ako at nakuha na din ang order ko.

"Grabe noh, paano nalang itong kompanya nya?"

Napahinto ako sa pagkain..my curiousity hits me kaya tahimik akong nakinig sa dalawang babae na naguusap sa may bandang likuran ko

"I heard may papalit muna naman daw sa kanya habang di pa siya okay."

"Sayang naman ang face ni sir kung nagasgasan lang."

"Sinabi mo pa, halika na nga."

so it means, naaksidente si sir Mike.

Pagbalik ko sa office ay abala sa kanya kanyang kwentuhan ang mga co workers ko at puro yung nangyaring aksidente tungkol kay sir ang naririnig ko.

"Grabe noh, kaya pala absent kahapon si sir ." awang sabi ni Cheska habang papalapit sakin.

I nodd. "Eh paano tayo nito magtatrabaho?" nagtataka kong tanong.

"May papalit naman muna kay sir Mike eh kaya hindi naman siguro maaapektuhan ang trabaho natin."

sumang ayon nalang ako.

***

"UY BES BAKIT ANG DAMI MONG MAGAZINE NI MADDOX GREY.!!!"

napabalikwas ako dahil sa sigaw ni Cheska. I invited her pero di ko alam na pati ang pinakatatago kong mga magazine ay makikita niya pa. Agad kong iniwan ang niluluto ko at hinablot sa mga kamay niya ang mga magazines.

"Grabe ka! pahiram lang ng isa.Ang pogi pogi niya talaga, crush mo rin ba siya."

Crush..? kung alam mo lang Cheska.

"Ewan ko sayo..maghanap ka nalang ng ibang magazine diyan, wag ito."

nalukot ang ilong niya. Akmang ilalayo ko na ang mga magazine pero nagawa niya pang hablutin ang isa sa kamay ko.

"Pahiram lang kasi." nahiga na ito sa sofa kaya wala na akong nagawa.

Binalikan ko nalang ang niluluto ko. I looked at my phone. Sa photos ko pinunta, kahit gaano na katagal andito parin ang mga alaala namin. Kung makikita lang ng iba para na kaming perfect couple na papangarapin ng lahat pero punong puno ako ng katanungan kung bakit kailangan niyang tapusin nalang ng ganun ang relasyon namin.

Ni walang paalam, ni walang paramdam. Daig ko pa ang umaasa na mamahalin din ako ng crush ko. 2 years..? but still hindi parin siya kayang kalimutan ng sistema ko. I hate him for that, but I also hate it na sa lahat ng ginawa niya sakin ay siya parin ang tanging laman ng puso ko. Sa dinami dami ng lalaking nagtangkang manligaw sakin ay tanging siya lang ang gustong gustong makita ng mata ko.

"Umiiyak kaba bes..?"

tumalikod ako at nagpunas ng luha,.ano ba kasing iniiyak iyak ko

"Hindi, napuwing lang ako sa niluluto ko."

"Ah ganun ba, magsasandok na ako ah para makakain na tayo."

I nodd .

"Sarap naman pala ng luto mo Alessia, bakit hindi kapa mag asawa."

natawa ako "Tiyaka na natin isipin yan okay."

"Oo naman."

napaisip ako..bakit nga ba hindi pa..? dahil ba nagpapakatanga parin ako na babalik siya sakin.

Umaasa kahit malabo na babalik siya at magso sorry, magpapaliwanag at itutuloy namin ang pagmamahalan naming iniwan niya.

A/N: Sorry for typos and grammatical error



















My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now