Four

31.5K 522 3
                                    

CHAPTER  FOUR

...

ANONYMOUS

 Seryoso habang pinapaikot niya sa kanyang kamay ang ballpen. Kahit pa na masyado siyang busy ay naiinip parin siya. Napatingin siya di kalayuan ng biglang may maisip. Napangisi siya, tila may mga nagbabadyang masamang plano na makikita sa mga mata nito.

Binuksan niya ang katabing drawer at doon kinuha ang card na naglalaman ng number ng isa sa mga kaibigan niya na humihingi ng favor.

Agad niyang kinontact ang numero at nakakailang ring palang ay may sumagot na sa tawag niya at sigurado siyang ang kaibigan niya ito back in his high school days.

"Nakapagdesisyon na ako and its a deal." pinal niyang sabi sa kabilang linya at binaba na din ang tawag. Muli na namang gumihit ang kakaibang ngiti sa mga labi habang may mga scenario ng nabubuo sa kanyang isipan.

"Watch how I destroy you."

End of ANONYMOUS POV ( sabi na sa inyo eh kilala niyo na agad.hahaha )

***

ALESSIA's  POV

"P upuntahan o Hindi........Pupuntahan o Hindi.......Pupuntahan o Hindi.....

Pupuntahan ko....

Ughhh Hindi.!!!!!!!"  napasabunot na ako sa buhok ko . Kanina pa ako paikot ikot ng apartment trying to convince my self.

Trying to convince kung pupuntahan ko siya at kakausapin. Hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin kung sino ang tinutukoy ko. Oo siya! Gusto ko siyang makausap for pete sake! gusto ko malaman lahat. As in lahat lahat kung bakit siya umalis at iniwan ako ng walang paalam. I need closure at umaasa parin akong baka maaayos pa namin ang relasyon namin after two years.

Nang masigurado ko sa balita na andito na talaga siya ay nagdesisyon na akong puntahan siya pero kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Ayokong humarap sa kanya na ganito, baka maiyak lang ako kapag nakita ko na siya. Kahit kating kati na akong puntahan siya ay pipigilan ko dahil baka ako din ang magmukhang tanga kapag nagpadalos dalos ako. It's FINAL!

"Pupuntahan kita pero maghahanda muna ako." bulong ko sa sarili ko

*beep*

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Nagtaka ako. Sino naman ang magtetext sakin ng hatinggabi na. Hindi ko tinignan kung sino ang nagtext dahil hindi ko pinakealam ang phone ko, baka si Cheska lang yun na mambibwiset kahit gabing gabi na.

Naglakad na ako papuntang kusina para manguha ng maiinom ng biglang tumunog ulit ang phone ko tanda ng may nagtext na naman. Sunod sunod ang pag beep nito. Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko tila gusto ng lumabas sa katawan ko. I'm freaking out !

The hell.. lalo akong mas kinabahan ng maalala na ayaw na ayaw ni Cheska ang  nag pa flood message at...at Oh My God.She actually said na 8 palang ay natutulog na siya dahil nahihilo daw ito kapag nagpupuyat siya so...so who was that. Sinong magtetext sa akin ng ganyan lalo na at si Cheska lang ang may alam ng number ko.

Lord, wag naman ganito . 

Dahan dahan akong lumapit para kunin ang phone ------

*ding dong* *ding dong* *ding dong*

Napatakbo ako palayo sa phone ko ng may tumatawag na dito. Ghad ano bang nangyayari, minumulto naba ako. Okay..Inhale ..Exhale Alessia. Love Story itong kwento mo at hindi Horror kaya breathe in..breathe out. Relax ka lang.

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now