Twenty-Two

25K 327 7
                                    


CHAPTER  TWENTY TWO

THIRD PERSON POV


Pinakiramdaman ni Alessia ang paglabas ni Maddox sa office nito. Nang masigurado niyang nakalabas na ito at mawala sa paningin niya ay tiyaka siya tumakbo papasok sa opisina para kunin lahat ng papel na pinapakuha sa kanya ni Maddox na hindi niya kayang kunin kapag nandoon ang binata. Ipinatong niya na din ang mga natapos na trabaho sa laptop nito. 

Nahinto siya sa paglabas ng madako ang tingin sa frame na nakapatong sa isang platform. Yun ang picture nila pero ang kaibahan ay nakatumba na ito. 

Parang kinukurot ang puso niya, pati ba naman ang picture nila ay talagang wala ng halaga sa binata. Lumapit siya doon at kinuha ang frame kesa naman madumihan lang ito.

Pinunasan niya iyon at lumabas na.


"ANO YAN HUH?!"


"AY BAKLANG KABAYO!"

napahawak siya sa dibdib dahil sa panggugulat ni Cheska. Sinamaan niya ito ng tingin pero nagkibit balikat lamang ang huli.

"Ano bang trip mo Cheska? muntik na akong atakihin sayo"

aniya at naglakad na papunta sa cubicle habang nakasunod ang kaibigan. Pagkaupo niya ay umupo din si Cheska sa harap niya. 

"Alam mo bess para kang tanga!"

Alessia raised her eyebrows. Hindi nito mahulaan kung ano bang trip ng kaibigan.

"Ano na naman ba yan Cheska?"


Cheska crossed her arms.  " Nagmumukha kang affected eh."


"Diretsuhin mo  na nga kasi."  naiinis niyang sabi dahil hindi nito maintindihan ang pinagsasabi ng kaibigan

dumukwang ito sa kanya  at ngumisi.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na tiyaka ka papasok sa office niya kapag wala siya dun."


namutla siya sa pagka pahiya. She didnt know na sinusubaybayan pala ng kaibigan ang mga galaw niya. 


"Eh ano ba kasing dapat kong gawin. Alangan namang pakiharapan ko siyang parang walang nangyari diba."  nahihiya parin niyang paliwanag. Umiling iling naman ang kaibigan at umayos ng pagkakaupo.


 "Sabagay tama ka pero mukha kang tanga eh."  this time ay tinawanan na siya nito. She rolled her eyes.


"Akala mo hindi ko pa nakakalimutan yung kasalanan mo."


tumigil sa pagtawa ang huli dahil sa sinabi niya. Tinutukoy nito ang ginawang pagsugod ni Cheska sa boyfriend niya---, no! scratch that, her ex boyfriend.Take Note: Her ex-boyfriend AGAIN.

Cheska snapped  " Kasalanan?"  nagtataka nitong tanong.

Tumango siya.

"Sinugod mo si Maddox and kick his thing kaya mas nagalit siya sakin."

she stated and looked to Cheska intently. natahimik naman ito at bigla nalang tumawa na ikinagulat niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya para humagalpak ng ganoon ang kaibigan?

My Heartless Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now