“Iho hintayin mo na lang si Sharm ah pababa na siya. Teka lang at paghahainan kita ng agahan.” Nagtaka si Brandon bakit si Sharm ang binanggit ni Manang Ynez gayong ang hinahanap niya ay si Cham, baka nagkamali lang ang binata hindi na lang niya pinansin.

Ilang minuto lang ay bumaba na din si Sharm nakita na niya si Brandon na nakaupo sa sala, kinakabahan siya hindi niya alam ano ang sasabihin niya hanggang ngayon ay wala pa din siyang maisip.

“Hi Brandon welcome back, musta naman ang work mo doon sa Davao successful ba?” bungad siya sa binata kitang kita naman sa itsura nito ang saya at malapad na ngiti.

“Yes sobrang successful lahat ng mga investors ay nakuha ko. I’m so happy at the same time excited talaga ako umuwi may usapan kasi kami ni Cham. Teka asan na ba siya? Dalawang lingo ko na kasi siyang hindi nakakausap.” Napakagat labi si Sharm sa narinig. Dahil sa sobrang takot na malaman ni Brandon ang nangyari pinili niyang magpalit ng number para hindi siya makontak nito, ito lang ang naisip niya na paraan para maiwasan ang mga tawag nito.

“A-ah kasi ano tsk’ ah kasi ano ayun nasa Hongkong siya ngayon, tama oo nasa Hongkong pinadala ni Dad for a conference. Yeah right. Siguro matatagalan pa siya kakaalis lang kagabi eh.”kinakabahang sagot niya hindi niya alam if naniwala ba ang kausap sa sinabi niya.

Naguilty naman siya sa ginawa dahil sa nakita niya talaga na biglang lumungkot ang itsura ni Brandon, pero ano ba magagawa niya hindi niya kayang sabihin ang nangyari sa kaibigan baka makasira pa ito sa paghahanap nila sa kaibigan sigurado siya na gagawa din si Brandon ng paraan para mahanap ito pag nalaman niya ang totoo.

“Minsan naiisip ko if iniiwasan na ba niya ako. Nagpalit ba siya ng number? Baka pwede naman mahingi, siguro nga nabigla ko siya noong nakaraan na magkausap kami pero bakit kailangan niya akong iwasan. Gusto ko lang naman maging totoo sa kanya, kaya ko sinabi na gusto ko na siyang ligawan.” Ang masayang mukha ni Brandon ay napalitan talaga ng lungkot, nararamdaman niya ang sensiridad nito sa kaibigan.

“Ah hindi siya nagpalit number wala lang talaga siyang time ipaayos ang cellphone niya sobrang busy kasi siya sa work, madami pinapagawa si Dad sa kanya. Don’t worry magkikita din kayo.” Ngumiti si Sharm ng pilit para naman maibsan ang kaba niya sa pagsisinungaling.

“Nakwento ba sayo ni Cham na manliligaw na ako sa kanya? Mahal ko talaga kasi yung bestfriend mo na yun. Talagang binantayan ko siya kahit nasa America ako para walang lalaki na mauna sa akin.” Nabuhayan ng loob si Brandon sa mga assurance ni Sharm na magkikita sila ulit ni Cham.

“Ah hindi niya pa nabanggit kasi bihira kami makapagkwentuhan dahil sa sobrang abala siya.”

“Ah tama sana paguwi niya hindi na siya ganoon kaabala, kasi balak namin pumunta sa probinsya niyo para makapagpakilala na din ako ng pormal sa magulang niya. Maipagpaalam ko ang panliligaw ko sa anak nila.” Dumungaw naman ang ngiti ng binata maisip pa lang niya na makakaharap niya ulit ang magulang ng pinakamamahal niya ay pakiramdam niya ay malapit ng matupad ang pangarap niya. Ang maging kasintahan ang kaibigan.

“Really? magandang ideya yan sigurado akong magugustuhan ka nila. Gusto mo ilakad pa kita eh malakas ako sa kanila” sabay naman silang nagtawanan, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Sharm mukhang nalusutan niya ang pagsisinungaling kay Brandon.

“Sana nga Sharm sa tingin mo ba may pag-asa ako kay Cham? Nalulungkot kasi ako pag hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko sa kanya about sa feelings ko, parang balewala lang sa kanya.” Bigla siyang naawa sa kaharap, sa tuwing tinatanong niya kasi si Cham about kay Brandon ay lagi niya lang sinasabi na kaibigan lang niya ito.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now