“Pwede bang umalis ka na muna sa harap ko.” Bulong niya, nananaig pa din ang takot niya sa pwedeng gawin nito, unpredictable kasi ang lalaking kaharap minsan ay kalmado ito minsan ay parang galit nag alit na tigre hindi niya alam kailan ito nagpapalit ng mood.

“Don’t worry okay wala ako sa mood saktan ka. I will give you a break just eat okay” nagtataka siya sa pagkamahinahon ng lalaki, hindi niya alam kung ano pa ang balak nito. Lumapit siya sa mesa na tinabi nito sa kama niya at sinimulan ng kumain. Ilang saglit lang ay lumabas na ito ng kwarto niya.

Natapos niya ang kinakain at siya namang pagpasok ng matanda. Iniabot nito ang iba’t ibang gamot na iinumin niya.

“Wag ka magalala pinagtignan ka na namin sa doctor noong nakaraan at ito ang mga nireseta niya sayo. Sabihin mo lang kung tapos ka na para magamot ko naman yang mga sugat mo sa mukha at binti.” Inalalayan naman siya nito ng pumunta siya sa banyo para maghilamos.

“Manang maraming salamat po sa pagaasikaso sa akin ah.” Pinaupo siya nito at inumpisahan na gamutin ang mga sugat niya sa mukha at binti medyo makirot pa din ang mga ito. Napapangiwi na lang siya paminsan-minsan.

“Walang anuman iha, pagpasensyahan mo na lang siya pag sinasaktan ka niya. Hayaan mo matatapos din ang mga paghihirap mo.” Malamlam ang mga mata na tinignan ang matanda, hindi niya maintindihan kung paano niya naaatim na tignan ang isang tulad niya na walang habas na saktan ng amo nito.

“Manang tulungan niyo naman po ako makaalis dito, hindi ko po kayo idadamay if ever na nakatimbre na ako sa mga pulis. Gusto ko na po umuwi malamang hinahanap na ako ng pamilya ko baka nag-aalala na sila sa akin.” Rinig niya ang malakas na buntong hininga nito.

“Iha kung pwede lang gagawin ko pero pareho lang tayong mapapahamak.Sige ako ay lalabas na maiwan na kita diyan magpahinga ka ah.” Hinawakan niya ang kamay ng matanda bago pa ito tuluyang makaalis.

“Manang umaasa ako na tutulungan mo ako hihintayan ko, wag lang sana masyadong tumagal baka sa susunod malamig na bangkay na ako pag nakita mo.” Seryosong sabi niya sa matanda, bakas naman sa mukha nito ay takot sa sinabi.

“Iha wag ka magaalala kapit ka lang, gagawa ako paraan.” Nagkaroon na naman siya ng pag-asa, nakangiti siyang tinignan ang matanda palabas ng silid niya. Gumaan kahit papaano ang bigat sa dibdib niya.

***

“Hi Manang goodmorning po.” Nakangiting bati ni Brandon andito siya ngayon sa bahay nila Sharm.

“Oh iho ikaw pala yan” bakas ang gulat ni Manang Ynez sa bisita, ngayon na lang ulit niya nakita ito ang sabi ni Sharm ay nasa Davao ito at mahigpit na bilin na wag muna sasabihin ang tungkol kay Cham.

“Namiss ko ang mga luto niyo Manang, kakauwi ko lang po kanina galing Davao may mga pasalubong po ako sa inyo nila Cham. Andyan po ba siya.” Pinapasok niya ito at nagpaalam na aakyat. Hindi niya masagot ang tanong nito about kay Cham.

“Iha pwede ba pumasok” kinatok niya ang kwarto ni Sharm, nagising naman ito kaagad ng makita siya.

“Yes manang” inaantok pa na sagot nito.

“Andiyan si Brandon sa baba hinahanap si Cham hindi ko naman masagot hindi ko alam sasabihin ko.” Namilog ang mga mata niya sa gulat na andito na si Brandon sa Maynila.

“Naku Manang sige asikasuhin niyo muna siya tapos magaayos lang ako bababa na ako. Salamat po.”  Agad naman napatayo si Sharm sa higaan at nagiisip ng pwede niya idahilan kay Brandon pagbaba.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now