“Nagsisimula pa lang tayo young lady, madami ka pang iluluha gusto ko sa mga susunod na araw dugo na ang lalabas diyan sa mga mata mo” pasigaw na sabi nito, sabay buga sa kanya ng usok nito mula sa sigarilyo niya.

Tinanggal nito ang tape na nasa bibig niya, pinahid nito ang dugo na nasa gilid ng labi ng dalaga at isinubo ang daliring may dugo sa bibig ni Cham.

“Taste your own blood. Isn’t it sweet?” ngayon na lang siya ulit nakahinga ng maluwag, ilang beses niyang hinabol ang hininga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa buong katawan, lalong lalo na sa mukha niya.

“Ba-bakit m-mo gi-nagawa i-to sa a-akin?” mahinang sambit niya, sa wakas ay nakapagsalita din siya.

“Let’s just say that nakareceive ka ng invitation to experience and enjoy hell.” Tumawa ito ng nakakaloko sobrang lakas na nakakabingi na.

Hindi niya pa din maintindihan bakit kailangan siyang saktan nitong kaharap, wala siyang alam na dahilan bakit ang isang tulad niya ay makakaranas ng ganito. Inumpisahan na naman siyang kaladkarin ng lalaki at ngayon ay paakyat sila nararamdaman niya ang paghakbang sa mga hagdanan.

Mukhang malaki ang bahay na ito dahil sa haba ng inakyat nilang hagdanan, nang makarating sila sa taas ay binuksan ng lalaki ang pinto at agad namang itinapon ang dalaga dito.

“Just a warning, for you to save your energy. Wag mo ng balakin pang sumigaw for help walang tutulong sayo dito. This is an isolated area only me and you are here. ” pabalang na tinanggal ng lalaki ang piring niya sa mata. Ilang beses muna siya kumurap-kurap dahil sa tagal na may piring ay medyo lumabo ang mata niya.

Malamlam ang ilaw sa silid tanging isang maliit na lampshade ang andito. Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng silid isang malaking kama ang andito may banyo na din pero wala man lang bintana. Napadako ang tingin niya sa lalaki na nakaupo sa maliit na sofa na andito. Hindi niya makita ng maayos ito dahil katulad ng mga lalaki kanina tago din ang mukha nito at nakalong sleeve na damit. Nakaupo siya ngayon dito sa gilid ng kama, napaurong siya ng lumapit ito sa kanya takot na siya pag lumalapit ito sa kanya. Iniiwas niya ang tingin niya dito, lumuhod ito sa tapat niya.

“Just behave okay” sakto lang ang ilaw ng lampshade para makita ng binata ang kabuoang mukha ng dalaga, bakas pa rin ang mga kamay niya sa makinis nitong pisngi. Tiim bagang niyang tinitigan ito pero ayaw tumingin nito sa kanya. Namumula na ang mga mata nito sa kakaiyak at sa tagal ng pagkakapiring.

“Thanks” garalgal na sabi ni Cham, nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga sa kanya pagkatapos niyang tangalin ang gapos nito sa mga kamay. Hindi niya inakala na magpapasalamat pa ito.

Wala na siyang nasabi pa, tinignan niya ulit sa huling pagkakataon ang dalaga tumayo na siya at lumabas na nag kwarto nito. Napasandal siya sa pinto at humugot ng isang malalim na hininga. Narinig niya ulit ang mga hikbi ng dalaga sa loob ng silid.  

 Sapo ni Cham ang mga pisngi ang sakit pa din kasi ng pagkakasampal sa kanya, kahit sa panaginip hindi pa niya naranasan masampal ng kung sino hindi niya inakala na isang malakas na lalaki pa ang gagawa nito sa kanya, hinilot niya ang likod niya na sobra din ang sakit. Umakyat siya sa kama at sumandal sa headboard. Binaluktot niya ang dalawang tuhod at niyakap ito, humagulgol na naman siya ng iyak na parang ang mga luha na lang ang kakampi ngayon. Ang mga luha na siyang nakakaalam ng mga sakit na naranasan niya.

“This is your Hell now and I am you Satan, we’ll play here till death”

Hindi mawala sa pandinig niya ang sinabi ng lalaking yun sa kanya. Nagbalik ang mga magagandang alaala niya kasama ang pamilya niya, paano na lang pag mawala na siya hindi man lang nito maiiahon ang pamilya sa hirap. Ang tatay niya na sobrang proud sa kanya hindi niya kakayanin na malungkot ito pag nawala na siya. Ang daming pumapasok na eksena sa utak ni Cham, gusto man niyang maging matatag pero hindi niya alam paano umpisahan. Balot na balot na siya ng takot.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now