“Anong gagawin mo? Tatalon ka? Wag mo na balakin malalim ang tubig mas pipillin ko na lang na manahimik diyan at maupo ka lang.” narinig niyang bulong sa kanya, ito ang lalaking nagsuway sa mga nang-mamanyak sa kanya kanina.

Narinig niyang tumigil na ang sinasakyan nila, kinuha ng isa sa mga ito ang kamay niya at pinatayo na inalalayan siyang makababa ng Bangka.

“Boss ito na po ang pinapakuha niyo, buong buo yan walang galos or sugat.” Narinig ni Cham ang tawa ng bagong lalaki na tinatawag nilang Boss.

“Magaling pwede na kayo umalis, siguraduhin niyo na walang makakaalam sa lugar kung asan itong babaeng ito. Siguraduhin niyo na malinis ang mga galaw niyo. Walang nakakakilala sa akin, wala kayong kinuhang babae lahat ng nangyari ngayon ay kalimutan niyo na. Sige umuwi na kayo.” Iniabot nito ang isang maliit ng bag kabayaran sa pagdukot kay Cham. Naramdaman niya na nag-alisan na ang mga lalaking kasama kanina tumunog na ang makina ng Bangka ng mga ito.

“Welcome to Hell” bulong ng lalaki sa tenga niya. Pagkasabi nito ay agad siya hinawakan ng mahigpit sa braso niya at kinaladkad papunta sa loob.

Masakit na ang paa ni Cham dahil sa pagkakaladkad ng lalaki sa kanya, natanggal na din ang suot niyang sapatos bawat lakad niya ay mga tumutusok na maliliit na bato. Pinilit niyang tangalin ang braso niya sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki.

“Yan ang gusto ko lumalaban. Mukhang matutuwa ako sa laro natin.” Natigilan si Cham sa paglalakad pero hindi sapat ang lakas niya para hindi siya mahatak ng lalaki. Mahaba-haba din ang nilakad nila mula sa tabing dagat. Narinig niyang binuksan nito ang pinto.

“This is your Hell now and I am your Satan, we’ll play here till death” binitawan siya nito at agad naman siyang napaupo na sa sahig sa sobrang panlulumo, hindi niya alam kung ano ang napasukan niya nakakatakot ang mga pinagsasabi sa kanya nitong lalaki na ito.

Naramdaman niya na tumapat ang lalaki sa may mukha niya. Ramdam niya ang mabangong hininga nito hindi katulad ng mga kasama kanina na masangsang ang amoy. Natulilig ang mundo niya ng bigla siya nitong sampalin ng napakalakas.

“Oh baby you look good when your hurt” napangiwi siya sa sakit ng sampal nito, parang lalo siyang nahilo ang sakit ng pisngi niya.

“This is just the beginning kurot pa lang yan.” Nakakatakot ang boses ng lalaki, pakiramdam ng dalaga ay talaga nasa pinto na siya ng impyerno , napayuko na lang siya at hindi na napigilang lumuha. Gusto niyang sumigaw, manghingi ng tulong pero anong laban niya sa kaharap, may tape pa din ang bibig niya.

“Don’t worry masasanay ka din, it will come to the point na hahanapin mo ang sakit na yan. Don’t worry it will be painless by then.” Sambit nito sabay halakhak. Marahas na itinayo siya nito sa pagkakaupo sa sahig at walang habas na itinapon siya sa sofa.

Napangiwi talaga siya sa sakit dahil tumama ang likod niya sa arm rest ng upuan, napapalipit ang katawan niya sa sakit.

“Ohhh napakasarap tignan. You want more?” napagakat labi si Cham sa dulot na sakit sa likod, imbes na maupo siya sa sofa ay napaupo na naman siya sa sahig. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Itinayo siya nito ay pilit na itinutuwid ang katawan niya na hindi pa humuhupa ang sakit. Sinampal na naman siya nito hindi lang isa kundi apat na beses.  Ramdam na ni Cham na may tumutulo ng dugo sa gilid ng labi niya.

“Oh such a cry baby. Don’t cry baby instead just enjoy the agony.” Bulong nito sa kanya sabay kagat sa tenga niya. Humahagulgol na siya pero parang walang awa ang isang ito. Itunulak siya ulit nito at pabalagbag siyang napaupo sa malambot na sofa.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now