" at talagang excited silang Makita ka A " dagdag pa ni anna, napailing na lang ako sa tuwing ngunguso sila habang nakatingin kay blank, hay ewan ko ba kung paano ko naging mommy at kapatid ang mga to. Pero teka? A daw ?

Napalingon ako sa lalaking katabi ko na nakangiting pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Bigla naman itong lumingon saken tapos biglang ngumisi " alam kong gwapo ako pero hindi ako matutunaw sa tingin mo lang "

Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi nya, ano daw ? aba't ang hangin talaga ah. Napailing na sumunod na lang ako sakanya na nauna nang pinuntahan ang mga bata

"Umma/ NAth ! " agad na lumapit saken ang tatlo at isa-isa akong binigyan ng yakap at halik. " mom, here's eumie " sabi ni iku at nang lumingon ako sa tinuturo nya ay nakita ko ang aming prinsesa na tumatakbo palapit samen habang sakay ng walker nito.

" ah.. ang prinsesa namin iniwan ng mga kuys nya " sabi ko dito at hinalikan sa labi, na-miss ko ang batang to. " hindi ka siguro inaalagaan nila kuys no? Kawawa naman ang baby ko " kinarga ko si eumie na tumatawa naman at halatang tuwang-tuwa sa ginawa ko

" nah ! that's not true " agad na angal ni iku

" tss, she's just teasing us iku " as usual ay malamig na sabi ni eurie. Yang bangayan pa ng dalawa nag pinaka-namiss ko.

" nah ! eurie is right I'm just testing you guys, and I know that you guys will never leave eumie alone " nakangiting sabi ko sakanilang tatlo at ginulo ang mga buhok nila, tulad ng inaasahan sabay-sabay nila akong sinigawan dahil sa ginawa ko na yun. Hahaha, their reaction reminds me on how irritated I am when someone was petting me.

" who are you ?" natigilan ako, pero mukhang hindi lang ako ang natigilan nang sabihin yun ni eurie. Bumaling ako sa taong walang emosyon nitong tinitingnan at mukhang hindi niya inaasahan ang tanung na yun mula sa bata. Hindi nya talaga yun inaasahan dahil alam nyang kilala sya ng mga ito

" huh ? umm.. I am A, just call me A " sagot ni blank sa tanung ni eurie. Kita ko ang kaba nya kahit na he's really tryin' to act cool in front of us. Alam kong nahihiya at kinakabahan sya dahil napapakamot sya sa batok nya na syang madalas ko ring gawin sa tuwing nakakaramdam ako ng hiya

Tulad ng inaasahan ay hindi tinanggap ni eurie ang kanina pang nakalahad na kamay ni blank kaya naman hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple nyang tikom nito at pag-angat para kumamot sa ulo nya na alam ko naming palusot nya lang

" A ? is that really your name ? or that's only your way of----"

" eurie, that's not the right attitude you should shown towards your father " dumagundong ang makas at malamig na boses nya sa buong hardin. ibang klase, kahit na hindi kulob ay naramdaman pa rin namin ang awtoridad at bagsik ng mga salita at boses nya

" again, that's not the right treatment you should give to your father " pag-uuli t ni lolo sa sinabi nya kanina na ngayon ay naglakad na palapit sa direksyon namin

" he's our dad ?" walang kagana-ganang tanung ni eurie kay lolo, this kid, hindi man lang talaga sya nakakaramdam ng kahit na anong takot kay lolo. Iba talaga sya, he's really fearless

" yes, he is. Kaya you guys should treat him right because sooner or later, your mom will marry him " seryosong sabi ni lolo. Bakas sa tinig nya na gusto nyang sundin namin ang bagay na sinabi nyang yun, so ? talagang ipakakasal nila kami huh ?

" tss. I will treat him the way i want to" malamig na sabi ni eurie. Bumaling sya sa direksyon namen, tumingin sya saken tapos sa lalaking katabi ko "Does it bother you? A?" tanung nito na in-emphasize pa ang pagkaka-tawag nya sa pangalang pinakilala nito, pero base sa tono nya, hindi nya tinatanung ito, dahil isa yung utos na hindi dapat baliin

" it's ok with me " hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi pag-suko ang pag-sang-ayon na yun ni blank kay eurie. Bumaling sya sa direksyon kung nasaan nakatayo si lolo " head emperor, kung mamarapatin nyo, gusto ko sanang hayaan na itrato ako ng mga bata sa paraang gusto nila, alam naman natin na nag-a-adjust pa sila "

Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng matanda " as expected with you A, oh sige, kung yan ang gusto mo " sabi ni lolo. Bumaling sya sa mga bata " kung ako ang tatanungin, gusto kong itrato nyo ng maayos si A, pero dahil hiniling nya, sige maitatrato nyo sya sa paraang gusto nyo "

Ilang oras pang nanatili si lolo para makipaglaro sa mga bata, o? iniisip nyo siguro na dahil malamig at mahigpit si lolo ay hindi na sya close sa mga anak ko no ? well, hindi totoo yun dahil kabaligtaran, mahal na mahal ni lolo ang mga bata, palagi syang naglalaan ng oras para makasama ang mga ito just like my dad.

"kids ! miryenda na " sabi ni anna, na nauna saaking maglakad palapit sa mga bata.

Agad naman na nagsitakbuhan ang mga bata nang mailapag na namin ang mga miryenda na hinanda nila mom at anna. Oo sila lang dahil ako, tinulungan ko lang silang mag-hatid dito. Sabi ko nga ipadala na lang sa mga maid pero nagpumilit sila na kami na lang daw, kaya eto.

" ang cute nila tingnan no ?" napalingon ako nang sabihin yun ni anna habang nakayakap sa kanang braso ko. Tumingin naman sya saken at napa-make face " aish ! wag mo nga ko tingnan ng ganyan, nagsasabi lang ako ng totoo. Tingnan mo " tapos ngumuso pa sya sa mga bata na masayang nakikipag-laro kay blank

Tama si anna, ang cute nga nila tingnan dahil halata sa mga bata na masaya sila kasama si blank, nakuha na nga talaga siguro ni blank ang loob ng mga bata, well maliban lang kay eurie na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi habang nagbabasa ng libro. Malamang sa malamang ay nobela na naman yun

Ang sarap pakinggan at pagmasdan ng mga bata na malutong na tumatawa habang nakikipag-laro sa lalaking ngayon lang nila nakilala, hindi sila ganyan sa ibang kakakilala lang nila, pero ewan ko ba kung bakit lapit agad sila kay blank. Ano kayang ginawa ng mokong na to ?

" umma ! look ! " napanganga ako nang makita ang mukha ni blank " see? He's like those fish I've seen in spongebob" natatawang sabi ni iku habang banat ang magkabilang pisngi ni blank. Gusto kong matawa dahil sa itsura nya ngayon pero pinigilan ko

" da-da " napalingon kaming lahat sa batang nakaupo sa damuhan habang pinapalo-palo ang hita ni blank habang tumatawa.

" eumie likes your epic face tito A " natatawang sabi ni eizihiro.

" HAHAHA try to speak tito A " sabi naman ni iku na banat pa rin ang magkabilang pisngi ni blank. At si loko parang uto-uto naman dahil ginawa nya talaga ang sinabi na yun ng mga bata dahilan para mapuno ng tawanan ang buong hardin.

Nakangiting pinag-masdan ko na lang sila, kalian nga ba ang huling beses na nakita kong ganyan kalakas at totoo ang tawa ng mga anak ko simula nang mawala si asero? I've never seen them laughing like that mula nung araw na yun maliban na lang ngayon. Hindi ko alam kung paanong nakuha agad ni blank ang loob ng mga anak ko at base sa nakikita ko, siguro ay tulad ko, naaalala rin nila si asero sakanya dahil kahit na ito ang unang beses na nakasama nila ito, kita ko kung gaano sila ka-komportable dito, tulad sa kung paano sila ka-komportable pag nasa tabi nila ang kanilang ama

Take The Empress' Heart BackWhere stories live. Discover now