(58) Reconciliation

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang isang oras at napansin ko na hindi na ganung kasweet sina Ro at Jed. Oo magkatabi sila pero hindi sila nagkikibuan. Yung sweetness at closeness nila kahapon biglang nawala. Ano kayang meron?

Kesa naman kung ano-ano na namang isipin ko, napagpasyahan ko na magexplore muna dito sa kweba. Ang sabi kasi ni Yaya Felly, yung dulo daw ng kweba ay ni minsan hindi pa daw nila napupuntahan. Nakakatakot daw kasi tapos baka mamaya daw, may nakatira palang halimaw dun. Mapahamak pa sila.

At dahil may dugo akong echosera, joke lang, what I mean ee explorera. May ganun ba? Ayy. Basta, susubukan kong pasyalan yung lugar na yun.

Kinuwa ko ang espada ko tsaka ito isinabit sa likod ko. Nagdala din ako ng lampara pang ilaw sa daan. Nung akmang aalis na ako, biglang may humila sa lalagyan ng espadang nakasabit sa likod ko kaya automatic na napaatras ako.

"What?" Tanong ko sa kanya.
"San ka pupunta?" Walang emosyong tanong niya.
"Dun sa kung saan wala akong makikitang bubuyog na akala mo walang tao sa harap kung magharutan. Bitaw." Saka ko iwinaksi ang likod ko. Bumitaw siya nun kaya naman nagsimula na akong maglakad.

Tatanong-tanong pa siya ee para namang may pakelam siya sa akin. Dun na siya kay Ro. Magsweet-sweetan sila FOREVER. Waaaa. Ambad ko. Ee ako naman ang may kasalanan kung bakit siya ganun ee. Luka luka ka kasi Raxelle. Malaking luka luka.

Medyo malayo-layo na rin yung nararating ko nun ng bigla na lang akong may maapakan na parang madulas atsaka...

"WAAAAAAAAAA." Litsii. Nagslide ako pababa. Bat may ganito dito? Ano ba to? Lime? Yaaa. Ang lagkit tapos ang dulas. Waaaa ang sakit sa pwet. >.<

Pagkatayo ko, agad kong pinagpagpag ang pang-upo ko at leche nga naman. Ang dumi dumi. Puno ng malagkit na parang putik na ewan. At dahil nandito na rin naman ako, itinuloy ko na ang pagexplore sa part na to ng kweba.

"Ang dilim naman. Agang-aga ee." Tuloy lang ako sa paglalakad nun ng may bagay na NAMAN na tumama sa paa ko. Agad akong lumayo at inilawan kung anu man ang lecheng bagay na ito.

Mahaba siya na mataba na kulay black and white. Hinanap ko ang dulo nito at ng mapadako ang tingin ko dito...

"A-A-Ahas." Ang laki. Mas malaki pa sa akin. Nagtaasan ata ang balahibo ko ng makita ko agad ang matalim niyang mata at dilang lalawit-lawit.
"Ssssssssss"
"Lumayo ka sa akin." Saka ko, iwinagayway ang hawak kong espada. Nanumbalik sa akin ang alaala ng mga ahas sa Chasing Midnight. Napagdaanan ko na nga pala ang ganitong sitwasyon, yun nga lang, sobrang laki naman ng isang to.

Agad akong umatras ng atakihin niya ako at subukang tuklawin.

"Hindi ko naman alam na nandito ka ee. Sorry naman kung naistorbo ko ang pagtulog mo." Para akong engot na nage-explain sa ahas na ito na wala namang ginawa kundi ilabas ang dila niya. Para siyang manyakis.

Napailag ulit ako ng subukan niya ulit akong tuklawin. Tsssk. Walang mangyayari kung puro iwas ang gagawin ko nito ee. Kailangan ko na siyang paalisin dito.

Itinapon ko muna sa gilid ko ang espada at handa ko na siyang gamitan ng bagong ability na natutunan ko. Tumakbo ako palayo sa ahas na patuloy lang sa pagtuklaw sa akin kahit na wala naman siyang kasiguraduhan kung nasang pwesto talaga ako.

"Sssssssss."
"Tsssk." Sabay simangot ko. Nakakapagod. - -

Itinaas ko ang kamay ko atsaka pumikit. Ramdam ko ang init na unti-unting bumabalot sa buong katawan ko. At sa pagmulat ko, duon ko naramdaman ang ibang nilalang na nasa katawan ko. Hindi ako to. Ramdam ko na hindi ako ito.

"Ssssss." Nakipagtitigan muna sa akin ang malaking ahas at duon niya ako sinunggaban. Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at duon lumabas ang napakaitim na liwanag.
"Get lost. Huwag na huwag ka ng babalik dito at kung pepwede, mamatay ka na." Utos ko sa kanya at walang ano-anoy bigla siyang umatras at umalis papalalayo sa akin. Papalayo sa lugar na to.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now