Chapter 42

20.9K 533 13
                                    

Pagkatapos matanggap ni Aizan ang magandang balita galing sa mga tauhan niya ay kaagad siyang umuwi sa hotel na pinagstayhan niya. Nakangite pa siyang lumabas sa elevator.

Kumunot naman ang noo niya nang pagbukas niya sa pinto ng suite na pinagstastayhan niya ay nakaupo na si Mertylle na parang kanena pa siya hinintay.

"Mertylle? Ano na naman ang ginagawa mo dito sa room ko? At paano ka-" Naputol ang nais niyang sabihin ng mabilis inaangat ni Mertylle ang susi na sa tingin niya ay hiningi pa nito sa baba.

"Mertylle-"

"Shh. Ang bunganga mo Aizan. Ang ingay mo promise. Kaya lang naman ako nandito para tulungan ka-"

"Mertylle, I don't need your help-"

"Oh? Sinong maysabi? Mas kailangan mo ako keysa sa mga tauhan mo. Alam ko na kung nasaan sila Precious at ang inaanak ko." Matamis pa siyang nginitian nito na parang gustong ipamukha sa kanya na hindi niya kayang mag isa lang na harapin ang mag ina niya.

"Mertylle-"

"Come on Aizan. Wag kang KJ. I'm here to help you. Alam kong hindi mu mapapaamo ng isang pitik lang si Tito. Alam kong galit na galit si Tito sa katarantaduhan mo noon. Kaya nga ako nandito para tulungan ka. And believe me, one wrong move. Hindi mo na talaga mahahanap ang mag ina mo. Alam ko kung paano mag isip si Tito. Buti nga at dito lang sa Cebu dinala ang mag ina mo baka sa susunod ibang bansa na ito itatago. Alam ko ring may kakayahan kang iwaldas ang kayamanan mo para lang mahanap sila, pero maniwala ka mas kaya ding itaya ni Tito ang kompanya wag mo lang lapitan ang anak at apo niya. So, mas maganda kung makinig ka nalang sa mga plano-"

"I don't need your help, Mertylle. Mas mabuti pa ngang umuwi ka nalang at baka hinahanap ka na ni Henry."

"No. Mag stastay ako rito sa ayaw at sa gusto mo."

"Mertylle-"

"Shut up!"

"Mertylle, hindi ako nakikipaglaro-"

"Tingin mo naglalaro lang ako?"

Malalim na nagbuntonghininga si Aizan. Naiinis na siya sa inaakto ng kaibigan. Alam niyang may naiisip na naman itong kabaliwhan lalo na nang nilabas nito ang mga plastics na may kung ano ano.

"Sayang ang mga pinamili ko kanena kung aayawan mo ako." Saad nito at nilabas ang mga wigs at mga make up na sa tingin niya ay kabibili palang nito.

"Mertylle.." Ngumise naman ang huli na parang kinokompirma lang nito ang nasa isip niya.

"NO!"

"SIGE MAGMAMATIGAS KA AIZAN OR BAKA GUSTO TATAWAGAN KO KAAGAD SI TITO. PARA NAMAN MAKAPAG ISIP NA SIYA NG DAPAT NIYANG GAWIN PARA MAILAYO NA NIYA SILA-"

"Hindi mo ko mapipilit-" Nanlaki ang mga mata ni Aizan nang makitang nagdadial na si Mertylle sa phone nito. Pinakita pa nito sa kanya ang pangalang ng tinatawagan nito. Kabadong kabado na siya sa mga oras na yon lalo na nang marinig niyang sinagot na ang tawag.

"Hello Tito-hmpp." Mabilis niyang inagaw ang phone nito at kaagad na binaba ang tawag.

"Aizan!"

"Oo na papayag na ako." Nanghihinang saad niya.

Matamis na ngumite naman si Mertylle sa kanya na parang ini-expect na nito ang gagawin niya. Nalukot naman ang mukha niya nang makita ang phone ni Mertylle na nagriring ulit. Namawis siya nang wala sa oras nang makita ang pangalan ng tumawag. Mabilis naman itong dinampot ni Mertylle na akmang pipigilan pa niya pero nakalayo na ito sa kanya at nginisian pa siya.

"Hello babe, yes. Nandito na kami sa Cebu."
Narinig niyang saad ni Mertylle.

Salubong ang kilay na tinignan niya ito na nginisian lang siya.

"Yes, babe. Kasama ko si Aizan ngayon. Oo, gusto mo kausapin? Haha." Tawang tawa pa si Mertylle na inabot sa kanya ang phone nito.

"You're such a witch."

"I know bro. Kaya mahal na mahal ko ang babaeng yan." Tawang tawa namang saad ni Henry sa kabilang linya.

He can't believe it. Napaniwala siya sa pagdradrama ni Mertylle kanena.

Inis na iniwan niya si Mertylle sa may sofa at kaagad na naglakad papunta sa kwarto. Narinig niya pa ang sigaw nitong walang bawian.

"FUCK." Mabilis na binagsak ni Aizan ang sarili sa kama at mamarahan na pinikit ang mga mata. Bago siya dinalaw nang antok hindi naman niya mapigilan ang sariling mapaisip sa kabaliwhan ni Mertylle. Pero baka nga tama ito, hindi niya alam ang kayang gawin ng Daddy ni Precious lalo na at galit na galit ito sa kanya. Wala naman sigurong mawala kung subukan niya ang kabaliwhan ni Mertylle.

Kinabukasan nagising si Aizan sa malakas na katok sa pinto ng kwarto. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas sa kwarto. Bumungad naman sa kanya ang nakapameywang na si Mertylle.

"Aizan maligo ka na. Para magsimula na akong ayusan ka."

"Ano ba talaga ang pinaplano mo Mertylle."
Inis na saad niya rito. Nginitian muna siya nito bago sinimulang eh explain sa kanya ang mga plano nito para daw makalapit sa mag ina niya.

"So, all this time alam mo pala kung nasaan sila? Bat di mo nalang sinabi sa akin-"

"Ofcourse. Hindi ako spoiler. Sige na maligo ka na."

Inis na inis siyang pumasok sa loob ng banyo at sinunod ang utos nito na maligo na muna siya. Habang naliligo siya rinig na rinig niya pa ang pa kanta kanta ni Mertylle sa labas na parang excited na itong gawing siyang manika.

After an hour ay lumabas siya sa banyo na nakatapis lang na towel sa bewang. Napapalakpak naman si Mertylle na nakatingin sa kanya na may pang aasar na tingin.

"Ang hot mo na pala talaga Aiza."

"Tsk. Stop it."

"Okay po hihihi. Maupo ka na bekla."

Sinamaan niya pa ito ng tingin na binabalewala lang ng huli. Tinap pa nito ang upuan na nakaharap sa salamin. Walang nagawa naman siya kundi ang sumunod rito.

"Aizan?"

"Hmm."

"Aside sa towel may nakacover pa ba sa baba mo?" Mabilis na nag angat naman siya ng tingin rito.

"What the-"

"I'm just asking."

"Malamang." Supladong sagot niya rito.

"Wag kang malikot. Namimiss ko na ang bestfriend kong si Aiza huhu. Ibabalik ko na siya-"

"Shut up."

"Sungit."

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now