Chapter 13

32.2K 832 76
                                    

"Beshy? Okay ka lang? May problema ba?" Kaagad akong napangite kay Mertylle na nakaupo ngayon sa tabi ko.

"Hindi pa ako nakamove on," Wala sa sariling sabi ko. Napakunot naman ang noo niya sa sagot ko.

"Move? Saan ka naman mag momove on? Sa pagkakaalam ko wala ka namang boyfriend," Naguguluhang tinignan ako ni Mertylle.

Hays! Sa panahon ngayon kahit di mo jowa nagmomove on na. Parang tanga naman tong bruhang to di pa na gets.

"Wala,"

Napaiwas tingin nalang ako sa kanya para di na makapagtanong pa.

"Anong wala? Hays! Nagsesecret ka na sa akin ah," Sinamaan pa niya ako ng tingin na parang may tinatago talaga ako. Hays! Mga tao talaga pag nagkajowa nagkaslow na.

Nasa table na pala kami na kung nasaan sila Henry at Melmar. Muntik pa akong mabilaukan sa wine na iniinum ko sa narinig ko kay Henry.

"Anong secret ang narinig ko Honey?"
Napatingin naman ako kay Mertylle na namumula na ang mukha.

"Hehe.. wala yun Honey," sagot naman ni Mertylle nito.

Wala sa sariling napailing ako sa kanilang dalawa. Kanena pa kasi tong mga to, nahiya na ang mga cakes sa ka sweet-tan ng dalawa.

"Walang forever," Bulong ko na narinig naman ng dalawa. Sinamaan pa ako ng tingin ng dalawa. Kaya napangite nalang ako sa kanila.

"Meron,"Kaagad na sinamaan ko ng tingin si Melmar na nakaupo sa tabi ko.

"Wala,"

"Come on, let me prove it." Nakangise pa ang bruho.

"Haha.." awkward na sagot ko rito. Wala ng mas nakakailang sa nangyari ngayon.

Ayokong patulan to baka lasing na tong lalaking to. Baka masabunutan pa ako ni Aizan ng wala sa oras. Gusto na gusto pa naman nun si Melmar. At kahit naman gusto ko si Aizan, ayokong sabayan to.

"Come-"

Naputol ang nais sabihin ni Melmar nang tumabi ang binabae na nagpatibok sa babae kong puso ko.

"Hi! Thank you for coming guys!" Masiglang saad ni Aizan sa amin. Pero feeling ko para kay Melmar lang talaga yun kasi kay Melmar lang naman siya matamis na ngumite ngayon.

"Oh! Hi Aiza! Happy Birthday!" Narinig kong saad ni Melmar. Napaligaw ligaw tingin naman ako para di halatang masakit sa mata.

"Hehe. Akala ko hindi ka makarating. I'm so happy you're here. Hays! Perfect na ang Birthday ko," Malanding saad ni Aizan na nagpasakit sa puso ko.

"It's your birthday. Why would I do that,"

"Aw! I feel special hehe." Mapapansin sa tinig ni Aizan na kilig na kilig na siya sa pwesto niya ngayon. Kaya diko mapigilang ang sariling bumulong ng "ew" na narinig rin naman niya.

"Precious, ang bad mo. It's my birthday pa naman." Nakasimangot pa na sabi ni Aizan.

"Tsk."

Ilang minuto din akong tumahimik lang at nililibang ang sarili sa wine na nasa harap namin. Pinigilan ko talaga ang sarili kong lumingon sa pwesto ni Aizan na tuwang-tuwa na kausap si Melmar. Hays! Sa buong buhay ko ngayon pa ako nakaramdam na super "out of place". Pa scan-scan lang ako sa phone ko na kunwari may nag text pero wala naman talaga.

"Besh?" Napalingon ako kay Mertylle na nakangise sa akin.

"Oh?"

"Look at those guys na tingin ng tingin sa'yo. " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinundan ko naman ng tingin ang sinasabi niya at yun nga may dalawang lalaking tingin ng tingin sa pwesto namin. So what?

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now