Chapter 8

24.2K 704 74
                                    

Saturday...

Kaagad na kuminang ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking may dalang puppy.

Ang cuteee

Lihim na sinusundan ko ng tingin ang lalaki, mabilis naman na tumibok ang puso ko ng may naamoy akong familiar na pabango na kilalang kilala talaga ng puso ko.

Shit! Heart! Kumalma ka!

At doon din ako napalingon sa taong tumabi sa akin. Kilalang-kilala ka na talaga ng hearty ko Aizan! Napasimangot naman ako ng makita ko kung saan nakatingin ang mga mata ni Aizan.

Hmm.. Ano pa ba ang iniexpect mo Precious? Na sa'yo siya titingin? Gaga! Adan ang hanap niya hindi Eva na kagaya mo.

"You like him." Mabilis na tumiklas pataas ang kilay ni Precious ng marinig  ang madiing usal ni Aizan.

"What?"

"You like him. Wag mo ng i-deny, halatang-halata naman. Feeling ko nga kaunti nalang at matunaw na talaga ang lalaking yan."

Anong pinagsasabi ng baklang to?

Nakakunot ang noo na sinalubong ko ang nang aakusang tingin ni Aizan. 

"What are you talking about? Hindi kita maintindihan Aizan?" Naguguluhang tanong ko.

"Tsk."

Ano ba kasi ang iniisip ng baklang to? Oh my god! Kaagad akong napalingon sa lalaking may dalang puppy, at nairitang sinalubong ko ulit ang nang aakusang tingin ni Aizan. Don't tell me ang nasa isip ko ngayon ay ang naisip niya kaya ko tinitignan daw ang lalaking yan?

"Wtf?! Mali ang iniisip mo Aizan! Diko type ang lalaking yan." Nagpipigil ng tawa na saad ko. Mabilis naman niya akong inirapan.

"So indenial."

"Aizan, di ako nagdedeny nagsasabi lang talaga ako ng totoo. Tsaka diko type yong mga ganyang lalaki,"

"Yeah. And Pigs can fly."

"Well, nagsasabi ako ng totoo-"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang sinabi ko. Di pa ako pinatapos ng bruho. Ano ba kasi ang pumasok sa utak niya at naisip niya yon.

"Nakita ko ang mga mata mo kumikinang pa nga yan ng makita ang lalaking yon." Seryoso ang mukha ni Aizan. Yong feeling na parang mapapaisip ka pag nakita mo ang seryosong mukha niya na, Bakla ba talaga to? Pag sumeryoso ang bruho, biglang nabuhay tuloy ang pag asa sa puso ko. Na baka pwede pa, ang lalaki niya kasi umasta ngayon. Ibang-iba sa Aizan na nakasanayan ko.

"Kumikinang yong mata ko kasi nakita ko yong alaga niyang puppy na ang cute cute." Nakangiteng saad ko sa nakabusungot na si Aizan.

"Baka naman kasi nakita mo yong nag alaga ng puppy kaya kuminang yang mga mata mo." Angal pa niya.

Aizan, tama na please. You sounds like a jealous boyfriend. Wag kang ano baka lalo akong umaasa na pwede ka pa talagang maging Adan.

"Diko nga sabi type yang lalaking yan. Ang puppy na dala lang niya ang sinundan ko ng tingin di ang lalaking yan."

Naniniguradong tinitigan pa ako ni Aizan  sa mata as if binabasa niya ang mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Tsk. Ba't nga ba Aizan? Obvious na obvious ka na talaga, curious na curious sa lovelife ko ah."

Mabilis na napaiwas tingin naman si Aizan sa nang aasar na tingin ko.

"Yes, Super curious ko nga,naisip ko kasi na baka tama ang instinct ko." Nakasimangot na saad niya.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon