Chapter 16

28.1K 765 127
                                    

Kaagad akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman ko na naman na parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali dali akong tumakbo papunta ng bathroom at nilabas ang lahat. Wala sa sariling napahawak pa ako saulo ng mahilo pa ako. Wala namang lumalabas kundi puro laway lang.
Napakapit ako ng mahigpit sa bowl para hindi ako matumba.

Shet! What happened to me? Since last week I started throwing up every morning. Hindi naman ako lasing.

Bumukas naman ang pinto ng banyo at pumasok doon ang nag alalang mukha ng Yaya ko.

"Hija?! Juskoo ba't ang putla mo? Anong nangyari sayo?!" Taranta itong lumapit sa akin.

"Yaya .."

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Kinakapa kapa  pa nito ang sa may leeg at sa noo ko kung mainit ba ako.

"Wala ka namang lagnat, bakit ka nagsusuka?"

"I'm okay Yaya. Baka sumama lang ang tummy ko sa kinain ko kahapon," Palusot ko pa rito at inaalalayan naman ako nito.

Habang  naghilamos ako napansin ko naman ang nang uusig na tingin ni Yaya mula sa kama ko. 

Nanghihinang lumabas ako sa banyo at umupo sa kama na kung saan nakaupo din si Yaya.

" Oh ito na... Uminom ka muna,"

Walang imik na sumunod naman ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ako nagkakaganito. Last week pa to e, then every morning pa akong magsusuka. Kaya pagpasok sa school hinang hina na ako at minsan pa ay mahuhuli na natutulog sa klase.

"Anong nangyari sayo hija? Wala ka namang lagnat-"

"I think I'm d-dying Yaya,"

"Jusko! Ano ba ang pinagsasabi mong bata ka." Saway pa nito sa sinabi ko.

"Ano ba kasi ang kinain mo kagabi, at nagkaganyan ka? Baka naman naging sensitive na yang tummy mo,"

"Yaya, Last week pa to. Nahihilo at nagsusuka ako, tas napapadalas pa ang pagiging sleepy ko."

Nailang naman ako nang mapansin ang matiim na titig ni Yaya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin dito.

"Please Yaya, Nakakailang ka na." Saad ko rito at nag iwas tingin.

"Precious, Wala ka namang boyfriend diba? Birhen ka pa naman diba?"

Naguguluhang napatingin ako kay Yaya sa naging tanong niya. Bakit naman nasali ang virginity dito?

"A-anong klaseng t-tanong yan Yaya,"

"Sagutin mo ako Precious Skylane.."

Napakagat labi naman ako nang marinig ang kompleto kong pangalan. Seryoso na si Yaya pag ganyan siya.

"Yaya.. I'm hungry-"

"Sagutin mo muna ako. You can eat later." Napansin ko sa boses niya na medyo napikon na siya sa mga alibi ko.

"I'm hungry," Siguro masyado na akong oa ngayon kasi nagugutom lang ako pero parang  nanunubig na ang mga mata ko.

Shet! Ano na nangyari sa akin?! Ang oa ko na.

"Precious,"

" Y-yaya. I don't have b-boyfriend but I am not innocent anymore." Nauutal na sabi ko napakagat naman ako sa labi ko nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko. Shet! Nagugutom na kasi ako.

Gulat na gulat na tinignan ako ni Yaya lalo na nang makita ang luha ko.

"W-who's the boy?"

"Si Aizan,"

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now