Chapter 37

23K 669 19
                                    

Napangite si Aizan habang tinitignan ang batang nasa harap niya na maganang kumain ng ice cream. Kung sa mukha ay nasa kanya ang lahat ng features nito. Sa attitude at mga favorites naman nito ay halos kay Precious naman. Mahilig ito sa Ice cream na kagaya din ni Precious.

"Thank you Daddy,"

"You're welcome, Baby."

Kasalukuyang nasa isang Ice cream shop sila ngayon. Kanena kasi nang dumating siya. Nag bebeg pa ito sa kanya na sana ibili siya nito ng Ice cream. Gusto pa niya sanang isama si Precious, kaso natutulog pa daw kaya naman silang dalawa lang ni Ieasis. Di naman tumutol ang Grandma nito na tinanguan siya at wag lang daw magtatagal. Baka magising si Precious at hahanapin nito ang anak.

Hindi mapigilan ni Aizan ang ma guilt sa ginawa niya noon kay Precious. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin para makabawi sa katarantaduhan niya noon. Kaya naman sa ngayon, sinimulan na niya ang dapat niyang gawin. Gusto niyang maging okay pa sila ni Precious, hindi lang para sa bata kundi para din sa kanilang dalawa. Dahil sa nakalipas na ilang taong hindi niya nakakasama si Precious may emosyong namumuo sa puso niya na noon ay hindi niya pa pinagtuonan ng pansin. Na sa tuwing binabalewala niya ang emosyong ito mas lalo lang itong lalabas.

"Daddy?"

"Y-yes Baby?"

"Are you listening?"

"Yes."

"Hmm.." Parang di pa ito kumbinsido sa sinabi niya.

"Where are we?"

"Hehe. Sabi ko na, di nakikinig." Natawa pa itong tinignan siya.

Hilaw na ngumite naman siya rito at napakamot sa ulo. Bakit naman kasi kung saan saan na napupunta ang isip ko.

"This is our First Date together Daddy. I hope next time, kasama na si Mommy."

"Ofcourse. Next time Baby."

"Yehey!"

"Sige na finish your food. Baka hinahanap ka na tayo ng Mommy mo."

"Okay po,"

"Daddy?"

"Hmm?"

"Saan po yung sa inyo?"

"Sa kabilang Village baby-"

"Can we go there po?"

Nagulat naman si Aizan sa inaakto ni Ieasis. Siguro curious lang ito sa kung saan siya nakatira.

"Ah hehe. I'm just kidd-"

"Sure. Finish your ice cream first, tas pupunta tayo sa bahay."

"Woah. Daddy?!"

"Haha. Sige na, para maka alis na tayo."

Mabilis naman nitong nilantakan ang ice cream nito. Natatawa pa siya na pinupunasan ang labi ng anak. Hindi naman nakawala sa mga mata ni Aizan ang mga tingin ng mga taong nasa paligid nila. Nakangite ang mga ito na parang aliw aliw sa kanilang mag ama. May mga babae pang nagtatanong kung kapatid niya ba ang bata na sinagot naman niya na anak niya si Ieasis.


"We're here baby."

"Woah. Ang laki po ng House niyo Daddy." Manghang mangha si Ieasis na tinitignan ang bahay nila. Napangite naman si Aizan sa mukha ng anak.

"Let's go inside." Hawak niya sa kamay si Ieasis na pumasok sila sa kanilang bahay.
Gulat namang napapatingin ang mga kasambahay nila at binati sila.

"Good Morning Sir,"

"Sino ang batang iyan Sir?" Hindi napigilan ng Nanay Perla niya ang mag tanong nang makita si Ieasis.

"Hello po Nanay, Siya po si Ieasis Prezane. Anak ko po."

"Ha? Kailan ka pa nagkaanak? Alam ba ito ng mga magulang-"

"Shh. Mahabang storya po. Aakyat lang po kami sa taas. May ipapakita lang ako sa anak ko."

"Hello po." Magalang naman na bati ni Ieasis. Napayuko pa ito na nagpapangite sa mga kasambahay nila.

"Let's go upstairs Baby. May ipapakita ako sa iyo." Tumango lang ito sa kanya.

Napahinto sila sa isang pink door na sa labas palang ay parang kwarto na ng isang Barbie.

"Wow."

"Just push-" Hindi na siya pinapatapos ni Ieasis at marahan nitong tinulak ang pinto ng kwarto. Bumukas naman ito at bumungad sa kanila ang kumpletong collection ng mga Barbie at ang kulay pink na sa loob nito. Pati na ang Kama at ang lapag. Napanganga naman si Ieasis na tinitignan ang bawat sulok ng kwarto lalo na nang makita ang mga naka frame na picture nito na nasa isang wall.

"Oh my god! Ako po ba yan Daddy,"

"Yes."

Mabilis itong tumakbo papunta sa kama at humiga pa ito.

"I love it!"

Napangite siya sa kasiyahan na bumabahid sa mukha ng anak. Ang saya saya niya ngayon kasi natutuwa ito sa ginawa niya. Mula paman noon nakasunod na siya kila Precious. Siguro dahil sa kagagohan natatakot siya noon na baka pag malaman ng mga to na  nakasunod lang siya sa mga to ay baka ilalayo nito si Ieasis. At baka di na niya makita pa si Precious, kaya kahit nasa malayo palihim siyang nakasunod sa dalawa sa lahat ng nangyari sa buhay ni Precious alam niya ang bawat detalye ng mga to. Ang paghihirap nito ng ilanh buwan. At ang pagpapanganak nito. Lahat ng iyon ay nasaksihan niya. Siya din ang palaging annonumous sender ng regalo na palaging matatanggap ni Ieasis sa araw ng kaarawan nito.

"This room is heaven! Who's room-"

"Ofcourse. It's yours Baby."

"Woah. Why po?"

"You are my Princess. And you deserve these all."

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now