Chapter 17

28.3K 807 74
                                    

Nang makumpirma kong buntis talaga ako. Wala sa sariling pumasok parin ako sa klase. Buti nalang at may mga concealer ako sa bahay na makakatulong sa mga namamaga kong mga mata sanhi ng pag iyak ko kanena. Masyado pa akong bata sa bagay na ito. Bakla pa ang nakabuntis sa akin. Ba't naman kasi di gumamit si Aizan ng condom.

Nang makita ko ang 5 PT na iisa lang ang resulta, samot saring emosyon ang lumulukob sa akin. SAYA. TAKOT at KABA.

Saya kasi may baby na palang nabubuhay sa tummy ko. At kaya pala ganun ako noong mga nakaraang araw kasi may little Precious na ako. Takot kasi di pa ako handa nito, Ano nalang ang sasabihin nila Mommy at Daddy. At Kaba kasi bakit naman kasi ganun pa ang nangyari. Bakit ba naman kasi sonrang swerte ko ata sa buhay. Kasi isang beses lang may nangyari sa amin ni Aizan nagbunga pa. Tama nga si Yaya, ang isang gabing pagkakamali na yon ay maaring makapagbago ng buhay ko.

Habang nagmumuni ako kanena sa kwarto diko naman ata kayanin na ipa abort tong baby na'to. Ayoko. Bahala na kung anong mangyari sa akin. Eh kekeep ko siya. Dugo't laman ko tong batang to. At mahal ko na to kahit diko pa ito nakikita. Siguro ganun nga siguro pag naging ina ka na.

Diko naman mapigilang maluha nang marinig ko ang sinabi ni Yaya kanena. Na maiintindihan lang ako nila Mommy at Daddy, Hays sana nga.

Inis na nilingon ko si Mertylle nang maramdaman ko ang mabigat nitong palad na humampas sa balikat ko.

"Ouch!"

"Hehe. Masakit? Sorry na hehe,"

Inis na inirapan ko naman ito na tinawanan niya lang. Ano bang problema nitong babaeng to.

"Sasakalin kaya kita tapos sasabihin kung huminga ka,"

"Luh. Ang sungit! Kanena ka pa kasi kumakain niyan di ka ba naasiman?" saad nito at tinignan pa ang mangga na nasa harap ko.

"No."

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba ngayon Beshy?"

Tinignan ko naman ito ng masama nang kinakablit na naman ako nito.

"Magsalita ka kasi. Kanena kapa tahimik e,"

"Wala naman kasi akong masabi." Balewalang sagot niya rito at nag focus na ulit sa mangga na nasa harap niya.

"Precious, kanena ka pa kumakain niyan. Baka sasakit ang tiyan mo niyan hindi ka man lang kumain ng burger puro mangga nalang ang kinain mo. Nakakasama sa tiyan yan." Nanginig naman ang tuhod ni Precious sa narinig kay Aizan. Nahahalata kasi sa boses nito na nag alala ito sa kinain niya. Mabilis naman siyang napangiwi sa naamoy na burger na nilahad ni Aizan.

"Yuck. Itapon muna yan Aizan, ang baho." Aniya at tinatakpan pa ang ilong.

Kumunot naman ang noo ni Aizan sa sinabi niya inamoy pa nito ang burger at tinignan siya ulit.

"Pinagloloko mo ba ako Precious, bago luto ang burger na ito. Favorite mo nga to e, Sige na tanggapin muna ito."

"I'm serious. Baka hindi niyo lang siya masyadong na smell. Just throw it away. Baka sasama pa ang tummy niyo pag kakainin niyo pa yan."

Naguguluhan man ay binaba nalang ito ni Aizan at tinignan siya ulit.

"Okay, Ano nalang ba ang gusto mong kainin?"

Lumilingon lingon pa siya na parang tinitignan pa kung ano ang masarap kainin at nang mapadako ang mga mata niya sa isang maliit na box na icecream sa harap ni Aizan mabilis na naman siyang naglaway.

"A-Aizan? Hehe. Masarap ba ang Ice cream?"
Takam na takam siyang nakatingin sa ice cream na nasa table ni Aizan. Nakita naman niyang nangangalahati pa ito. Malaki ang ngumite siya sa kaibigan.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now