Chapter 29

29.8K 736 17
                                    

After that night, hindi na mawala wala sa mga labi ni Ieasis ang pangalan ni Aizan. Palagi nalang nitong bukambibig si Aizan. Kung kailan pa ba bibisita si Aizan dito.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang paghaharap naming tatlo. Hindi ko namang mapigilang magbuntong hininga habang iniisip ang sinabi ni Ieasis noong nakaraan na pamilyar sa kanya ang mukha ni Aizan.

Kahit nga si Aizan noon ay parang hindi din alam kung ano ang isasagot tumitingin lang ito sa akin upang makahingi ng tulong.

Pagkatapos din ng gabing iyon, hindi na bumisita pa si Aizan. At heto na naman ang puso ko. Bumabalik na naman sakit sa nangyari noon.

Kasalukuyan akong nakaupo sa pool habang nakababad naman ang mga paa ko sa tubig. Nang maramdaman ko ang mga maliliit na braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Napangite naman ako nang maamoy ko ang mabangong buhok nito.

"Awe! Mommy, Bat hindi mo ako sabihan na mag swimming ka ngayon?" Nakapout na anito.

Natawa na naman ako sa tagalog nito. Hinaplos ko nalang ang buhok nito at inakay paupo sa lap ko.

"Baby, busy ka kasi kila Grandma at Grandpa mo. Kaya ako nalang muna. Tsaka si Tita Jeriya mo? Nakita mo ba siya?"

Umiiling naman ito, "But, Sabi po nila Grandma at Grandpa na nagshopping daw si Tita Jeriya."

"Ah kaya pala."

"Mommy?"

"Hmm?"

"Kaibigan mo po talaga si Tito Aizan? So kung ganun po pwede ko siyang tawaging Daddy Aizan?" Nanlaki ang mga matang napalingon ako rito.

"What are you saying, Ieasis Prezane? Anong Daddy ang pinagsasabi mo, H-Hindi mo Daddy-"

"Mommy, wala naman sigurong masama kasi friend naman kayo ni Tito. Tsaka isa pa, comfy ako sa kanya. Tas familiar pa yung mukha niya sa akin."

"Still-"

"Bawal po ba,Mommy?" Nanunubig na ang mga mata nitong tinignan ako. Para namang may humaplos sa puso ko nang makita ang panunubig ng mga mata ng anak ko.

"Baby, it's not that. Baka ayaw ni Aizan-"

"Nah. I would love to." Mabilis na napalingon kami sa pinang galingan ng boses na iyon. At napaawang ang mga labi ko nang makita si Aizan na nakatayo na may dalang foods.

"Oh my moooo. Tito Aizan?! You're here!" Mabilis na tumakbo si Ieasis papalapit kay Aizan. Mabilis nag yakapan ang dalawa sa harap ko. Kay gandang tignan na magkayakap ang mag ama ko sa harap ko. Ang anak ko na walang kaalam alam na ang kayakap niya ngayon ang ama niya. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pagtulo ng luha ni Aizan habang tinitignan ako at niyakap na niyakap si Ieasis.

"I've been waiting for you, Tito."

"Talaga? Sorry ngayon lang ako nabisita ulit. Medyo busy kasi ako lately-"

"It's okay, Tito. You are here already. I'm so happy."

"Tito? Akala ko ba, Daddy?"

Nagliwanag naman ang mukha ni Ieasis sa narinig kay Aizan.

"Is it okay po?"

Malaki ang ngite ni Aizan na tinanguan si Ieasis.

"Awe! Thank you, D-Daddy Aizan."

"I miss you."

"I miss you too po."

Nag ngitian na ang dalawa at nagyakapan na ulit. Bakit ganito sila? Para bang matagal na silang magkakilala? Hindi ito ang inaasahan ko. Bakit ganito ang anak ko?

"Ehem."

"Here." Anito at itinaas ang plastic bags na dala niya.

"Woah. My favorite!"

Napatingin naman si Aizan sa gilid ng pool na may table. Mabilis itong naglakad doon at binaba ang mga plastic bags na dala niya.

"Come here, Ieasis baby. Let's eat." Aniya bago tumingin sa akin.

"Precious,"

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita pa at sinundan ko na agad si Ieasis. Umupo ako sa tabi ni Ieasis habang si Aizan naman ay nilalabas na ang mga pinamili niya.

Ilang minuto din kaming kumakain habang si Aizan at Ieasis lang ang nag uusap. Lumalabas na naman ang pagmadaldal ni Ieasis. Habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Kung hindi siguro ako pinagtabuyan ni Aizan noon, siguro masayang masaya kami ngayon. Siguro kumpleto kami. Siguro kilala na nang baby ko ang Ama niya. At siguro-

"Mommy? Are you listening?" Kahit wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila kasi nga malalim ang iniisip ko ay tumango lang ako rito. Si Aizan naman ay titig na titig sa akin. Nag iwas nalang ako nang tingin para hindi niya mahalata na naiilang ako.

"Yehey! Sabi sayo Daddy eh! Okay lang kay Mommy na everyday ka ng pumunta rito." Naguguluhang napatingin ako kay Ieasis sa narinig ko sa kanya.

"Baby? What are you saying?"

"Mommy, wala ng bawian. Nag nod kana kanena."

Kunot ang noo na nilingon ko si Aizan na nginisian ako. What the?! So kung ganun, araw araw ko nang makita ang pagmumukha ng bading- no hindi na pala ito bading kasi lalaking lalaki na ito.

"Daddy, after natin kumain. Let's play po. Anong oras po kayo uuwi?" Tanong pa ni Ieasis rito.

"Uhm. Mamayang gabi pa Baby,"

"Yehey!"

Hindi nalang ako nagsalita at pinakinggan ko nalang sila. Baka may matanong na naman si Ieasis at mapatango na naman ako. Maya maya lang rin ay tumayo na silang dalawa para maglaro. Habang naiwan naman akong naglinis sa kalat sa table. Nang dumating naman si Mommy na nakangite.

"Hi, Baby! Naliligo ka ba or nag lilinis rito na naka bikini?" Mabilis na nanlamig naman ang katawan ko sa narinig kay Mommy.

Shit! I was naked infront of Aizan! Kahit na sabihin nating naka bikini naman talaga ako pero naked parin ito sa akin. Paano ko naman kasi nakalimutan na naliligo ako kanena sa pool. Namumula ang mukhang tinignan ko si Mommy namay pang aasar na tingin.

"Don't worry Baby, Model ka naman sa Paris, So dapat lang-"

"Waaahhh.. Mommy! I'm so stupid!"

"Haha.. Iba talaga shshshwh."

"Pardon, Mommy?"

"Wala, Baby. Haha. Sinabi ko lang na magbihis ka para di ka lamigin."

Weird na nginitian ako nito bago nagpaalam na aakyat na siya sa kwarto niya at magpahinga hindi ko naman mapigilan ang weird na sinabi ni Mommy bago siya umalis.

"So may Daddy na si Ieasis."

May alam ba siya tungkol sa amin ni Aizan?Impossible naman ata, kasi hindi ko ito inamin kay Mommy. Pero what if, alam niya talaga ang lahat ng ito?

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now