Chapter 48

10.3K 330 52
                                    

"Alam mo ba to Jerome?!" Napupuyos sa galit na nilapitan niya si Jerome na ngayon ay nakaupo na sa kama katabi ang anak niya.

"Ano bang pinagsasabi mo Precious? Hindi ko alam na si AC at Aizan ay iisa. Pero hindi ko maiikaila na unang kita ko palang sa kanya ang weird na niya. Hindi ko naman alam na siya at si Aizan ay iisa lang. Kung alam ko lang, matagal ko na sanang inamin sa'yo." Kalmadong paliwanag nito sa kanya bago lumabas sa kwarto nila. Sinusundan nalang niya ito ng  tingin bago umupo sa tabi ng anak niya na kanena pa siya tinitignan.

"Mommy?"

Wala siyang lakas na sagutin ito kaya nilingon niya lang ang anak na hinawakan ang mga kamay niya.

"What happened po?  What are you fighting po? Why po?" Inosenteng tanong ng anak niya na nagpaluha sa kanya.

Niyayakap nalang niya ito nang mahigpit at mahinang binulongan na okay lang siya at hindi sila nag aaway ni Jerome.

"I saw you earlier po. You're so mad. You even slapped Tita AC. What's wrong po, Mommy?" Napapikit nalang si Precious sa naritinig sa anak. Bakit naman kasi hindi niya napigilan ang sariling saktan si Aizan sa harap pa ng anak niya buti nalang talaga hindi nito nakilala ang ama. May kaunting make up pa naman kasi ito si Aizan kanena kaya hindi ito masyadong nakilala ng anak. Pero siya na kasama ito at ilang taon ng minahal, kilalang kilala na niya ang pagkatao nito. Hindi nga lang niya matanggap na naloloko siya ni Aizan. Kahit pa aminin nating parang may humaplos sa puso niya nang marinig ang paliwanag nito. Hinayaan niya parin ang isip niya ang kumontrol sa kanya. Ayaw na niyang maging tanga. At ayaw niyang kalabanin ang Daddy niya. Gusto niyang matuto si Aizan at pag bibigay siya agad baka maging kampante ito na gagohin na naman siya.

"Nothing, baby. Kalimutan mo nalang iyon at mag pahinga ka muna." Aniya at hinalikan sa noo ang anak.

Hindi naman ito umimik pa at hinayaan nalang siyang lumabas sa kwarto nila. Nais niyang kausapin si Jerome at humingi ng tawad rito sa nagawa niya kanena rito. Kampante naman siyang iwan muna ang anak na nasa kwarto kasi alam niyang hindi ito lalabas pag hindi niya sinabi.

Natagpuan naman niya si Jerome na nakaupo sa loob ng bar ng Resort nila. Tahimik iting umiinom at panay ang sulyap sa phone nito. Kaagad niya itong nilapitan. Inirapan naman siya nito nang makita siya g umpo sa tabi nito.

"Jerome, sorry na."

"Tsk." Pagsusungit pa nito sa kanya at sabay inom sa drinks nito.

"Nadala lang ako ng galit. Hindi ko naman kasi sinasadyang sigawan ka kanena. Sorry na."

"Tsk. Sige yan, pagmamaldita mo tas makokonsensya ka lang rin pala. Buti naman may konsensya ka pang bruha ka."

"Hays! Pumunta lang talaga ako rito kasi gusto ko mag sorry."

"So, ano ng plano mo ngayon?"

"Ewan."

"Magplano ka na. Anong gagawin mo kay Aizan? Di mo siya papatawarin?"

Natahimik naman si Precious sa narinig. Ano nga bang gagawin niya?

"Or naka gusto mong tawagan ko si Tito-"

"No."

"Woahh."

"Wag na. Dapat hindi ito malalaman ni Daddy."

"Oh? Bakit naman? Diba para wala ka ng problema sa kanya tatawagan natin si Tito-"

"Hindi nga dapat ito malaman ni Daddy."

"At bakit naman? Wala kang plano-"

"Baka saktan siya ni Daddy! Ayokong saktan siya ni Daddy."

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now