Chapter 12

25.7K 761 68
                                    

"Sh*t! Ikaw ba talaga yan Precious!"Bungad sa akin ni Mertylle pagkapasok ko sa kotse nila.

"Ay! Hindi po. Kaluluwa ko lang po ito," Mabilis naman akong binatukan ng bruha.

"Sh*t! Pag ako maka hampas sa'yo Mertylle! Goodluck nalang talaga." Naasar na saad ko. Hays! Ang lakas kasi mangbatok nitong Mertylle na'to.

"Eh. Umayos ka kasi! Ang sexy sexy mo ngayon tas ganyan ka pa sumagot. May kaluluwa bang makita ha? Hays!" Sagot pa niya.

"Tsk."

"Eh nanibago lang kasi ako sa'yo! Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyan! You're not a fan of short-shorts!" Litanya niya pa. Walang imik na inirapan ko nalang siya.

"Shh. Nagbabago ang tao. Shh."

Hays! Ano bang problema ng mga tao ngayon, nagbabago kaya ang tao. Kahit sila mommy at daddy, Nagulat din sa suot ko. Masyadong oa lang talaga tong bestfriend ko. Akala pa nila mommy at daddy may boyfriend na akong pinapagandahan. Di nila alam bakla ang gusto ko.

"Hays! Grabe talaga! Maraming boys mamaya! Baka malaman ko nalang kinabukasan na ang nag iisang kaibigan kong si Precious, dahil sa kasexy-sexyhan najuntis ng walang ama."

"Jusko! You're overthinking again. Nagsuot lang ng ganito mabuntis na agad? Diba pwedeng trip ko lang talaga mag suot nito? Tas di pa ba tayo aalis? Malapit ng mag 7pm oh,"

"Hays! Ewan ko sa'yo! Eto na po kamahalan. Magdadrive na!" Tinawanan ko nalnag si Mertylle na inirapan pa ako.

So ito na, pupunta na kami sa bahay nila Aizan.

Aizan Ford Sandoval is the only son of Mrs. Margareth Sandoval and Mr. Aizxan Sandoval. His parents are popular here in Philippines. His Mom is a Fashion Designer, while his Dad is a Businessman. I've met tita and tito, at ang masasabi ko they are great! Tangap nila si Aizan kung ano at sino si Aizan. Tanggap nila wholeheartedly ang pagiging sirena nito. Naalala ko pa noon nang ipinakilala kami ni Aizan sa mga magulang niya. Diko pa nakakalimutan ang sinabi ni Tita, eh seduce ko daw yung unico hijo niya para maging lalaki daw si Aizan.

Pero sad to say, lalaki talaga ang gusto ni Aizan. Kahit ilang beses pa siyang eh seduce ng mga kaklase naming babae. Hays! Lalaki parin talaga ang gusto niya! Adan parin! Naalala ko pa noon na aside from me, may isang babae ding gustong gusto siya tas deadma lang si Aizan dito. See, kawawa. Kagaya ko, kawawang Precious.

Napabalik tanaw ako nang mapansin kong napahinto na ang kotse at bumaba na pala si Mertylle. Tinaasan nan ako ng kilay ni Mertylle nang makitang bumaba na ako sa kotse niya.

Malaking malaki ang bahay nila Aizan, no mansion. Yes, malaking mansion. Hindi na kami hiningian ng invitation cards ni manong guard eh kilala na naman niya kami.

"Besh, daming bisita.." bulong ni Mertylle sa tabi ko ng makapasok na kami. At bumungad sa aming ang mga familiar na mukha ng mga kaklase namin.

"Bwiseta."

Napayuko naman ako ng wala sa oras nang mapansin ko ang mg titig ng mg bwiseta ni Aizan. Shish! Asan na ba kasi si Aizan.

"Shish! Beshy, center of attraction lang ang peg!" Rinig kong bulong ni Mertylle.

"Tsk. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakashort? Nakashort rin naman yung iba ah," naasar nasagot ko sa kanya.

"Iba kasi ang ganda mo gurl, wait si Aiza yun! Hey! Baklaaa! Nandito kami!" Parang tanga na kumakaway pa si Mertylle. Nakita nman kami ni Aizan kasi kaagad naman itong nglakad papunta sa pwesto namin.

Shish! Ang gwapo niya ngayon.

"Hi." Nakangiteng saad ni Aizan sa amin.

"Aw! Happy Birthday, Aiza!" Sabi ni Mertylle sabay lahad ng gift niya. Wait?! May gift siya? Ba't diko na pansin yun kanena.

"Waahhh. Thank you, Beshy." Nagbeso beso pa ang dalawa bago lumingon si Aizan sa akin. Ngumite muna ito at pinagpasadahan ako ng tingin. Kaagad naman akong nahiya. Fvdge! Naramdaman ko ang pag iinit ng pisnge ko. Wahhh.

"Ganda natin ngayon ah. Pero bet ko yung OOTD mo ngayon beshy, bagay na bagay sa akin yan," Kaagad na natawa naman si Mertylle, habang ngiteng ngite naman si Aizan.

"Tsk." Nawala ang mga ngite ko sa narinig ko kay Aizan. Seriously?!

"Maupo muna kayo, hali kayo." At parang nakuryente naman ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni Aizan na hinahawakan ako sa beywang. Shish! Aizan wag kang paasa pleaseee.

"Nagdadalaga ka na talaga Beshy," rinig ko pang bulong niya. Lihim na napapikit naman ako sa ginagawa niya. Sh*t!

"Ken!" tawag ni Aizan sa waiter na dumaan sa harap namin. Wow! Hindi na ko manibago kung kilala na niya lahat ng boylets dito. Infairness, pogi si Kuya. Pero mas pogi si Aizan. Huhuhu.

"Ano po yun Sir?" Muntik na akong matawa sa sagot ng waiter.

"Ken alam mo naman ang table nila Melmar diba,Dalhin mo ang mga beshy ko dun, please..." Pormal at seryoso ang mukha na saad ni Aizan. Himala hindi siya nag react ha na tinawag siya ng SIR. Haha. Nakakapanibago.

Ngumite naman ang waiter sa kanya at tinanguan pa siya. "Dito po tayo,Miss.." magalang na sabi nito.

"Susunod na ako.." Parang naiintindihan na niya ang pag tingin ko sa kanya. Akmang susunod na ako kila Mertylle nang marinig ko ang pag tawag niya sa akin.

"Precious, you're so beautiful."

Parang huminto ang oras at tanging ang pag pintig lang ng puso ko ang tanging naririnig ko sa mga oras na yon. Gusto kong sumigaw at manghampas kaso malayo na sila Mertylle. Kaya nginitian ko nalang siya at sinundan na ang dalawa. Sh*t! Hulog na hulog na ako...

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now