Chapter 1

104K 1.4K 257
                                    

"GOSH! Mga bruha kanena ko pa kayo hinahanap nandito lang pala kayo?!" maarteng sabi ng bading na kararating palang.

"Aiza, Please minimize your voice. Nagrereview kami." sigaw ng bestfriend kong si Mertylle.

Napangite ako ng palihim nang makita kong umirap ang baklang kararating palang kay Mertylle,dahil sa pagsasaway nito sa kanya. Nagdadabog pa itong umupo sa tabi ko.

Bago ko simulan ang lahat, Ako nga pala si Precious Skylane Perez. Ang nag iisang babaeng nangangarap na maging Lalaki ang baklang na sa aking tabi.

At ang dalawang bruhang kasama ko ngayong na nagrereview ay walang iba kundi ang mga Bestfriends ko na sina, Mertylle Jane Pressman, at ang baklang lihim kong iniibig na si Aizan Gale Reid sa UMAGA at AIZA sa gabi.

First year college palang ako noon nang makilala at naging kaibigan ko ang dalawang to. Masasabi kong ang dalawang to talaga ang pinaka sa lahat, Pinaka baliw, pinaka sira, at pinaka close ko sa University namin. Well, hindi lang naman kasi sila Literal na kaibigan ko, Kasi mga Bestfriends ko naman kasi sila. Sila rin kasi ang tipo ng kaibigan na hindi plastic, kahit na may isa sa amin na malandi, which is si Aizan. Pero kahit na pabading-bading yan, mahal na mahal ko yan, Matagal ko na siyang gusto, pero wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko. At mabuti na nga ring sigurong ililihim ko nalang to, kay sa malaman niya at magkaka-ilangan lang kami, Ayoko rin naman ng ganun. Yung gusto ko kasi, yung ganito, walang ilangan at nagkakasundo kaming tatlo.

Nandito pala kami sa tambayan namin. At kasalukuyan kaming nakaupo sa mga bench na naka pwesto sa ilalim ng mga kahoy ng Narra. Dito namin napiling mag rereview kasi tahimik rito, at mas magrerelax kami rito dahil sa sariwang hangin na nalalanghap namin. At Mula rin rito sa ino upuan namin, kitang-kita ang Soccer Field ng University. Na pabor na pabor naman sa parte ni Aizan. Kasi mas gaganahan daw siyang mag rereview habang paligaw-ligaw tingin sa mga Adan na naglalaro.

"Tama ba itong nakikita ko Precious! Dalaga ka na! Tumitingin tingin kana sa mga Adan ha! Hmm. Precious sinong BET mo dyan!? "malanding tanong ni Aizan sabay hampas sa balikat ko.

Bruha! Ikaw yung GUSTO ko! Tsk.! Manhid! Tas ano daw tumitingin ba ako dun ? Eh yung Soccer Field kaya yung tinignan ko hindi yung mga Soccer PLAYERS TSK.

Walang ganang iniripan ko siya, at walang ganang hinarap ang mga books ko, wala akong balak patulan ang baklang to ngayon. Marami pa akong lesson na iisipin para sa isasagot ko mamaya.

"Ay, Dineadma ang BEAUTY ko." Bulong ng bakla na narinig ko naman.

"Aiza! Wag ka ngang mang asar sa bff natin badtrip pa naman yan ngayon." sabat naman ni Mertylle na nakaupo sa kaharap kong upuan.

"Huh? Why ? Bat naman badtrip ka Beshy?" Nakakunoot noo na tanong ni Aizan sa akin.

Wala lang naman AIZAN! Sadyang malandi ka lang kaya nabadtrip ako sayo!

"It's none of your business" Masungit na sabi ko sa baklang nakaupo sa tabi ko.

"Sungit mo naman Beshy, meron ka ba ngayon? Don't worry Beshy, marami pa naman akong Extra Pads sa bag ko." nakangiseng ani nito.

Hindi ko naman siya sinagot.

"Tumahimik ka nalang kasi Aiza, Badtrip yan kasi nilapitan siya ni Henry kanena." sabi ni Mertylle dito,

"What?!." Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Aizan.

Napatakip naman ako sa tenga ko nang wala sa oras. Grrr. May balak ba siyang basagin ang eardrums ko?Psh.

"Wag ka ngang overreacting Aizan! Ang sakit sa tenga yang matinis mong boses alam mo ba yun?! " Nakatakip sa tenga na sigaw ko rito.

Pero ang bakla hindi pinansin ang sinabi ko. Bagkus ay naghehysterical pang sumigaw ulit.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon