Chapter 6

25.3K 688 29
                                    

"Hi Beshy," masayang bati ni Mertylle sa akin na tinanguan ko lang.

"Besh?"

"Beshy?!"

Masama ang tingin na nilingon ko si Mertylle na malaki ang ngiseng sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"Ano ba kasi yon, Beshy Mertylle, di mo ba nakikitang nagbaba-"

"Shh. Mamaya na kasi yan, marami ka pang oras para diyan, may eh kwento kasi ako, kaya humarap ka muna sa akin. Ikaw ha! Nagseselos na talaga ako sa mga librong yan! Halos yan nalang ang palagi mong inaatupag, di na ang friendship natin!" Mabilis na inirapan ko naman ang nagdradrama na si Mertylle sa harap ko. Kunwari pa na nagpupunas siya ng luha sa harap ko, eh alam ko naman na puro pasakit lang rin ang sasabihin niya. Walang ganang binaba ko ang librong kasalukuyan kung hawak.

"Ano ba kasi yon? Di bagay sayo tigilan mo yan."

Mabilis na ngumise naman ang bruha sa sinabi ko at lumilingon-lingon pa sa paligid bago ako hinarap na may malaking ngise.

"Eeehh. Na touch ako, love-love mo talaga ako no? Hihihi. Si Aiza kasi at si Melmar, napansin mo yon Beshy na mas naging close na sila, Alam mo bang dream come true yon sa part ng Beshy natin?" Nagkikinang ang mga mata ng bruha habang nag kwekwento sa mga nakakikilig daw na moments nila ni Aizan at Melmar, habang ako naman ay walang ganang nakinig sa mga kwento niya.

Tuwang-tuwa si Beshy Mertylle sa naging takbo ng lovelife daw ng Beshy namin, habang ako naman, lihim na nagluluksa,

"Ang saya nga."

Napakunot naman ang noo ng bruha ng marinig ang sinabi ko. Kaagad pa itong huminto sa kakasatsat.

"Masaya nga Beshy, sobrang saya. Pero ba't di yon ang nakikita ko sa mukha mo? Talaga bang wala kang gusto kay Melmar? Ba't parang-"

Mabilis na kumabog ng mabilis ang puso ko ng marinig si Beshy Mertylle. Masyado na ba akong halata?

"Yes. Diko type si Melmar, Beshy, bakit ba? Ano bang dapat kung i-react, i-dinidisturbo mo ang pagbabasa ko."

"Eys. Ikaw naman ang sungit mo talaga, mamaya mo na kasi tapusin ang binabasa mo, ngayon na nga lang ako nakipagkwentuhan sa'yo, tas susungitan mo pa ako."

"Tsk. Magdrama ka na naman ba? Nagkalovelife lang? Naging artista na, sige pagpatuloy mo yang i-kwento mo, makikinig lang ako." Wala paring ganang saad ko.

Napakamot pa sa ulo ang bruha habang nakapaskil parin sa mukha ang matatamis na ngite nito.

"May plano na din si Aiza para sa Future daw nila ni Melmar, gusto na daw niya magpa change ng sex organ Beshy, para maging ganap na siyang babae. Diba? Ang saya, unti-unti ng matutupad ang pangarap ng Beshy natin, una si Melmar, then halata namang malapit ng matupad yon lalo na't naging mas malapit na sila sa isa't isa. Hayst! I'm so happy for her." Mahabng litanya ni Beshy Mertylle.

Naiwan naman akong tulala habang tuwang-tuwa si Beshy Mertylle sa binabalita niya.

So, wala na talagang pag-asa?

Puno ng pait na ngumite ako kay Beshy Mertylle, kahit naman labag sa kalooban ko, ayoko namang sirain ang mood niya ngayon, na tuwang-tuwa siya para sa kaibigan namin. Diba, dapat matuwa rin ako, pero diko kasi talaga kaya, diko kayang matuwa, siguro tama nga sila, pag lihim kang umibig, lihim ka ring masasaktan, kung alam kaya ni Beshy Mertylle ang nararamdaman ko, matutuwa pa kaya siya? Hayst buhay!

"B-uti naman. I'm h-appy for him too." Nauutal na saad ko,

Napansin ko naman ang mga tingin ni Mertylle na parang may gusto siyang malaman. Lihim nalang akong nag iwas tingin.

"Oh my God! Beshy, si Aizan ba yan?!" Mabilis na napalingon naman ako sa tinignan ni Mertylle.

Wala sasariling napanganga ako sa taong tumatakbo papunta sa amin.

"Beshies!" sigaw nito habang tumatakbo papunta sa pwesto namin.

Para naman akong kandila na naupos sa inuupuan ko. WTF?! Aizan anong ginagawa mo sasarili mo?!

"Aiza! Ikaw ba yan?! Ang cute mo!" Mangha-manghang usal ni Beshy Mertylle sa kay Aizan na nasa harap na namin na naka pose na.

"Oh My God!"

Wala sa loob na usal ko. Napalingon naman sa akin si Aizan na nakangite parin.

"Maganda ba Beshy?" saad niya at fini-flip pa ang buhok niya. Walang sagot na lumabas sa mga bibig ko, kaya kaagad nalang na sumagot si Beshy Mertylle.

"Oo naman Beshy! Ang ganda bagay na bagay sa'yo! Hali ka nga rito, magselfie tayo. Ang ganda mo nagmumukha ka ng DIYOSA." Nilabas pa ni Beshy Mertylle ang phone niya at nagselfie pa sila ni Aizan sa harap ko. Tulala naman akong nakatingin sa mukha ni Aizan.

Wala na talagang pag-asa, may plano na siyang maging ganap na babae na talaga.

After nilang magselfie, lumingon na naman sa akin si Aizan,

"Beshy Precious, tulaley ka ata? Any comments about my hair? Wala ba akong marinig diyan na compliments?"

"Uh-huh."

"Beshy Aizan maganda nga kasi, bagay pala sayo yang mga wigs na ganyan. Dapat always ka ng mag wear ng ganyan, mas lalo kang gumanda." Saad kaagad ni Beshy Mertylle ng mapansin niyang walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Really? Eh ba't di nagsasalita si Beshy Precious, baka panget." Pagmamaktol ni Aizan.

"No. Natulaley siya sa angkin mong kagandahan. Kaya ayan siya, walang salitang namutawi sa bibig niya." Pangpacheer up pa ni Beshy Mertylle kay Aizan. Nakasimangot naman akong hinarap ni Aizan.

"Eh, gusto ko makuha ang feedbacks ni Beshy Precious. Bak-"

"You're so cute Aizan." Napipilitang saad ko. Gusto kong isigaw sa pagmumukha ni Aizan na ayoko sa bago niyang ayos, ayokong magwear siya ng wigs! Ayoko. Pero wala akong magawa, ayoko namang masasad siya, gusto ko masaya siya, bahala na yong ako nalang ang masasaktan. Ba't kasi sa bading pa.

Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Aizan ng marinig ang sinabi ko.

"Waah.. really? Yes!"

Tumango naman ako, at pilit na ngumite sa kanya. Ang hindi ko inaasahan ay ang mabilis niyang pagyakap sa akin na nakapagpatibok ng puso ko.

"Thank you Beshy, hihihi. Kasi naappreciate mo yong new look ko, excited na tuloy akong makita ni Melmar tong new look ko, siguro ma tulaley din siya kagaya mo." Masayang saad niya.

Walang imik na ngumite naman ako at pilit pinigilan ang nanunubig kung mga mata. No! I won't let it fall infront of him. Kaya para mapigilan ko ito, agad akong yumuko at niyakap din siya pabalik na nakapagtataka sa kanya.

"Sigurado akong mafall si Melmar pag makita ka niya."

Narinig ko naman ang hagikhik ni Aizan ng marinig ang sinabi ko. Masaya ang dalawa kong Beshy, habang nagluluksa naman ako sa sakit at selos. Sige pa Precious, mainlove ka pa sa bading.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon