Chapter 26

29K 846 29
                                    

"Good Morning Mommy!" Nakangiteng mukha ng Baby ko ang bumungad sa akin pagbaba ko sa kwarto ko. Niyakap naman ako nito na ginantihan ko din ng yakap.

"Good Morning Baby! Where are they?" Saad ko rito nang mapansin na tahimik ang sala.

"They are preparing for Grandpa's Birthday, Mommy."

"Awe! Kanena ka pa ba gising?" Tanong ko rito na tinanguan niya. Napansin ko naman ang magandang pagka braid ng buhok niya.

"You're so pretty Baby, this hair style perfectly suits you." Hinahaplos ko pa ang buhok nito. Napangite naman itong inangat ako ng tingin.

"Awe! Thank you Mommy, Tita Jeriya, did this."

"Awe! That's why it looks nice."

"Have you eaten yet?" Umiiling naman ito kaya inaya ko na ito sa kusina. Masaya kaming kumakain ng Baby ko nang marinig namin ang matinis na boses ni Jeriya.

"Hays! Gandang Buhay!" Natawa naman ako sa pag iinarte nitong umupo sa harap namin ng anak ko.

"Kumusta ang pag aayos? Haha kaya pa ba?" Tanong ko rito.

"Nakakastress pero kaya to para kay Tito. Sabi nila Tita, pupunta din daw yung mga babyboys mong cousins hehe. Baka ito na yung panahon na magkajowa na ako. Yey!"

"Tsk. Naniwala ka naman. Usually mga bisita ni Daddy mga kasosyo niya sa negosyo. At mga gurang ang mga yon." Pang aasar ko pa rito. Sumama naman ang mukha nito

"Hays! Nakakawalang gana." Mahinang bulong nito na narinig ko. Nginisian naman ako nito sabay sabing "joke lang". Ang baby ko naman ay natatawa sa facial expression ni Jerome. Hays!

"Precious, what if mamaya pupunta ang Ex mo?"

Muntik pa akong mabilaukan sa narinig ko kay Jerome. Mabilis na ininom ko naman ang juice na nasa harap ko. Nag alala naman ang mukha ng anak ko na tinignan ako.

"Jerome!"

"What? Haha. I'm just asking. What ifs lang naman yun. Sige na aalis na ako. Marami pa pa pala akong gawin sa labas." Anito at iniwan na kami. Pakanta kanta pa ang bakla habang naglalakad palabas ng bahay. Nasa likod ng bahay kasi daw eh heheld ang Party ni Daddy kasi mas malaki ang space doon at may papool pa.

Malalim na nagbuntong hininga naman ako nang maalala ang sinabi ni Jerome. Hays! Wag naman sana. Hindi pa ako handa.

----

Kinagabihan ito na ang party ni Daddy na kung saan marami siyang inimbita na mga kasama sa Negosyo at mangilanngilan na mga pinsan ko.

"Awe! You're so pretty, Baby!" sabi ko nang makita ang Prinsesa ko na nakatayo sa harap ko.

Nakasuot ito ng pink dress na above the knee na mas lalong nagpaputi sa kanya. Actually, matchy-matchy kami ng outfit ng Baby ko.

"You look Goddess, Mommy." 

"Sinong nagturo sayo niyan Baby? Magaling ka ng mambola ha."

"I'm not."

"Oh sige, hindi na. Anyways, pakilala kita sa mga cousins mo mamaya. Diba gusto mo yun?" Nakangite naman itong tumango. Matagal na niyang pangarap ang mameet ang mga pinsan niya at heto na nga makilala na ng mga baby ko ang mga pinsan niya later.

"I love you, Mommy."

"I love you too, Baby."

Mahigpit na nagkayakap kami ng Baby ko nang bumukas naman ang pinto at pumasok roon si Jerome na nakatingin sa amin.

"Jusko! Hindi na talaga maipagkaila na mag ina kayo! Ang gaganda niyo naman ngayon!  Lalo na ang Baby Ieasis namin, dalagang dalaga na ang dating." Lumapit ito sa amin at hinawakan sa mukha si Ieasis.

"Awe! You're so beautiful, Baby Ieasis."

"Thank you, Tita Jeriya. You look great too."
Napasimangot naman si Jerome sa narinig sa anak ko.

"Hays. Great lang? Walang beautiful?"

Natawa naman kami ng anak ko sa sinabi niya. Hays! Ang anak ko talaga ang lakas ding mang asar kay Jerome.

"Hays! Let's go! Maramj ng bisita sa baba. At marami na ring Babyboys." Kinurot ko naman ang tagiliran nito.

"Babyboys po? Wala po bang ka age ko?"
Masamang nilingon ko si Jerome na kumamot na sa ulo nito. Mabilis naman itong nagpaliwanag sa Baby ko.

"Hehe. Meron naman Baby. Tara na nga."

Pagbaba namin sumalubong na kaagad aa akin ang mangilan ngilan naming relatives na nakaupo sa mga sofa. Nagmano lang ako sa kanila at pinakilala ang anak ko. Sa halos ilang minuto ko silang kinausap wala akong ibang naririnig kundi ang ganda ng anak mo hija. Maya maya lang rin ay napansin ko si Daddy. Mabilis na nagpaalam naman ako rito at nilapitan si Daddy.

"Dad," Kaagad naman itong lumingon sa akin.

"My Princesses." Aniya nang makita si Ieasis na nakakapit sa kamay ko.

"Happy Birthday, Dad!"

"Happy Birthday, Grandpa!"

Kiniss ko si Dad ganun din ang ginawa ni Ieasis. Mabilis lang din akong nag paalam ni Dad na lalabas muna ako para mahanap sila Mertylle at Henry. Si Jerome naman sa tingin ko ay nakalusot na kanena habang kinakausap ako ng mga relatives ko. Napansin ko naman na nabored na ang Baby ko. Siguro hinahanap na nito ang mga pinsan niya na tinutukoy ko kanena. Wala kasi itong kaibigan sa France kasi nasa house lang siya palagi kaya naman. Ganito siya ka excited nang sinabi ko na may mga kaedad din niya na pinsan niya na pupunta rito. Nang nasa labas na kami, hawak hawak ko parin sa kamay si Ieasis. Hindi ko na nakilala pa ang iba. Ang iba naman ay tinatawag ako na nginitian ko lang. Patingin tingin ako sa mga nakaupo na nang may marinig akong tumawag sa akin.  Nanigas naman ang katawan ko nang makilala ang  boses nito. Kahit na ilan taon ko na siyang hindi pa naririnig na tumatawag sa akin. Kilala na kilala na siya ng sistema ko. Ayoko mang lumingon pero pakiramdam ko ay naglalakad na ito papalapit sa amin. 

Maya maya lang rin ay naramdaman ko ang mga kamay nito sa balikat ko. Nanginginig ang katawan na hinarap ko naman ito.

"A-Aizan." Napangite naman ito na tumingin sa mga mata ko.

"Precious, long time no see." Aniya at ang hindi ko inaasahan. Wala na ang Aizan na nakilala ko noon na pabading bading na kumilos. Ang porma ng katawan nito ay mas naging matikas na. Yun bang hindi na bakla sa paningin ko. Lalaking
lalaki na ang Aizan na kaharap ko ngayon. At ang boses nito, napaka husky. Namutla naman ako nang mapadapo ang mga mata nito sa batang hinahawakan ko.

"Shit."

The Gay Who Got Me Preggy  حيث تعيش القصص. اكتشف الآن