Chapter 33

25K 736 30
                                    

"Mommy? Is it okay?"

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nang aaya kasi itong si Ieasis na gusto niya bisitahin ang Daddy niya sa Opisina nito. Ayoko pumunta doon baka ano pang isipin ni Aizan pag pumunta kami doon. Baka makita kami nila Tito at Tita. Di pa naman alam ng Mommy at Daddy niya ang tungkol kay Ieasis.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang gabing iyon at hindi parin ako makapaniwala sa sinasabu niya pero bat yung puso ko parang may something.

"Mommy?"

"Ha?"

"You are not listening."

"Ah baby, baka busy-"

"Sinabi na ni Daddy kahapon po na okay lang na bumisita tayo sa office niya." 

Shit. Paano ako makakalusot nito?

"Baby, ano kasi.."

"But if you don't to Mommy. I understand po. I'll just stay in my room." Nababahid sa boses niya ang pagtatampo  at humahakbang na patalikod sa akin.

Malalim na nagbuntong hininga naman ako. Ayoko talaga! Pero diko naman kaya na malulungkot ang anak ko pag diko pagbigyan.

"Ieasis Prezane." Mabilis na humarap naman ito sa akin.

"Gusto mo talaga pumunta-"

"Yes, Opo." Masiglang sagot nito.

"Okay. We will go to-"

"Yehey! Thank you Mommy!" Kaagad ako nitong inamba ng yakap at hinalikan pa ang mukha ko.

"Thank you Mommy!"

"For you Baby, I will do it."

Napansin ko pa ang pangingislap sa mga mata nito bag ito nagpaalam na aakyat na at mag hahanda na. Excited na excited siyang tumakbo papunta sa taas. Sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niya?

"Oh? Ang saya saya ni Baby girl ah. Anong nangyari dun?"

"Pupunta kami sa office ni Aiza-"

"Kyaaahhh! Oh my god! Is this-"

"Ulol! Ofcourse not! Si Ieasis lang ang may gusto nito. Ayoko lang na mawawala ang kislap sa mga mata ni Ieasis pag hinihindian ko."

"Oh? E, bat defensive ka? May sinasabi ba akong-"

"Shh."

"Buti nalang matalino ang inaanak ko."

"Matalino naman talaga yun, bumubulong ka pa. Naririnig ko naman."

"Hmmp. Aakyat na ako. Magpapahinga pa ako."

"Yeah, you really need that." Napangiwi naman ito na hinawakan ang mukha. Hindi pa kasi magaling ang mga pasa niya na kagagawan ni Aizan.

"Magbabayad talaga yang si Aizan. Naku! Kung diko lang mahal si Ieasis ipapasalvage ko yang-"

"Maliligo na ako."

"Bastos!" Natatawang umakyat ako sa hagdan at iniwan si Jerome sa baba.

Ilang minuto na rin akong nakatitig sa reflection ko sa salamin kung ano ba ang dapat kung suotin. Bakit ba ako nacoconscious? Eh ano naman kung pupunta kami sa Opisina niya? Ano bang nangyari sa akin.

Ang mga mararahang katok ang umagaw sa atensyon ko. Naka bathrobe kung binuksan ang pinto at ang nakangiteng mukha ni Ieasis ang bumungad sa akin.

"Hi Mommy! Are you done? Oh! Di ka pa po bihis, what's wrong?"

"Awe! Ang sexy ng baby ko. Wait magbibihis na si Mommy." Hindi naman ito umimik at mabilis na umupo sa kama. Naka offshoulder dress si Ieasis na color maroon kaya mas nagmumukha siyang manika sa kaputian. Mabilis ko nalang hinablot ang simpleng dress at pumasok sa banyo.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now