Chapter 3

36K 833 42
                                    

"Mertylle! Dahan-dahan lang sa pag order, May bukas pa po. Baka wala na akong panglibre sa mga boylets ko." reklamo ni Aizan ng mapansin ang sandamakmak na order ni Mertylle.

Nasa Cafeteria pala kami ngayon, Recess time na kasi namin. At dahil nga binasted ko si Melmar. Kaya heto as a pasasalamat ni Aizan. Nilibre niya kami.

"Keep calm Aiza nag dahan-dahan nga ako." sigaw pabalik ni Mertylle kay Aizan.

"TSK. Dahan-dahan? Eh kanena ka pa kaya order ng order. Ang dami pang kinuha mo, nahiya naman si Precious sayo." angal naman ni Aizan.

"Duh! Ako lang talaga ang kumuha sa parte ni Precious, look at her order, kunti lang diba? Kaya nga dinamihan ko tong order ko para fair. Sayang din yong pang basted niya tas may limitation pa ang panglibre mo." sagot ni Mertylle.

"Tsk. Tumahimik nga kayo, ang sakit niyo sa tenga. Ang lapit niyo lang sa isa't isa. Tas kung mag sigawan kayo parang nasa magkabilang bundok kayo."bulyaw ko naman sa dalawa.

Nag irapan naman ang dalawa.

"TSK. At Aizan! Akala ko ba treat mo kami, then ba't nagrereklamo ka?" tanong ko sa kanya.

"Beshy! Baka kasi ma ubos na tong cash ko, Hindi pa naman ako nakapag -withdraw kanena."saad ng bakla with pouty lips.

GOD! Gusto ko ba talaga tong baklang to?

"TSK . Ako nalang ang magbabayad sa mga orders niyo. Baka kasi wala ng panggastos si Aizan sa mga boylets niya. Nakakahiya naman." Puno ng sarkastikong saad ko. Nagliwanag naman ang mukha ng bakla ng marinig ang sinabi ko.

Buti pa yong mga lalaki niya.
May pang gastos siya eh sa amin, gumastos nga, makakatanggap naman kami ng milya-milyang reklamo!

"Sige Beshy! Lista mo nalang muna, tas bayaran nalang kita pag nakapag- withdraw na ako." Nagningning ang mukha ng bakla na inirapan ko naman.

"TSK. Ewan ko sayong baklang walang vagina!" Inis na bulyaw ni Mertylle na inirapan naman ni Aizan.

"Not now, but soon... Magkakaroon din ako ng vagina, katulad ng sa inyo." Mababakas sa mukha ni Aizan ang saya at pag aasam na magkaroon talaga siya ng ganun soon.

"Bakit Aizan wala ka bang balak mag ka anak?" Biglang na sa tinig ko.

Ba't nasabi ko yon? Sa isip ko lang dapat yon. Hayst! Precious ang darap mong kutusan.

Akward na napalingon ako sa pwesto ni Mertylle na nag hinihintay din sa sagot ni Aizan. Habang si Aizan naman ay napahinto.

"Hihihi.. J-ust forget it.. Joke ko lang yun." Pinagpawisan tuloy ako ng wala sa oras. Pati siguro singit ko, pinagpawisan sa tanong ko. Napayuko ako ng wala sa oras at nag iisip ng magandang sasabihin para mawala ang awkwardness na binuo ko. Kating- kati na ang mga kamay ko na batukan ang sarili ko.

"Ahm."

Mabilis na napaangat naman ako ng tingin ng mag "Uhm." si Aizan.

"Unfornately, Yes gusto kong magka anak. At gusto ko ang magiging daddy ng baby ko ay si Melmar."

Ang pag asang bumuo sa loob ko ay biglang nasira nang wala sa oras. Gosh ?! Akala ko pa naman, Kahit na konti man lang nangangarap siyang maka anak sa isang babae yun naman pala WALA tsk.

"So ano yun mag aampon kayo ng baby ganun? O baka naman nangangarap ka na magka anak kayo ni Melmar na galing talaga sa'yo.Ipaalala ko lang Aizan. Wala kang matris."sabi ko na inirapan lang naman niya.

"Let's see. Remember 21th Century na tayo beshy. Wala ng impossible, mas hightech na tayo ngayon, kumpara noon. Ngayon kung may pera ka, go lang ng go." Confident na sagot ng bakla.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now