Chapter 19

27.8K 819 49
                                    

"Nagselos ba si Daddy, baby?"

Kumabog ang puso ni Precious nang marinig si Melmar. Nagselos nga ba si Aizan? Baka nga nagselos ito kasi naabutan silang magkayakap ni Melmar.

"Akala ko narinig niya ang pinag usapan natin." Kinakabahang saad niya kay Melmar na nakangite sa kanya.

"Pero di naman yun mag walkout kung narinig niya ang pinag usapan natin,"

Tumango naman siya sa sinabi nito. Hays!
Napangiwi naman siya nang maalala ang mukha ni Aizan kanena habang magkayakap sila ni Melmar.

"Thank you Melmar,"

"No problem, basta ha. Ninong ako ng baby niyo," Naiilang naman si Precious sa narinig . Bat ang awkward ata kasi si Aizan na sobrang landi mas naunahan pa si Melmar na magka anak.

"Di parin ako makapaniwala na ang binabae na yun magkaka anak ng maaga."

Namumula naman ang mukha ni Precious nang makita ang mapang asar na tingin ni Melmar.

"Stop it, Kailangan na nating puntahan sila Beshy, baka nag alala na ang mga yun. Tas baka ano din ang iisipin ni Aizan,"

Tumango naman si Melmar sa kanya pero sinabihan naman siya na mauna nalang siya kasi mag comfort room lang ito. Doon niya lang din naalala na nasa Ladies Room pala sila. Natatawa naman siyang lumabas habang inalala ang namumulang tenga ni Melmar dahil sa pagkapahiya kanena nang may pumasok na dalawang babae na naguguluhang tumingin kay Melmar na nasa Ladies Room.

Nang papalapit na siya sa table nila kanena.  Napansin niyang wala na si Aizan sa inuupuan nito kanena.

"Okay ka lang ba Precious?" Tumango naman siya kay Mertylle na nakatingin sa kanya.

"Si Aizan?"

"Umuwi na."

"Ha? So ganun sabay tayong pumunta rito? Tas mang iwan siya?" Naiinis na naman siya kay Aizan.

"Busungot ang mukha nun nang umalis. Sinusundan ka kasi niya tas maya maya bumalik at mauna na raw siya. Sabi pa nga ni Aiza na may mga tao raw na naglalandian sa Ladies Room at padabog pa itong naglakad palayo rito."

Shit! I need to find Aizan. Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko na sa kanya tong kondisyon ko. Kasi baka ano pa ang sasabihin nun lalo na at nakit niya kami na magkayakap pa.

"Ano ba kasing nangyari? Sino naman ang naglandian sa-"

"I will talk to you later. I'll be going."saad niyabat mabilis na lumabas ng Cafeteria. Narinig niya pa ang pag tawag ni Mertylle sa kanya na mas binilisan niya pa ang lakad.

Halos malibot ko na ang buong Campus na sa tingin ko madalas naming tambayan. Wala parin akong Aizan na nahanap. Sumasakit na ang paa ko sa kakalakad. Tapos sure akong walang class si Aizan ngayon kasi vacant yun ng 2hrs. Tinawagan ko naman siya sa phone niya pero naka turn off naman ang phone niya. Hays! Where are you Aizan?

Nanghihinang napaupo ako sa isa sa mga bench na nasa gilid lang ng hallway. Bitbit ko pa ang juice na kabibili ko lang. Nauuhaw kasi ako sa paglilibot ko sa Campus. Kaagad na napatayo ako nang makitang si Aizan ay naglalakad papalabas nang Hallway. So uuwi na siya? Saan kaya siya tumambay kanena at diko siya nahanap. Mabilis na tumayo ako at dahil sa pag aasam na maabutan ko pa ito. Hindi ko na inisip na buntis ako at mabilis akong tumakbo para maabutan lang ito.

"Aizan!"

Alam kong naririnig niya ako pero umaakto siyang hindi niya ako naririnig. Mas binilisan ko pa ang pag takbo hanggang sa maabutan ko na talaga siya.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now