"Sorry Olsen I can't go out later madami pa ako gagawin, if you need anything you can already tell me while your still here" umupo siya sa tapat ni Cham.

"I apologize if makulit na ako, I just want us to be friends I want to know you more. I'm single and as far as I know your single too." May biglang umubo ng sobrang lakas, si Brandon nga pala nasa loob na ng opisina ni Cham, tiningnan siya ng dalaga saglit natawa na lang siya ng lihim sa ginawa ng kaibigan.

"Mr Torralba as far as I know too it's business hours right now, I know na hawak mo ang oras mo when It comes to your work but please I have no time right now. Sorry" Malumanay na sabi niya.

Hindi alam ni Cham ang kaibigan ay kanina pa pinipigilan ang pagtawa dahil sa pakikitungo nito sa lalaki mukha kasing may gusto ito sa kanya.

"Yes sorry maybe I will just visit you in your house." Nakukulitan na talaga ang dalaga sa kaharap, hindi ito ang unang beses na binigyan siya nito ng bulaklak at kulitin about sa gusto nito silang maging friends and about the single status na yan.

"Wala siya sa house niya may lakad kami" singit ni Brandon, nakatakip ng magazine na binabasa niya ang mukha niya para hindi makita ang ngisi niya kay Olsen.

"Sige Chamile I will call you na lang" tinignan lang siya ng dalaga at binigyan ng isang maliit na ngiti.

"Dude" tumayo si Brandon at hinarang si Olsen sa may pintuan. Tinignan lang siya nito. "Inform lang kita na girlfriend ko si Chamile Hontiveros kaya kung may balak ka pa umaligid tigil tigilan mo na ngayon pa lang" tinapik niya si Olsen sa balikat at tinuro na ang daan palabas. Pagbalik niya ng tingin sa kaibigan ay nakakunot na ang noo nito habang nakahalukipkip.

"I hate you, why did you tell him that you are my boyfriend?" nakangisi naman ang kaibigan at halos hindi na makita ang mga mata nito sa pagkasingkit.

"A-ah E-Eh hindi siya bagay sayo Mach, sasaktan ka lang nun mukhang babaero" napakamot pa siya sa ulo niya habang palapit sa upuan na katapat ng dalaga.

"Ganon? Well hindi naman siya nanliligaw sa akin eh. Gusto lang niya ako maging kaibigan ayaw ko lng pinaguusapan ang personal matters pag oras ng trabaho, napaka unprofessional lang."

"Mach bulag ka ba? Or manhid? Binigyan ka ng flowers ibig sabihin nun gusto ka niya" namilog ang mga mata ng dalaga sa sinabi ng kaibigan.

"Bakit ikaw binigyan mo ako bulaklak?" sabi niya pero nakatuon lang ang tingin sa computer niya. Napaurong naman ang binata sa sinabi ni Cham.

"Wala kasi friend kita" mahinang tugon nito.

"Ayun naman pala eh baka ganon lang din ang ibig sabihin ni Olsen, kaya ikaw wag ka eksaherado" napakagat na lang sa labi si Brandon at hindi na nakasagot sa sinabi ng dalaga.

Nagpatuloy si Cham sa ginagawa niya habang si Brandon ay nakatulog na sa sofa, nakatulugan na nito ang pagbabasa ng mga magazine.

"Mam pinapabibigay po ni Mr. Torralba" inabot ng assistant niya ang isang box ng malaking pizza.

"Pakisabi salamat, nagabala pa siya kamo"

"Mach wag ka muna kakain niyan" nagising si Brandon sa amoy ng pizza ng binuksan ito ng dalaga, tinignan lang siya nito ng may pagtataka.

"Ako muna kakain baka mamaya may gayuma yan." Natawa naman ang dalaga sa reaksyon nito, kumuha si Brandon ng isang slice at tinikman.

"Paano kung may gayuma nga yan eh di maiinlove ka kay Olsen?" natatawang sabi ni Cham, nagunat-unat siya ng katawan masakit na ang likod niya kakaupo, hindi ito nakaligtas sa paningin ni Brandon hindi niya alam kung ano ba ang iniisip niya pero she find it sexy ng makita niya si Cham na naguunat. Napakuha pa siya ulit tuloy ng pizza at dinaan na lang sa pagnguya ang nararamdaman.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now